Nora Aunor apologizes to German Moreno for not attending his 50th anniversary special

Nagkita ang Superstar na si Nora Aunor at ang Master Showman na si German Moreno sa 15th Gawad Sining Sine ng PASADO noong Sabado ng gabi, April 27. Dito ay masinsinang nag-usap ang dalawa at humingi na rin ng paumanhin si Nora sa hindi niya pagdalo sa 50th anniversary special ni Kuya Germs.


Magkasunod na dumating ang Superstar na si Nora Aunor at ang Master Showman na German "Kuya Germs" Moreno sa 15th Gawad Sining Sine ng PASADO sa National Teachers College (NTC) noong Sabado ng gabi, Abril 27.

Halos minuto lang ang pagitan ng pagdating nila, upang personal na tanggapin ang mga parangal na laan sa kanila o sa kanilang talent.

Nang makarating sa loob ng bulwagan, sa front row seats, ay agad tumabi si Ate Guy kay Kuya Germs.

Mahigit isang oras nag-usap ang dalawa; nagbubulungan pa sila habang magkatabi.

Sa marahan niyang tinig ay humingi ng paumanhin si Nora kay Kuya Germs, at bagamat alam na ng TV host ang dahilan, ay inulit ito ng aktres—ang pagtapos ng shooting niya para sa indie film na Ang Kuwento Ni Mabuti sa Nueva Vizcaya—kaya hindi siya nakadalo sa 50th anniversary special ni Kuya Germs noong April 24 sa Resorts World Hotel sa Pasay City.

Naunawaan naman daw ni Kuya Germs ang sitwasyon ng kaibigang Superstar.

Sa hiwalay na panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ay inusisa namin kay German ang tungkol sa pag-uusap nila ni Nora.

"Ay, hindi ko naman daramdamin ‘yon, ano? Alam mo naman, maunawain naman ako..." sabi ng beteranong TV host.

As for Nora, masaya siya nang gabing iyon na nagkausap na sila ni Kuya Germs.

"Hindi naman magagalit talaga sa akin si Kuya Germs. Mahal ako nun," sabi pa ng Superstar.

May mga namumuna laban kay Nora dahil sa hindi niya pagdalo sa event ni Kuya Germs.

Pero hindi iyon kagustuhan ng Superstar, kung tutuusin, dahil ang pangyayari ay bilang pagtugon din niya sa ninais ng TV5 management na ma-prioritize ang pagkumpleto ng shooting para sa Ang Kuwento Ni Mabuti ni Direk Mes De Guzman.

Ang nasabing indie film ay entry sa Cine Filipino Film Festival na gaganapin mula June 26 hanggang July 2, 2013.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



TEACHERS’ "PETS.” Si Nora ay hinirang na Pinaka-Pasadong Aktres, para sa Thy Womb, ng award-giving body na ito na binubuo ng mga guro sa iba’t ibang antas at disiplina.

Nasa venue rin ang direktor ng Thy Womb na si Brillante Mendoza at ang kanyang story/screenwriter na si Henry Burgos; kapwa rin sila nanalo bilang pinaka-Pasadong Direktor at mandudulang pampelikula, respectively.

Ang pagdalo naman ni Kuya Germs ay upang samahan at makibahagi sa tagumpay ng kanyang young actor-talent na si Jake Vargas, na binigyan ng Dangal ng Kabataan special award.

Katuwang ni Jake sa special youth achievement award na ito ang kanyang kapwa Kapuso tween star na si Barbie Forteza.

Wala si Barbie sa venue kaya si Kuya Germs ang tumanggap ng natatanging parangal ni Barbie.

"Hindi po ako si Barbie Forteza," sabi ni Kuya Germs.

Pero naroon siya, bukod sa pag-accompany kay Jake, upang ipahayag ang kanyang taus-pusong pasasalamat sa mga sumuporta sa kanyang 50th anniversary special.

Noong Sabado ng gabi ipinalabas ang nasabing TV musical special.

Bukod sa TV anniversary special, ikinalugod din ng veteran TV host ang pagkakalunsad ng isang coffee table book, na naglalaman ng mga larawan at anekdota hinggil sa makulay niyang career sa showbiz sa loob ng kalahating siglo.

Kaya hindi uli naiwasang maging emosyunal ni Kuya Germs. At balikan ang buhay niya noon—bilang dating telonero, janitor, sidewalk vendor, at anupamang maliit na napagkilanlan sa kanya—bago siya naging tanyag at kilalaning si Kuya Germs, ang Master Showman.



TRIUMPHANT. Bagamat madalas nang nakakadalo si Ate Guy sa awarding ceremonies ng international filmfests, ang pagdalo at personal niyang pagtanggap ng parangal mula sa locally-based awarding groups, tulad ng PASADO, ay pinapahalagahan pa rin ng Superstar.

Ang malaki niyang dahilan ay ang kanyang fans.

Sabi ng aktres, "Sila po ang masasabi ko na totoong magmahal na hanggang ngayon, nandiyan pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mahalaga po ang award na ito para sa akin dahil sa mga fans na patuloy na sumusuporta.

"Sila po yung... magmula noon, hanggang ngayon, nandiyan at matapat na sumusubaybay.

"Nung araw, yung baon nila, itinatago nila para mapanood ang pelikula ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN