Alfred Vargas inspired by first acting award to continue his career in showbiz

Todo-pasasalamat ni Alfred Vargas sa pangalawang award niyang natamo mula sa Golden Screen Awards. Sabi niya, “Tapos, after niyon, sinuwerte na ako. Kaya I appreciate it so much kanina, kasi malaki ang utang na loob ko sa entertainment press. Kasi, kayo ang unang naniwala sa akin.”


Nagtamo ng pagkilala si Alfred Vargas sa nagdaang 10thGolden Screen Awards ng Entertainment Press Society (ENPRESS) na ginanap sa Teatrino, Greenhills noong Sabado, April 27.

Nakamit niya ang Best Performance by an Actor in a Lead Role-Drama para sa pelikulang Supremo na base sa buhay ni Andres Bonifacio.

Bukod sa pagbibida rito, si Alfred din ang producer ng naturang indie film.

Hindi makapaniwala si Alfred na nanalo siyang Best Actor at nagtabla pa sila ni Eddie Garcia na bida naman sa pelikulang Bwakaw.

Aniya, “Hindi pa rin ako makapaniwala, di ko talaga ine-expect na mananalo rin ako.

“I feel very honored alongside an institution of Philippine cinema like Mr. Eddie Garcia.

“Itong gabing ito ang pinakamatagumpay na gabi sa tanang buhay ko bilang aktor.

“Dahil dalawang tropeyo ang nakuha ko—nanalo akong Best Actor at isa sa Dekada awardees in one night! Thank you, Lord!”

DAKADA AWARDEE. Bukod sa Best Actor trophy ay nakakuha ng isa pang parangal si Alfred nang napasali siya sa listahan ng mga pinagkalooban ng Dekada Award.

Pareho sila ni Eddie Garcia na nakakuha ng dalawang trophy sa isang gabi.

Sa palagay ba niya ay mauulit pa itong ganitong pangyayari?

Sagot ni Alfred, “Siguro ay hindi na mangyayari ito ulit, na sa isang gabi ay dalawang trophy ang nakuha ko as an actor.

“Pero okay lang, at least ay naranasan ko na ito! So, sobrang thankful talaga ako for these wonderful blessings.

“Sabi ko nga kanina, ito na siguro ang pinakamagandang gabi sa showbiz career ko, sa buong buhay ko.”

Ang mga artista, director, o producer na nakakakuha ng dalawa o higit pang tropeyo sa Golden Screen Awards for Movies sa loob ng 10 taong existence nito ay pinagkalooban ng Dekada Award.

Bukod kina Alfred at Eddie, kabilang sa mga pinarangalan nito sina Judy Ann Santos, Aga Muhlach, Coco Martin, Maricel Soriano, Eugene Domingo, Ara Mina, Cherry Pie Picache, Iza Calzado, Zsa Zsa Padilla, Dennis Trillo, Tirso Cruz III, at Sid Lucero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabilang din sa mga awardees si Direk Jeffrey Jeturian at movie producers na sina Atty. Joji Alonso (Quantum Films), Malou Santos (Star Cinema), at Antonio P. Tuviera (APT Entertainment).

ALMOST QUIT SHOWBIZ. Sa kanyang unang acceptance speech, ibinahagi ni Alfred na ten years ago ay muntik na siyang tumigil sa pag-aartista.

“Siguro po, I would like to tell you a short story na hindi po alam ng mga taga-ENPRESS.

“Kasi po before, noong nagsisimula pa lang ako sa pag-aartista ay medyo nawalan ako ng pag-asa.

“I’m supposed to go to Law school already and I want to quit showbiz.

“But then, I did Bridal Shower with Ms. Cherry Pie Picache and directed by Jeffrey Jeturian.

“And doon po nakita ng ENPRESS na mayroon palang pag-asa si Alfred Vargas pagdating sa acting.

“And I became the first awardee po na Breakthrough Performance by an Actor."

Pag-amin pa ni Alfred, “Kung hindi po nangyari iyon, siguro ay isa na akong abogado ngayon.

“Pero mas gusto ko pong maging artista at public servant.”



INSPIRATIONS. Pinasalamatan at hinandog din ni Alfred ang naturang award sa mga taong espesyal sa kanya at mga mahal sa buhay.

“And I would like to dedicate this award to my inspiration every day…

“Day in and day out ay kasama ko po siya palagi, Yasmine Vargas, my beloved wife.

“And to my Mom who’s battling cancer, and of course to my other mom, si Nay Lolit, thank you very much.

“Ad majorem Dei gloriam, All for the greater glory of God—thank you very much.

“Direk Richard Somes [director ng Supremo] at kay Gat Andres Bonifacio, maraming salamat!”


Sa ikalawang pag-akyat naman niya sa stage para sa Dekada award, ito ang sinabi ng actor/politician:

“Maraming salamat po, ENPRESS. I think ay ito na ang isa sa pinakamasayang gabi ko sa buong buhay ko bilang isang actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko po ine-expect and sa lahat po ng mga nanalo, it’s an honor to be alongside with you guys…

“And pati na rin sa mga kasabayan ko, ten years na tayo mga pare ko!

“Maraming-maraming salamat po, ‘eto namang award ay para sa Daddy ko.

“Nasa heaven na siya ngayon at sa mga taga-Novaliches na hinihimok ko pong iboto ako ngayon,” nakangiting sambit pa ni Alfred.

Sa hiwalay na panayam ay tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alfred kung nagsilbing inspirasyon ba sa kanya ang unang award na natanggap mula sa ENPRESS.

Tugon niya, “Oo, inspiration talaga para sa akin ang ibinigay ninyo sa aking award noon, iyong unang award ko.

“At doon ko sinabi sa sarili ko na mayroon din naman pala akong talent.”



Q.C. COUNCILOR. Abala si Alfred ngayon sa kasagsagan ng kampanya para representative ng fifth District ng Quezon City.

Inusisa ng PEP kung hindi ba siya nagsisisi sa pinalagpas niyang pagkakataon para maging abogado.

Sabi ni Alfred, “Iyong sinabi ko kanina, medyo ano, e, mayroon kasing time sa career ko na down na down ako at akala ko ay magku-quit na ako.

“Pero noong binigyan ako ng break sa Bridal Shower at ni-recognize ako ng ENPRESS, sabi ko, ‘Uy! Baka may pag-asa ako.’

“Tapos, after nun, sinuwerte na ako. Kaya I appreciate it so much kanina, kasi malaki ang utang na loob ko sa entertainment press.

“Kasi, kayo iyong nag-ano sa akin, kayo ang unang naniwala sa akin.

“And kaya ako nandirito ngayon sa showbiz ay dahil mahal na mahal ko talaga iyong trabaho ko.”

Ayon pa kay Alfred, lalo siyang gaganahan sa pagpo-produce ng pelikula dahil sa award na natanggap.

“Definitely, mas ganado po akong mag-produce ngayon.

“And I hope makagawa pa ako ng mga magagandang projects na magugustuhan ng mga Pilipino.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN