Martin Nievera airs grievance over ABS-CBN’s "lack of support" for his late-night talk show

Naglabas ng kanyang saloobin ang Concert King na si Martin Nievera kaugnay ng diumano’y kawalan ng suporta ng ABS-CBN sa kanyang late-night talk show, Martin Late @ Night. Sa pamamagitan ng kanyang Twitter account, sinabi ni Martin na hindi siya masisisi kung mababa ang rating ng kanyang show, di katulad ng primetime shows, "if u don’t support me like u support them."


May tampo nga ba ang Concert King na si Martin Nievera sa kanyang home network na ABS-CBN?

Base kasi sa kanyang tweets sa official account niyang "@4eversinging4u," tila naglabas ito ng kanyang hinanakit sa pagsasara ng kanyang talk show na Martin Late @ Night.

Mga tatlong episodes pa lang ang naeere ng show noon ay napag-alaman na ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na isang season lang ito tatakbo sa ere.

May source na nakapagsabi sa PEP na 13 weeks lang ito ieere, at ito ay para mapagbigyan lang daw ang hiling ng kampo ni Martin na maibalik ang dati niyang show.

Nakumpirma naman na malapit nang magtapos ang Martin Late @ Nite, na nagsimulang umere noong March 1, 2013.

Napapanood ito sa Kapamilya network tuwing Biyernes ng gabi pagkatapos ng late-night news program na Bandila.

APRIL 25 AND 27 TWEETS. Noong April 25, Huwebes, tatlong sunod-sunod na tweets ang naka-post sa Twitter account ni Martin:

“Ok tweet hearts. My biggest fear came true. Just found out martinlateatnight is only 13 episodes talaga. Then that’s it. Had highhopes sad=(

“Please everyone keep watching late@night before it ends. Meanwhile join me tomorrow in Subic then Sat in Bacoor. Just by a cd & your in!

“I hope abs cbn reads all your tweets about late@night. Thx all!”

Noong April 27, Sabado, ay isang tweet lang ang ipinost ni Martin kung saan nagpasalamat siya sa kanyang mga tagahanga na nanood ng kanyang mall show sa Cavite.

Ani Martin, “To everyone in SM Bacoor I am so sorry I was late! Thank u for waiting that love for unprofessional me =(. It won’t happen again. Promise!”

APRIL 29 TWEETS. Last Monday, April 29, apat namang magkasunod na tweets ang ibinahagi ni Martin sa kanyang followers.

Dito ay sinabi ng Concert King na hindi raw siya sinasagot ng ABS-CBN management tungkol sa kanyang mga tanong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s hard to try & make l@n better if I don’t have the support from upstairs. They don’t even answer my texts.”

Ang "l@n" ay daglat ng titulo ng show na Late @ Night.

Ang kasunod niyang tweets ay tungkol sa diumano’y mababang ratings ng kanyang talk show na hindi naman daw niya kasalanan.

Sabi ni Martin, “U cannot blame me if I am not rating like the prime time shows if u don’t support me like u support them. No band no live audience? How?

“I know I am no teleserye or noon time show but if I had their support I would last longer. Can’t stay in the fight alone. So sad.

“It feels like the station is just waiting for my season to end so they can be rid of l@n to say, ’ok we gave u a show! Now go to your room!’”

ED’S NOTE. At press time ay hinihintay ng PEP ang panig ng ABS-CBN kaugnay ng mga pahayag na ito ni Martin. Agad na ilalathala ng PEP ang kanilang sagot kapag nakuha na namin ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN