Chiz Escudero says he was hands-off on Heart Evangelista’s sexy photo shoot on Esquire

Chiz on Heart’s sexy pictorial on Esquire: “Desisyon ‘yan ng editors ng Esquire. Wala kaming kinalaman. Ni hindi namin sila kinausap, ni wala kaming alam.”


“Lahat na yata ng hindi magagandang salita, naibato na sa akin,” panimula ni Senator Chiz Escudero sa kanyang press conference kahapon, Mayo 1, sa Imperial Palace Suites, Tomas Morato, Quezon City.

Muling tumatakbo ngayon si Chiz sa pagkasenador sa ilalim ng Team PNoy Coalition.

Ang press conference ni Chiz kahapon ay ipinagkaloob ng Regal Matriach na si Mother Lily, na naging supportive sa senador mula nang una siyang tumakbo.

Sa TV campaign ads niyang “Say Chiz,” dalawa sa mga nirerespetong artista ang pumayag na makasama sa TV ads niya; sina Eddie Garcia at Vic Sotto, na kilalang hindi basta-basta nag-e-endorso ng kandidato.



PROUD OF HEART. Marami naman ang natuwa kay Senator Chiz dahil kahit anong tanong, sinasagot nito. Hindi maiaalis na marami ang interesado at gustong makaalam sa kung ano na nga ba ang nangyayari sa kanila ni Heart.

Gustong malaman ng marami ang reaksiyon niya sa pag-pose ni Heart para sa cover ng Esquire. Marami ang posibleng magkagusto kay Heart dahil sa kanyang kaseksihan.

Ano naman kaya ang reaksiyon ni Chiz sa mga nagkakagusto sa girlfriend niya?

“Siyempre, kahit naman sino na nasa kalagayan ko, siyempre, proud at masaya ako sa kanya dahil makakatulong sa kanyang career. Hindi naman kasi ako pinanganak na seloso, kahit noon pa. Sana, magpatuloy na ganoon ako.”

Hindi siya konserbatibo pagdating sa pagpapaseksi ni Heart?

“Hinihiwalay ko ang propesyon niya sa propesyon ko. Tulad niya, hindi naman niya ako pinagsasabihan kaugnay ng mga dapat at hindi ko dapat gawin sa larangan ng trabaho ko.”

Malinaw na ipinarating noon pa man nina Chiz at Heart na hindi mangangampanya si Heart para sa kanya. Kaya naman walang anumang campaign rally na nakikita si Heart na kasama ang senador.

Pero sa paglabas ni Heart sa Esquire magazine, naka-panty lang ito at sa sando na kanyang suot ay nakaukit ang salitang “VOTE.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At dahil siya ang alam ng lahat na karelasyon nito, hindi man nga nangangampanya para sa kanya si Heart, sa lumabas na cover nito? Tila isinisigaw na rin na iboto siya.

“Hindi niyo ba nakita ang nakasulat sa likod ng t-shirt niya? Wala ang sabi,” ang pagbibiro pa niya.

“Yung pictorial niya ng Esquire, I think, nag-agree sila diyan. When I say sila, meaning, siya at ang kanyang nanay.

“Bago pa magsimula ang kampanya. Pati ang mga litrato, lahat yun pinag-agree-han nila bago pa man magsimula ang kampanya.

“Desisyon ‘yan ng editors ng Esquire. Wala kaming kinalaman. Ni hindi namin sila kinausap, ni wala kaming alam.”

Noong photo shoot daw, medyo kinabahan daw si Heart at nagkaroon daw ito ng hesitation. Posible kayang siya ang naiisip nito?

“Kung nagkaroon man siya ng hesitation, hindi ko na nalaman yun dahil hindi naman niya ako tinext o tinawagan bago nangyari yung photo shoot. Nagkausap na lang kami pagkatapos noon. Ang kasama lang yata niya yung assistant niya.”

Ano lang ang naging kuwento ni Heart sa kanya?

“Yung sinabi niya na noong una, hindi siya komportable pero kalaunan, dahil mababait at propesyunal ang mga taong naroroon, naging palagay na ang loob niya.”



SURVEY SAYS. Naitanong din kay Sen. Chiz ang tungkol sa survey na ginagawa ng SWS (Social Weather Stations) kung saan, mismong ang isa pang reelectionist na si Alan Peter Cayetano ang nagsabi na nag-top 2 siya noong wala pa ang mga isyu sa kanila ni Heart at magulang nito.

Pero ngayon, muli na naman siyang umakyat sa top.

Ano kaya ang posibleng dahilan?

Sabi naman ni Chiz, “Wala sigurong makakapagpaliwanag. Maraming eksperto pagdating sa survey, pero sa totoo lang, lahat ‘yan, mapag-aaralan pagkatapos na lamang.

“Ayokong maging eksperto sa isang bagay na hindi naman talaga ako eksperto.

“Sa isang eleksiyon, habang nalalapit ang araw ng halalan, mas nabubuo ang isip ng botante kung sino talaga ang gusto nila. Hindi ba, kahit naman sino, kapag malayo pa ang eleksiyon, hindi mo masyadong pag-iisipan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero kapag nandiyan na, doon mo talaga pagsisimulang pag-isipan at suriin. So, ang mga pagpapasya ng mga botante, nagbabago talaga. At minsan, malaki ang pagkakaiba mula simula ng kampanya hanggang sa bago mag-eleksiyon.”


THANKING HIS CRITICS. Ano nga ba ang pakiramdam ng senador sa mga nagtatanggol at nagdedepensa sa kanya?

“Taos-pusong nagpapasalamat,” tugon ng pulitiko. “Siguro, pagkatapos ng ilang araw na parang tigang at dilim, siguro, may konting liwanag na nakikita. Pambawi ng uhaw sa konting suporta na ibinabato sa amin ng mga lola at mga tita.”

Naging kapansin-pansin din ang husay ni Senator Chiz sa pananalita ng Tagalog. Kung tutuusin, alam ng lahat na isa siyang Bicolano, pero, saan nga ba niya natutunan ang malalalim na Tagalog tulad ng salitang “kasintahan” na hindi na halos nagagamit sa ngayon?

"Kasintahan" ang pantukoy ni Senator Chiz sa girlfriend na si Heart Evangelista.

Paglalahad niya, “Sa pelikulang Filipino. Noong lumalaki ako, yun ang madalas na napapanood. FPJ sa GMA. PPP, Piling-Piling Pelikula.

“Kaya ang Tagalog ko, hindi balarila. Hindi ko ginagamit ang salitang silid-aralan, classroom, yun nga lang, “k” ang nasa isip ko. Hindi ko ginagamit ang salitang guro, ang ginagamit ko, teacher. Titser nga lang ang spelling.

“Inimbento ang salita para magkaintindihan tayo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN