Roxanne Guinoo on working with ex-boyfriends Jake Cuenca and Joross Gamboa: “Ako yung maiilang… ayoko!"

Tanggap na raw ng aktres na si Roxanne Guinoo na palaging mauugnay sa kanya ang ex-boyfriends niyang sina Jake Cuenca at Joross Gamboa. Sabi niya, “Parang kabuntot na sa buhay ko yung dalawang yun… tinanggap ko na rin lang din.”


Sa panibagong interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Roxanne Guinoo, nilinaw niyang wala siyang intensiyong ikumpara ang pinaggalingang ABS-CBN sa nilipatang GMA-7.

Magaan at masaya raw ang pakikipagtrabaho ni Roxanne ngayon sa Kapuso network, partikular sa taping ng umeere niyang serye na Home Sweet Home.

Kabituin ni Roxanne dito sina Raymart Santiago, Gladys Reyes, Jillian Ward, Jake Vargas Bea Binene, at Ms. Celia Rodriguez.

Saad niya, “Ang gaan, ang light—from the director down to the staff and crew.

"Mababait... lahat sila naka-smile, tsika-tsika, hindi ka nai-stress.

“Nagkataon lang siguro na masayahin itong grupong sinamahan ko—ang Home Sweet Home.

“Excited kang laging uma-attend ng taping kasi talagang at home ka sa kanila. Plus more tsika, more fun!”

Patuloy pa niyang deskripsiyon sa nararanasang pakikipagtabaho sa staff ng Home Sweet Home: “Saka pag tinawag ka, hindi yung, ‘Tara! Bilis!’ Hindi sila ganoon.

"Yung approach ba nila sa mga artista, magaan.”



STILL FRIENDS. Sinasabi rin ni Roxanne na wala siyang sinunog na tulay sa ABS-CBN nang piliin niyang magtrabaho sa GMA-7.

Ang Star Magic ang humahawak noon ng career ni Roxanne, pero ngayon ay si Manny Valera na ang kanyang talent manager.

Nagpaalam siya sa Star Magic head na si Johnny Manahan, o Mr. M, na susubukan muna niyang magpa-handle sa ibang management team.

Paliwanag pa ni Roxanne, “Kasi may asawa’t anak na ako at alam mo yung buhay ko, nagbago na talaga.

“At yung sistema naman doon [ABS-CBN], may rotation," na ang ibig niyang sabihin ay ang pagbibigay ng trabaho o project.

“Saka yung pag-aartista, nasa puso ko na rin…

"Yung sakripisyo na tatlong taong wala akong trabaho, na-miss ko talaga.

“Ang pambawi lang doon, na-enjoy ko yung pag-aalaga ko sa pamilya ko.

“Ngayong lumipat ako kina Direk Manny, hindi naman ako nagkamali ng pagpili ng manager.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung utang na loob ko kay Mr. M, hindi mawawala yun.

“Noong nagpaalam ako sa kanila, sinabi nilang, ‘Walang problema kung saan ka sa masaya. Pero kung ikaw ay babalik dito, tatanggapin ka pa rin namin.’

"Maganda po talaga yung relationship namin ng Star Magic.

“Ang dami ko ring pinagdaanang problema doon na talagang mabibigat at hindi ako pinabayaan nina Mr. M… naging baby rin nila ako.”

Si Roxanne ay produkto ng dating talent search ng ABS-CBN na Star Circle Quest (2004).



JAKE & JOROSS. Hindi kaya ang rason ng paglipat niya ng ibang network ay ang ex-boyfriend niyang si Jake Cuenca? Para maiwasan ang pagkikita nilang muli?

Sabi ng 27-year-old actress, “Kahit saan naman po, kapag may nakakita sa akin...

"Noong nag-taping kami sa Bulacan, ang tanong sa akin, ‘Si Joross kumusta? Si Jake kumusta?’

“Parang kabuntot na sa buhay ko yung dalawang yun… tinanggap ko na rin lang din.

“Hindi rin naman nagku-krus yung mga landas namin since nagkaanak ako."

Si Joross Gamboa ay naging boyfriend din ni Roxanne noong nasa ABS-CBN pa siya.

“Pero si Kuya Dinky [Doo], di ba, nakasama ako sa Valiente? Nangamusta yun, tapos pina-‘hi’ niya lang sa akin si Joross.

“Tapos sabi niya, ‘Kumusta ka na?’

“’Ako ‘eto, pamilyado na. Ikaw? Saan ka na papunta?’ Tawa lang siya nang tawa.

“Tapos, sabi niya, ‘Good luck. Masaya ako para sa iyo.’ Ganoon lang.

“Si Joross, nagkaroon ng chance na magkausap kami over the phone, pero si Jake, wala pa.

“Hindi pa nagku-krus ang landas namin simula noong naging dalawa na ang anak ko… kahit naman si Joross.”

Ano ang reaksyon ni Roxanne kapag kinukumusta sa kanya ng mga tao si Joross?

Tugon niya, “Siyempre, may joke ako diyan—‘Ibinaon ko na sa limot! Nandoon, nandoon sa ano niya…’ Mga joke lang na konting hirit.

“Pero minsan, ini-expect ko na, ’Joross!’ Alanganing matutuwa ka ba or maiinis ka?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May pagkakataon bang kasama niya ang asawang si Elton Yap at kinumusta sa kanya ng fans si Joross?

“Oo, pero siya [her husband], wala naman siyang pakialam. Sinasabi ko na lang, ’Hindi ko alam.’

“Ako naman yung nako-concious, pero hindi ko alam kung ano yung nasa isip ng asawa ko.

“Iniisip ko na lang, siguro malakas talaga yung hatak ng team-up namin noon…

“Or mapang-asar lang talaga yung mga tao na kahit alam nilang may asawa na ako, kukumustahin pa sa akin si Joross or si Jake.”



COMPARISON. Given a chance, gusto pa rin ba niyang makasama sa trabaho si Joross?

Tugon ni Roxanne, “Opo naman po. Kasi maganda rin naman yung pinagsamahan namin noon.

“Mabait yung mga magulang nun sa amin… kahit yung mga magulang ko.”

Mas mabait ba si Joross kaysa kay Jake?

Nag-isip muna si Roxanne at kitang-kita sa reaksiyon niya kung sasagutin ba niya ang tanong o hindi.

“Paano ko ba… comparison ba ito?

“Si Joross kasi, bubbly. Ikaw na yung maiinis dahil makulit—‘Puwede bang pumirmi ka, pumormal ka?’ Ganoon before."

Mas na-miss ba niya si Joross kaysa kay Jake?

“Parang mas masarap si Joross maging kaibigan, more than maging ka-partner o karelasyon.

“Mas maa-appreciate mo… sa akin, ha, parang mas maa-appreciate ko siya kung mas naging magkaibigan kami.”

Parang mas marami magagandang memories at anecdotes si Roxanne kay Joross kaysa kay Jake.

“Ay, talagang ibinalik?” sabay tawa ng aktres.

Para kasing mas magulo ang naging relasyon nila ni Jake?

“Kasi mga bata pa kami noon, e. Yung stage na… kasi unang boyfriend ko siya.

“Yung nanay mo, bantay-sarado, buwisit na buwisit, ayaw niya kaming bigyan ng chance na magkasama.

“Yung sa isa [Joross] naman, parang nai-compare ko na…

“Alam ko na kung ano yung pakiramdam ng nasaktan ngayong another relationship na naman—maggo-grow talaga yung utak mo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Okay lang ba sa asawa niya na makatrabaho niya muli ang isa man kina Jake at Joross?

“Oo, okay lang siya. Pero ang desisyon, nasa akin,” sagot ni Roxanne.

Gusto ba niyang makatrabaho sina Joross at Jake?

“Ako yung maiilang… ayoko! Ako yung naiilang. Kasi, yung respeto sa asawa ko na…

"Sa kanya, wala e. Pero yung kantiyaw sa kanya ng mga tao.

“Parang alam naman natin dito sa trabaho, parang ako nga lang ang nakikita…

“Parang di mawala yung, ‘Si Joross, si Jake, si Joross, si Jake!’ Parang kambal ko na nga yung dalawa, e.”



MARRIAGE BLISS. Sinisigurado naman ni Roxanne na hindi magiging problema sa marriage life niya ang pagbabalik niya sa showbiz kahit limang buwan pa lang ang kanyang bunsong anak.

Pagdating daw niya sa bahay, siya pa rin ang nag-aasikaso ng kanyang mga anak.

Kumbaga, nababalanse naman daw niya ang role niya bilang ina at asawa.

May mga nag-iisip na kaya binalikan ni Roxanne ang pag-aartista ay para makatulong sa kanyang mister. Hindi raw kasi nagbubuhay-mayaman ang aktres sa marriage life niya ngayon.

“Hindi naman… bongga nga sila, e,” depensa agad ni Roxanne.

“Pero siyempre, kaming mag-asawa, ang nasa utak namin ni Elton… habang bata kami, habang maliliit pa yung mga anak namin, on our own…

“Gusto namin iano talaga yung buhay namin, hanggang may chance pa kami.

“Parang ngayon, pini-prepare pa lang namin ang mga sarili namin.

“Ayaw naming sumabak lagi sa obligasyon kasi baka mamaya magkamali kami na parang… ngayon, nag-iipon kaming dalawa, e.

“Marami kaming mga plans. Parang ako, ganito may trabaho.

“Automatic, may share ako sa mga anak ko—yun ang panata ko sa sarili ko.

“Pag may personal akong kita, may percent doon ang mga anak ko.”

Nagbubuhay-reyna ba siya sa asawa?

Sagot ni Roxanne, “Masaya ako sa buhay ko na magkasama kami ng asawa ko, na mababait yung mga in-laws ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sanay naman ako sa hirap e. Lumaki akong sinanay kami sa hirap ng nanay ko, e.

“Kumbaga, maganda ang buhay ng napangasawa ko. Pero ang ugali nila, hindi gaya ng iba—napakasimple lang ng buhay nila.

“Kasi yung asawa ko, pinsan si Tim Yap, e.

“Actually, si Tim na rin ang makakapagsabi kung anong klaseng pamilya meron ang napangasawa ko—napasimple lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN