PEP SCOOP Paulo Avelino unhappy with reporter’s questions on fatherhood; road manager has tape of interview erased

Tatlong buwan matapos pumirma ng kontrata si Paulo Avelino sa ABS-CBN noong August 15, 2011, ay nagsimula na itong humiling na huwag muna siyang tatanungin tungkol sa kanyang pagiging ama.


Makakasama ba kay Paulo Avelino, 24, kung sasagutin niya ang tanong ng mga reporters tungkol sa kanyang pagiging ama?

Hindi lang isa o dalawang beses na tumangging magbigay ng anumang pahayag ang Kapamilya actor tungkol sa kanyang buhay pag-ibig at pamilya.

Nagsimula ito tatlong buwan matapos siyang pumirma ng kontrata sa ABS-CBN noong August 15, 2011. (CLICK HERE to read story)

Hindi lang isa o dalawang reporters ang nakapagsabi sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na naging ugali na ito ni Paulo.

Tuwing makikita raw siya sa event, nakabantay ang road manager nitong si JJ Henson, na siyang nagsasabing, “Huwag na ’yan huwag na ’yan,” sa tuwing may magtatanong tungkol kay Paulo, ang Kapuso actress na si LJ Reyes, at ang pagiging ama nito sa anak nila.

Kaya naman, ang huling panayam kung saan nagkuwento si Paulo tungkol sa kanilang anak na si Ethan Akio, ay noon pang July 5, 2011, noong nasa GMA pa siya.

Ang sabi niya noon, "Actually, ’yon na lang ’yong life ko ngayon, e—it’s me, my work, my baby, my family."

Matapos ang halos tatlong taon, nito lang April 17, 2013, ulit sumagot ng tanong si Paulo tungkol kay Ethan.

(CLICK HERE to read story)

Sa panayam ng PEP staff writer na si Abby Mendoza, binanggit ni Paulo na, “So, I make sure pag may oras ako, or if I have extra time, I make sure I spend it with the special people in my life.”

Pagkatapos ng apat na tanong, saka siya humingi ng paumanhin, “With all due respect… I’ve already said too much, and I just want to keep things for myself, treasure things for myself.”

Pero sa dalas ng kanyang ganitong request, tila ito ay nagiging mandate na.

Ayon sa dalawang witnesses, sa isang out-of-town event sa Batangas, noong April 26, “OA” daw ang naging reaksiyon ng aktor at ng kanyang road manager sa topic ng fatherhood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod kasi sa iniwasan ni Paulo ang tanong, lumapit pa si JJ sa cameraman at pinabura umano ang nasabing portion ng interview.

Kitang-kita raw ng isang saksi na namutla dahil sa pagkapahiya ang reporter, lalo pa’t maayos naman ang ginawang pagtatanong nito.

THE CONTROVERSIAL QUESTION. Kinontak mismo ng PEP ang reporter na nagpunta sa event, pero hiningi nito na huwag na lang banggitin ang kanyang pangalan dahil ang “trabaho niya ay taga-report at hindi inire-report."

Nang tanungin ng PEP, sa pamamagitan ng telepono, kung ano yung tinanong niya kay Paulo, heto ang maikling sagot ng Kapamilya reporter:


“Ngayong andami mong proyekto at endorsements, paano mo naisasabay ang work at ang pagiging ama?”

Tatlong beses daw itong tinanong ng reporter, at tatlong beses ding sumagot si Paulo ng: “Ano ulit?”

Sa puntong ito, nakita ng dalawang witnesses na lumapit si JJ, ang road manager ni Paulo, sa kung saan nagaganap ang interview.

Ang narinig nilang sinabi raw ng StarStruck alumnus: “Ayoko ng tanong na ganun, e.”

Dito na raw nakialam ang road manager ni Paulo at pinanood ang interview sa camera—at saka pinabura.

Wala raw anumang eksplanasyon ang road manager. Basta na lang daw nito sinabing, “Basta, pakibura.”

Ang ending: Bumiyahe pabalik ng Maynila ang reporter at ang kanyang crew na walang sapat na materyal.

GOOD BOY GONE BAD? Matagal nang usap-usapan sa entertainment press ang madalas na pagtanggi ni Paulo na sagutin ang mga tanong sa kanya.

Isang writer ng PEP ang nakaranas nito. “Sa isang toothpaste event, ini-screen ng road manager ang mga tanong, tuloy, pinutol ko na lang ang interview."

Isa namang showbiz editor ang nakasaksi rin sa pag-iwas ni Paulo sa mga tanong, kaya nagsalita ito ng:


“Hindi dapat dinidiktahan ang reporter kung ano ang itatanong, hindi naman tayo publicist!

“Kung ayaw niya ng tanong tungkol sa personal niyang buhay, huwag na lang magpakita sa mga events na may press at [huwag] magpa-interview.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinontak na ng website na ito si Leo Dominguez, manager ni Paulo, tungkol sa isyung ito, pero wala pa siyang sagot.


At press time, nagpadala na rin kami ng tatlong text messages sa kanya, sa mga oras na 7:05 p.m., 7:13 p.m., at 9:48 p.m.


Nakausap din ni PEP managing editor Karen Pagsolingan ang publicist ni Leo na si Jun Lalin, sa birthday party ng huli kanina, May 2. Ipapaabot daw ni Jun ang aming mensahe.


Agad ilalathala ng PEP ang anumang magiging pahayag ni Paulo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN