Alfred Vargas has no regrets sacrificing his acting career for politics and family

Ang actor-turned-politician na si Alfred Vargas, na tumatakbo ngayong Congressman sa 5th District ng Quezon City, ay nagdesisyong isakripisyo ang kanyang showbiz career upang makapaglingkod sa bayan.


Masayang-masaya si Alfred Vargas nang makausap ng ilang entertainment press sa Annabel’s Restaurant, Tomas Morato Ave., Quezon City noong Martes, April 30, at kung saan dala pa nito ang dalawang tropeo na napalunan niya sa kakatapos lang na 10th Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society.

Nanalo nang gabing yun si Alfred bilang Best Actor sa pelikulang Supremo, ka-tie si Eddie Garcia para sa pelikulang Bwakaw.

Pero hindi inasahan ni Alfred na dalawang award pala ang maiuuwi niya noong gabing yun dahil pinarangalan din ng Enpress ang nanalo na ng mahigit dalawang awards sa isang dekada nito.

May nagsabi nga kay Alfred na kahit daw paano, masasabi niya na talagang malaki rin ang naitulong ng pagiging artista niya sa pagpasok sa pulitika.

“Actually, reality po ‘yan talaga,” saad ni Alfred.

“Hindi po ako magiging public servant kung hindi po ako naging actor. Reality po ‘yan. Hindi ko po dine-deny ‘yan. And sa Supremo po, in commemoration ng 150 years ni Andres Bonifacio, I think, we are compelled to show this again to mainstream cinema.

“This time, in all cinemas nationwide, around late this year, mga November.

“So, we have all the time po para mag-market at ma-promote ang film na ito and I think, this time around, given enough time, mas maraming makakapanood kay Andres Bonifacio at baka ire-require na siya ng DepEd dahil 150 years ni Andres Bonifacio.”

Dugtong pa ni Alfred, “And let it come to me na even up to today, sobrang lakas pa rin ng impluwensiya ng print media at multi-media because noong nagpo-promote tayo ng Supremo, right after na mailabas po ang mga releases ninyo, e, talagang nag-up po ang box-office.

“So, meron po talagang direct, until today na kapag tinutulungan ka ng press, umaangat talaga ang pelikula mo.”

Hindi lang kasi bidang actor si Alfred sa Supremo, siya rin ang producer rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya sabi nga niya, “As a producer, na-realize ko ‘yan lalo. Na-reaffirm sa akin ‘yan. Kung gaano kahalaga ang role ng press.”

Masasabi niyang nabawi na ang puhunan niya sa Supremo?

“Bawing-bawi na po tayo at hindi naman ganoon kalaki ang babawiin. Yung inilabas po natin, nabawi na po natin kasi, hindi naman siya malaki in the first place.

“Tapos ngayon, umiikot siya sa mga schools, pero sa laki ng clamor, baka ilabas na lang siya ulit sa mainstream, which is not expensive anymore kasi, nasa amin na po ang mga digital copy, ipapasa na lang po sa mga sinehan.”

Nakuha pang magbiro ni Alfred nang tanungin kung ano naman ang susunod na pelikulang ipo-prodyus niya.

Natatawang biro niya, “Baka po Tandang Sora naman, ako pa rin ang gaganap.”

Pero dugtong din niya agad, “Siguro something light, something about family naman. Kasi, medyo nakakalunod din po kasi sa production ang Supremo. Siguro, I want to do something light naman. And hopefully lang, gusto kong makuha si Direk Chris Martinez, titingnan po natin kung umoo siya.”


SACRIFICING SHOWBIZ CAREER. Nakita namin ang tuwa kay Alfred na muli siyang nabigyan ng rekognisyon sa pag-arte.

Kaya naitanong namin sa kanya na sa pagkapanalo ng award, hindi ba sumagi sa isip niya na mas masaya pa rin sa showbiz o pag-aartista na nga lang ang talagang gawin niya.

Although sa ngayon nga, tumatakbo si Alfred bilang Congressman ng 5th District ng Quezon City.

Sabi naman ni Alfred, “Alam niyo, once in a while, sinasabi ko sa sarili ko, nakaka-miss talaga ang maging actor. Kasi, kapag actor ka, focus ka lang sa trabaho mo. Tapos may project naman na darating, okay naman ang talent fee mo.

“Pagkatapos sikat ka, relax ka lang. Hindi mo kailangan ng election para magkaroon ng trabaho, ‘di ba? So, nakakamiss din talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero it’s a choice that I made before na talagang sinacrifice ko na yung personal dreams ko para po makapaglingkod sa bayan.”

Dugtong pa niya, “Kaya nga minsan, nagkaroon kami ng usapan ni Nay Lolit [Solis].

“Sabi niya, ’sure ka na ba sa gagawin mo? Papasukin mo ba ‘yan, ‘yang 2010 election?’ So far, desidido naman ako and no regrets naman ako.”

Unang tumakbo si Alfred bilang councilor sa Quezon City noong 2010 at pinalad na manalo.

“Tapos, it’s the best decision I’ve made sa entire life ko, yung pasukin ang public service, kasi very fulfilling din naman,” pahayag niya.

Multi-tasking siya kung tutuusin. Pulitiko, producer, artista at isang family man din.

Hindi ba siya nahihirapan sa lahat ng ginagawa niya, bukod sa nag-aaral pa siyang muli para sa kanyang Master’s Degree sa University of the Philippines?

“Actually, ang na-sacrifice po as a public servant, ang na-sacrifice po talaga, ang pagiging artista ko. Yun po ang na-sacrifice talaga. Mas hindi niyo po ako nakita for the past years, yung project, paunti-unti lang, piling-pili lang.

“So, I made a choice na mas importante ang family ko and for now, yung public service. Para mag-excel ako, meron akong i-sacrifice and unfortunately, ito yung acting career ko na na-put on hold muna.

“But right now, hindi ko napi-feel yun dahil na-recognize naman akong Best Actor and right now, it’s the most triumphant. It is the more triumphant night ng buhay ko bilang actor ng gabing yun.”

Kung matatandaan, noong pinalabas ang Supremo, inarkila ni Alfred ang buong sinehan para makapanood ang Mommy niya na may sakit na cancer.

Ngayong nanalo siya ng Best Actor, ano ang naging reaksiyon ng ina niya?

“Noong tinext ko siya, tulog na siya. So, nagising siya, gulat na gulat siya. Noong premiere nga kasi ng Supremo, hindi siya puwedeng manood in public, so, pinasara ko ang buong SM cinema at kaming family na lang ang nanood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, noong napanood niya, sabi niya, ’you deserve a Best Actor award.’ So, nagkatotoo. Sobrang happy siya.

“At noong gabing yun, nagising siya ng madaling-araw, tinext niya lahat ng mga kamag-anak namin from Bulacan to Surigao.

“Kaya paggising ko ng umaga, meron akong 80 plus messages kasi nga, tinext sila ng mommy ko.”

Kinumusta naman namin si Alfred ngayong kampanya niya at meron na lang siyang sampung araw bago ang talagang election sa May 13.

Kumusta nga ba siya sa kalagitnaan ng kampanyahan?

“Nakakapagod kasi, sobrang init po. Right now, wala na akong boses. At noong awards night, galing pa ako sa house-to-house. Tapos nag-attend ako ng awards night, then, bumalik pa ako sa rally.

“Pero ang nakaka-inspire, yung survey, mataaas na mataas tayo sa surveys at saka, mukha namang na-appreciate ng mga tao ang nagawa natin for the past three years,” masaya niyang kuwento.

Sa pangangampanya niya, ano ang mga naranasanan o napatunayan niyang dumi nga ng pulitika?

“Una, marami pa ring problema ang mga tao, ang lipunan. Ang hirap kapag binabalikat mo ang problema. Minsan nga, problema ng pamilya ang hirap i-resolve, paano pa kaya kung problema ng half a million na tao?

“Tapos yung mga isyu, paninira. Pero in every campaign, kasama ‘yan. Like kung yung katunggali natin merong mga ibinabatong kung anu-ano, ako, I just stay focused. Hindi ko na lang pinapansin.”

Ano ang kadalasang ibinabatong paninira sa kanya?

“Usually, sasabihin nila, ‘Artista lang, artista lang ‘yan.’ So ako, hindi ko na lang pinapansin at sinasabi ko na lang na let the people decide.”

Pero hindi nga puwedeng basta maliitin din si Alfred dahil kilala siyang artista. Bago pa man pumasok sa showbiz, nakapagtapos si Alfred ng kurso sa Ateneo de Manila, at sa tatlong taong termino niya bilang Konsehal, masaya naman si Alfred na sabihin na marami rin siyang nagawa para sa Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anu-ano nga ba ang mga yun?

“In a span of one term, nakapagpasa tayo ng mga relevant ordinances na talaga namang makikinabang yung mga tao. Yung una ro’n, ilan sa mga yun, we were able to establish Quezon City’s Persons with Disabilities approach office. So, meron akong opisina para sa may mga kapansanan.

“Kasi, kung meron tayong opisina para sa mga senior citizens, kung merong opisina para sa mga urban poor, by way of that ordinance, meron nang tumatanggap at kumakalinga para sa may mga kapansanan.

“Isa tayo sa mga unang siyudad sa buong Pilipinas na nagkaroon ng ganyan.

“Pangalawa, sa Quezon City, yung online transparency budget. So, lahat ng budget mula sa Mayor, Councilor up to the last centavo, makikita. So, transparency yun, good governance yun.

“Yung next naman, inimpose na natin yung Republic Act sa mga hospitals dito sa Quezon City na bawal ang mang-hostage ng mga walang pambayad.

“Yun ang ginagawa ng iba. Wala kang pambayad, hindi namin ilalabas. The more na hindi mo inilalabas, mas lumalaki ang hospital bills. So, kawawa naman ang mga mahihirap lalo na ang mga less fortunate.

“Tapos ngayon, before tayo grumadweyt sa City Council, ipapasa na rin natin yung Quezon City yung Establishment of Quezon City Learning System. So, yung mga out-of-school youth, makakapag-aral na. Yung mga may kulang na requirements, makakapag-aral na para makakuha sila ng elementary, high school and even college degrees.

“So, siguro yung mga yun. Kasi, in three years, we were able to pass, siguro mga fifty laws. Okay na yun, magandang average na yun at yung apat na yun ang highlight,” pagtatapos niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN