Pamela Anderson invites President Noynoy Aquino to dinner; commends PNoy’s "strong stance" on Mali

Inimbitahan ng Hollywood star na si Pamela Anderson si Pangulong Noynoy Aquino sa isang hapunan kung sakaling mabisita ang Philippine President sa Los Angeles. Ito ay matapos manindigan ni PNoy na ilipat sa isang mas maayos na sanctuary ang elepanteng si Mali na nakakulong ngayon sa Manila Zoo.


Inimbitahan ng Hollywood star na si Pamela Anderson si Philippine President Noynoy Aquino para sa isang dinner sa Los Angeles.

Sa ulat ng ABS-CBN News, sinulatan daw ng dating Playboy Playmate si PNoy para sa isang hapunan para ma-discuss nila ang paglipat ng 39-year-old na elepanteng si Mali mula sa Manila Zoo patungo sa isang maayos at maaliwalas na sanctuary.

Sabi ni Pamela sa sulat, “[S]hould you find yourself in Los Angeles, I’d love to take you to dinner and talk more about how we can help Mali.

"Thank you for taking a strong, serious stance on her behalf by issuing a directive to consider moving her to a sanctuary. In a world filled with political self-interest, your character and integrity are inspiring."

Dagdag pa ng former Baywatch star, "Gandhi once famously said, ’The greatness of a nation and its moral progress can be judged by the way its animals are treated.’ I know that the Philippines is a great nation."

Si Pamela ay masugid na tagasuporta ng People for the Ethical Treatment of Animals (PETA).

Sa ngayon, ipinaglalaban ng animal rights activists na mailipat si Mali sa isang magandang tirahan.

Ayon pa sa statement ng PETA, "In her current environment, Mali is cruelly denied socialization, stimulation, room to explore, and everything else that is natural and important to her.

"She endures intense confinement, loneliness, boredom, and isolation in an area a tiny fraction of the size of her natural habitat.

"Decades without proper veterinary care have left her with painful and potentially fatal foot problems, which the zoo is still failing to treat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN