Ryan Eigenmann on being recognized as an actor: “Kapag nagustuhan ng tao and if I am remembered for that, then I’m fine with that.”

Proud na proud si Ryan Eigenmann sa kanyang pagiging ama. Sabi niya tungkol sa kanyang dalawang anak, “Iba ang klase ng joy na nararamdaman ko. Alam ko na ibang klase ang pag-care na ginagawa sa babae, kaya parang we’re starting all over again... Kaya nang dumating itong si Ruis, parang first baby uli... nangangapa sa ugali, sa tantrums... lahat. Usually, shifting kami ng wife ko. Night shift ako hanggang madaling-araw, tapos kapag gising na ang wife ko, magpapalitan


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktor na si Ryan Eigenmann sa 50th annivesary show ni German Moreno last April 24 sa Resorts World Manila.

“Heto, baby number two, kadadating lang noong December, so four months na bale siya.

“Naka-boy na ako. So, quota na ako—girl and boy,” pagmamalaki ng character actor tungkol sa kanyang pagiging ama.

Dalawa na ang anak ni Ryan at ng asawa niyang si Cathy Bordalba—ang panganay nilang si Catalina Ray at ang bunso nilang si Ruis Cayel.

Kuwento ng aktor, “Naisip namin ‘yan kasi when we were looking for a name, gusto namin na baliktarin yung sa name noong first baby namin—from CR to RC.

“Yung karamihan na ‘R’ ay ang papangit. It just popped up sa akin yung Ruis.

“Kasi, di ba, common sa Filipino surname ang Ruiz, so I just changed the ‘Z’ to ‘S.’

“Yung Cayel, wala lang... parang suwabe lang pakinggan.”



DOMESTICATED. Malaki raw ang ipinagbago ni Ryan mula nang maging ama siya.

Sabi niya, “A, oo, sobra. Domesticated na ako.

“I don’t go out, I don’t drink, I don’t party. I just stay home.

“Mas gusto ko nang mag-alaga ng kids ngayon kaysa sa maggimik-gimik.”

Aminado ang 34-year-old actor na enjoy siya sa pag-aalaga sa kanyang dalawang anak.

Aniya, “Iba ang klase ng joy na nararamdaman ko.

"Alam ko na ibang klase ang pag-care na ginagawa sa babae, kaya parang we’re starting all over again...

“Kaya nang dumating itong si Ruis, parang first baby uli... nangangapa sa ugali, sa tantrums... lahat.

“Usually, shifting kami ng wife ko. Night shift ako hanggang madaling-araw, tapos kapag gising na ang wife ko, magpapalitan na kami.

“Meron naman silang yaya sa umaga, pero sa gabi, hindi na namin ipagtitiwala sa kanila, kami-kami na lang yun.”



RATINGS GAME. Sa ngayon, ang epicseryeng Indio sa GMA-7 ang pinagkakaabalahan ni Ryan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ginagampanan niya rito ang papel ni Sidapa, isa sa mga diwata.

Sabi ni Ryan, “Yun lang muna. Wala talaga akong ginagawa ngayon, e.

“Pero kapag wala akong schedule sa work, hindi pa rin ako nauubusan ng mga ginagawa.

“Taking care of my children is a 24-hour na job, seven days a week.

“Okay lang, di naman ako nagkaka-lull kasi I always find myself busy din.”

Ano ang masasabi ni Ryan tungkol sa intrigang kaya raw tinatalo sa ratings ng Juan de la Cruz ni Coco Martin ang Indio ay dahil sa pagiging "senior" na ng bida ng kanilang fantaserye na si Senator Bong Revilla?

Magkatapat ang dalawang shows ng Kapamilya at Kapuso sa timeslot.

“I can’t comment on that. Kami namang artists, we are just here to do our work,” nangingiting sabi ni Ryan.

“Sa ratings, wala naman akong masasabi diyan—I just go to work, do my thing and then go home.

“I guess, yung trip lang ng tao na gusto nilang panoorin... depende sa mood nila.

“Pero everybody naman sa Indio is doing and working hard. Maganda naman ang istorya niya, e.

“I guess sa ratings lang, depende sa gusto ng tao.”



COUSIN ANDI. Sa puntong ito ay inalam namin kay Ryan kung malapit ba sila sa isa’t isa ni Andi Eigenmann.

Si Andi ay pinsang buo niya dahil ang ama ni Ryan na si Michael de Mesa ay kapatid ng ama ni Andi na si Mark Gil.

Ani Ryan, “Close naman kami pero hindi kami madalas magkita.

“Taga-Quezon City siya, ako naman taga-Parañaque... we don’t see each other that much.”

Nabanggit namin sa kanya ang ilang beses nang pagiging headline ni Andi dahil sa mga kontrobersiyng kinasasangkutan nito.

Sabi ni Ryan tungkol dito, “Matanda na siya, e. I mean, kaya na niyang i-solve ‘yang troubles na ‘yan sa buhay niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang sa akin naman, kung puwede lang ay umiwas na lang siya sa mga scandal na ‘yan.

“I don’t like it if kung yung pagiging center ng publicity niya is negative. Ba’t ko naman gugustuhin yun?"

Dugtong pa niya, “But if it is something positive, siyempre why not?

“Kami naman, kapag nagkita-kita, ‘hi’ and ‘hello’ lang.

“Kung may problema siya, we talk a little bit about it and that’s it.”



ACTING CRAFT. Isa si Ryan sa sinasabing pinakamahusay na character actor sa bansa.

Ano ang masasabi niya na ang indie films ngayon ang halos gumagawa ng quality films over mainstream outfits?

Sabi ni Ryan, “Honestly, hindi mo na madi-differentiate ang indie film from the mainstream film, e—everybody uses digital.

“Bihirang-bihira na ang mga gumagamit ng film ngayon, kaya nga lang nabansagan na indie film ‘yan kapag low-budget, e.

“Ngayon, eveybody uses the same equipment, so really can’t differentiate an indie film from a studio-produced movie."

Bilang actor, meron pa ba siyang plano to improve his craft? O, baka gusto niyang mag-try ng ibang avenues sa film production?

Tugon niya, “Well, gusto kong pag-aralan kung ano pa nga ba ang puwede kong gawin.

“Gusto kong i-explore o aralin kung ano pa ang puwede aside from acting.

“Hindi pa naman ako nag-uumpisa. Humahapyaw pa lang sa isipan.

“Ako naman, I’m not trying to prove anything as an actor... how to win all the awards and garner all the attention.

“I’m just a regular guy who gets up, go to work and then does his job... it’s a job like anything else.

“Kung naiisip ng audience na may nagawa ako na maganda o memorable, well, I guess I have done my job as an actor.

“Kapag nagustuhan ng tao and if I am remembered for that, then I’m fine with that.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN