Richard Gordon unaffected by pre-election surveys; confident about his qualifications

Richard Gordon unaffected by pre-election surveys; confident about his qualifications" data-url="https://www.pep.ph/news/38521/richard-gordon-unaffected-by-pre-election-surveys-confident-about-his-qualifications" data-desc="Gordon explains why he refuses to get celebrity endorsers." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a737a635e.jpg"> Richard Gordon unaffected by pre-election surveys; confident about his qualifications" data-url="https://www.pep.ph/news/38521/richard-gordon-unaffected-by-pre-election-surveys-confident-about-his-qualifications" data-desc="Gordon explains why he refuses to get celebrity endorsers." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a737a635e.jpg"> Richard Gordon unaffected by pre-election surveys; confident about his qualifications" data-url="https://www.pep.ph/news/38521/richard-gordon-unaffected-by-pre-election-surveys-confident-about-his-qualifications" data-desc="Gordon explains why he refuses to get celebrity endorsers." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a737a635e.jpg">

Richard Gordon unaffected by pre-election surveys; confident about his qualifications" data-url="https://www.pep.ph/news/38521/richard-gordon-unaffected-by-pre-election-surveys-confident-about-his-qualifications" data-desc="Gordon explains why he refuses to get celebrity endorsers." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a737a635e.jpg"> Richard Gordon unaffected by pre-election surveys; confident about his qualifications" data-url="https://www.pep.ph/news/38521/richard-gordon-unaffected-by-pre-election-surveys-confident-about-his-qualifications" data-desc="Gordon explains why he refuses to get celebrity endorsers." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a737a635e.jpg"> Richard Gordon unaffected by pre-election surveys; confident about his qualifications" data-url="https://www.pep.ph/news/38521/richard-gordon-unaffected-by-pre-election-surveys-confident-about-his-qualifications" data-desc="Gordon explains why he refuses to get celebrity endorsers." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a737a635e.jpg"> Richard Gordon unaffected by pre-election surveys; confident about his qualifications" data-url="https://www.pep.ph/news/38521/richard-gordon-unaffected-by-pre-election-surveys-confident-about-his-qualifications" data-desc="Gordon explains why he refuses to get celebrity endorsers." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a737a635e.jpg">

Richard Gordon gives a reminder to voters: "Kung doon tayo sa magaling, hindi dahil sa gusto natin ngunit sa kailangan natin, panalo ang Pilipino diyan.”


Sampung araw bago ang eleksyon, buo pa rin ang loob ng senatorial candidate na si Richard “Dick” Gordon sa posibleng pagkahalal bilang senador.

Sa inihandang press conference para sa kanya ng Regal Entertainment matriarch na si Lily Monteverde kagabi, May 2, inihayag ng kumakandidatong senador na, “I feel very confident.

"I’m bringing in my qualifications. Malakas ang qualifications ko, malakas ang track records ko.”

Para sa dating chairman ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), kumpiyansa siya na mas maganda ang laban niya ngayong halalan kung ang mga nagawa na niyang serbisyo para sa bayan ang pag-uusapan.

Aniya, “Hindi ako nahihiya sa track records ko.

“Marami akong nagawa sa tourism, sa Subic, sa Senado, at sa Red Cross.

“I’m confident na marunong ang mga Pilipinong boboto.

“Meron lang sigurong boboto diyan at magiging ‘nganga.’

“Pero karamihan diyan, boboto nang matino.

“Like the last elections in 2004, I ran.

“Ang ni-run ko ay service hindi surveys. Sa service, lumutang na number five tayo.”

Matapos maging chairman ng SBMA, nanungkulan si Gordon bilang Secretary of Tourism mula 2001 hanggang 2004. Sa kanyang termino nabuo ang “WOW Philippines” tourism campaign.

Naupo naman bilang senador si Gordon noong 2004 hanggang 2010.

Sinubukan niyang tumakbo bilang pangulo noong 2010 elections subalit hindi pinalad si Gordon. Si Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino, Jr. ang naihalal sa puwesto noong taong iyon.

Sa ngayon, nasa ikalawang termino na bilang chairman at chief executive officer ng Philippine Red Cross si Gordon.



ON PRE-ELECTION SURVEYS. Kung titingnan ang mga lumalabas na pre-election surveys, hindi ganoong kalakas ang kandidatura ni Gordon.

Sa pinakahuling survey ng Pulse Asia, si Gordon ay nasa 15thspot

Samantalang sa Social Weather Stations (SWS) survey naman, nasa 18thspot si Gordon.

(CLICK HERE to read related article.)

Ngayong mid-term election, kailangang maghalal ng 12 senators.

Bagamat madalas ang paglabas ng mga pre-election surveys, naniniwala naman si Gordon na hindi ito dapat maging basehan ng maaaring maging resulta ng halalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Walang karapatan ang isang survey company na paaralin o manehohin ang utak ng Pilipino.

“‘Yan lang ang boto natin. Bakit ninyo pamamanehohin sa ibang tao?

“Ito ang sasabihin nila, ‘Kami ang nag-survey at ito ang nakikita naming mananalo.’ Bakit nagbayad ba kayo diyan? Iba ang nagbayad niyan.”

Matatandaan na noong 2010 ay nagsampa ng kaso si Gordon laban sa dalawang survey companies.

Patuloy pang paliwanag ng senatorial candidate, “Pangalawa, Diyos ba ‘yan?

"Ako, Katoliko ako, naniniwala ako na ‘yong Diyos kahit hindi ko nakikita ay paniniwalaan ko.

“Pero ito, hindi ko nakikita ‘yong nagpapa-survey, paniniwalaan ko? Alam kong binabayaran ‘yan.

“Ilang beses sinabi ang pangalan ng mga kandidato diyan? Baka hindi sinabi ang pangalan ko.

“Fair question ba ‘yan? Yes, of course, kasi hindi naman nakikita kung ano ‘yong mga tanong, e.

“Ilalabas nila ‘yan, ‘tapos aayusin nila ang rank, ano’ng mangyayari? Talagang para magbayad ka nang malaki.”

Kaya naman ang matinding paalala ni Gordon sa mga mamboboto tungkol sa mga pre-election surveys, “Negosyo ‘yan so hindi dapat pakinggan!”

Sinabi rin niya na dapat ay maging matalino ang mga botante sa darating na eleksyon para sa ikabubuti ng bansa.

“Ang dapat pag-usapan ng Pilipino, kung hindi pa tayo nakakahalata, ay kung ano ang nangyayari sa bansa natin.

“Magmula pa noong bata ako, tuwing bumoboto ang mga Pillipino, naunahan na tayo ng Hapon. Noong bumoto uli tayo, naunahan tayo ng Koreano, ng Taiwan, ng Hong Kong, ng Singapore, ng Thailand, at Malaysia.

“Baka tayo mismo ang nagkakamali dahil nakikinig tayo sa nagpapakita ng kuwela na walang kinalaman sa eleksyon.

“Binoboto natin kasi mababait sila, guwapo sila. Pero pagdating sa Senado, hindi makagawa ng batas, hindi makasuri ng batas, hindi makapagpalabas ng galing ng Pilipino.

“It’s about time na magising tayo.

“Kaya nga sinasabi ko na ‘nganga’ kasi umaasa tayo, naiiwanan tayong nakanganga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At ang NGANGA sa akin ay ‘No Government Action, No Government Activity.’

Diin pa ni Gordon, “Hindi ito karera. Kung bumoto tayo kung sino ang nananalo [sa surveys], talo tayo ultimately.

“Pero kung doon tayo sa magaling, hindi dahil sa gusto natin ngunit sa kailangan natin, panalo ang Pilipino diyan.”

ON CELEBRITY ENDORSERS. Bilang bahagi ng Philippine Red Cross, maaari sanang pakiusapan ni Gordon ang ilang celebrity volunteers na iendorso ang kanyang kampanya bilang senador. Subalit ayaw raw itong gawin ng kumakandidatong senador.

Aniya, “Bakit, ano ang kinalaman ng mag-e-endorse sa kakayahan mo? Bakit tutukod ka pa?

“Kapag ikaw ang humarap sa tao, dapat sabihin mo na, ‘Ito ang kakayahan ko. Ihaharap ko ang sarili ko. Husgahan ninyo ako, tanungin ninyo ako kung ano ang gusto kong mangyari.’

“Pero kung hindi natin iisipin, talo kayo.”



DIRTY TACTICS. Dahil papalapit na ang eleksyon, laganap na rin ang paninira sa mga kandidato.

Para kay Gordon, ito ay hindi magandang paraan para maiangat ng isang kandidato ang kanyang pangalan.

Dagdag pa niya, “‘Yong mga ganyang naninira, hindi nila alam ang kabutihang pangkalahatan. Hahamakin nila ang lahat, masunod lamang ang layaw.

“Ang kailangan natin ay ‘yong iniisip ‘yong kabutihang pangkalahatan.

“Tatapakan mo ‘yong ibang tao para lumaki ka, para tumaas ka? Hindi, dapat lalaki ka sa serbisyo.”

Richard Gordon unaffected by pre-election surveys; confident about his qualifications" data-url="https://www.pep.ph/news/38521/richard-gordon-unaffected-by-pre-election-surveys-confident-about-his-qualifications" data-desc="Gordon explains why he refuses to get celebrity endorsers." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a737a635e.jpg"> Richard Gordon unaffected by pre-election surveys; confident about his qualifications" data-url="https://www.pep.ph/news/38521/richard-gordon-unaffected-by-pre-election-surveys-confident-about-his-qualifications" data-desc="Gordon explains why he refuses to get celebrity endorsers." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a737a635e.jpg"> Richard Gordon unaffected by pre-election surveys; confident about his qualifications" data-url="https://www.pep.ph/news/38521/richard-gordon-unaffected-by-pre-election-surveys-confident-about-his-qualifications" data-desc="Gordon explains why he refuses to get celebrity endorsers." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a737a635e.jpg">


Richard Gordon unaffected by pre-election surveys; confident about his qualifications" data-url="https://www.pep.ph/news/38521/richard-gordon-unaffected-by-pre-election-surveys-confident-about-his-qualifications" data-desc="Gordon explains why he refuses to get celebrity endorsers." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a737a635e.jpg"> Richard Gordon unaffected by pre-election surveys; confident about his qualifications" data-url="https://www.pep.ph/news/38521/richard-gordon-unaffected-by-pre-election-surveys-confident-about-his-qualifications" data-desc="Gordon explains why he refuses to get celebrity endorsers." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a737a635e.jpg"> Richard Gordon unaffected by pre-election surveys; confident about his qualifications" data-url="https://www.pep.ph/news/38521/richard-gordon-unaffected-by-pre-election-surveys-confident-about-his-qualifications" data-desc="Gordon explains why he refuses to get celebrity endorsers." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a737a635e.jpg"> Richard Gordon unaffected by pre-election surveys; confident about his qualifications" data-url="https://www.pep.ph/news/38521/richard-gordon-unaffected-by-pre-election-surveys-confident-about-his-qualifications" data-desc="Gordon explains why he refuses to get celebrity endorsers." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a737a635e.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN