Loren Legarda allegedly did not declare New York property in her SALN

Sinasabi ni Louis Biraogo, isang self-proclaimed public interest defender and anti-corruption crusader, na palsipikado diumano ang isinumiteng SALN ni Senator Loren Legarda. Pero depensa naman ng senador, isa lamang itong black propaganda.


Isa raw black propaganda ang akusasyon kay senatorial candidate Loren Legarda ng isang tao na nagngangalang Louis Biraogo sa hindi raw nito pagdedeklara ng kanyang condominium unit sa New York City sa kanyang Satement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN.

Nabili umano ni Legarda ang condominium sa US, na nagkakahalaga ng $700,000, noong May 9, 2006, ayon sa isang statement na inilabas sa media ni Biraogo—isang self-proclaimed “public interest defender and anti-corruption crusader.”

Sinabi sa ulat ng GMA News Online na nakumpirma sa New York City Registry of Property Deeds na si Legarda ang may-ari ng isang residential condominium unit 10B sa 77 Park Avenue, New York.

Ayon kay Biraogo, hindi idineklara ni Legarda ang property sa kanyang SALN noong 2007, 2008, 2009, at 2010.

Dagdag pa niya, kahit daw idineklara ng tumatakbong senadora sa kanyang 2011 SALN ang unit, hindi umano niya ipinaliwanag kung saan niya nakuha ang perang pinambili ng unit.

“Mas masahol pa si Senator Loren Legarda kay impeached Chief Justice Renato Corona sa pagtatago ng yaman at pagsusumite ng palsipikadong statement of assets, liabilities and net worth [SALN[. Ang dapat itawag kay Legarda ay Lady Corona," ani Biraogo.

Si Renato Corona ang dating chief justice na na-impeach noong December 2011 ng House of Representatives at napatunayang guilty ng Senado noong May 2012 sa hindi niya pagdeklara ng kanyang SALN sa publiko.

Isa naman si Legarda sa 20 senador na nag-convict kay Corona.

LEGARDA’S PROOF. Inamin naman ni Legarda na pagmamay-ari niya ang nasabing unit sa New York, ngunit nilinaw niyang na mayroon siyang patunay na kabilang sa kanyang SALN noong 2007 ang New York property.

"[It was] described as ’Other Investment’ in Annex A, in the amount of P7,175,000 equal to one-fourth of the total investment in the acquisition of apartment amounting to P28,700,000. Beginning December 31, 2007 up to December 31, 2010, the same property was also included on the SALN described as ’Equity in Real Property’, also one-fourth of the total P28,700,000. As of December 31, 2011 and December 31, 2012 the New York property was also included in my SALN described as ’Real Property-USA’," ani Legarda sa isang statement na inilabas noong Huwebes, May 2.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ulat ng GMA News Online, sinabi nito na sa nakuhang SALNs ng GMA News Research, si Legarda ay nagdeklara ng "equity in real property (co-owned with brothers etc.)" na nagkakahalaga ng P7.175 million na nakapaloob sa kanyang "personal and other property."

Ganito rin umano ang ginawa niya sa kanyang SALNs noong 2008 hanggang 2011.

Pero ayon report, hindi umano niya in-indicate sa kanyang SALNs ang condominium sa New York.

Ang klasipikasyon umano niya sa "equity in real property" ay nasa ilalim ng kanyang tunay na pagmamay-ari sa kanyang 2007, 2008, and 2011 SALNs.



DECLARATION OF SALNs. Ayon naman sa Civil Service Commission (CSC), ang declaration of real properties ay kinapapalooban ng "description of the real properties, whether it is a land only or land with building, a house and lot, condominium unit, or an improvement such as an extension or garage, and the like."

Dagdag pa ni Biraogo, hindi rin idineklara ni Legarda ang acquisition cost ng property na P27.8 million, lalo pa’t ang ibiniyad niya noong 2006 ay nagkakahalaga ng P35.9 million dahil ang exchange rate noon ay nasa P51.40 kontra dolyar.

Hirit pa niya, ang declaration of property ni Legarda sa kanyang 2011 SALN na isang “cover-up” ay hindi umano magpapalusot sa pulitiko mula sa mga kaso gaya ng graft, perjury, plunder, money laundering, at iba pa.

Ayon pa kay Biraogo, "Wala bang kahihiyan si Legarda? Guilty verdict ang ipinataw niya kay Corona gayong siya pala mismo ay hindi nagdedeklara ng tama sa kanyang SALN.

"May mukha pa siyang naipapakita sa campaign sorties ng Team PNoy gayung hindi tuwid bagkus ay baluktot ang kanyang landas na tinatahak?"

Nagbabala pa si Biraogo na si dating Chief Justice Corona nga raw ay hindi nakalusot noon dahil lumabas ang totoo, kaya hinimok niya si Legarda na mag-withdraw na lang sa eleksiyon dahil sasapitin din niya ang sinapit ni Corona.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



LEGARDA’S CHALLENGE TO DETRACTORS. Sinabi naman ni Legarda na isa lang black propaganda ang akusasyon sa kanya, lalo pa’t mag-e-eleksiyon na.

Matatandaang noong Abril ay sinabi rin ni Legarda na isang black propaganda ang mga kumalat na text messages na inaprubahan umano niya ang isang petisyong nagbabawas ng mga benepisyo at sahod ng mga guro, sundalo, bumbero, pulis, at iba pang government workers.

(CLICK HERE to read related article.)

Dagdag pa niya, layon lang daw ng akusasyong ito na tanggalin siya mula sa kanyang mataas na puwesto mula sa mga surveys.

Hindi rin daw siya magtatago sa anumang anomalya dahil tapat umano ang paglilingkod niya sa bayan.

Aniya, nakakasuklam na may mga tao, at posibleng mga kapwa kandidato pa ang mga ito, ang pumapasok sa maruming pamumulitika upang iligaw ang mga tao mula sa mga totoong isyu.

“It’s political season and I have survived to answer clearly all the black propaganda hurled against me. I challenge the source of all this to come clean. I ask other candidates to stick to what we as candidates can do to address the problems facing the country.

"Hindi po sila nakuntento sa pagkalat ng mga kasinungalingan, ngayon ito po ang inimbento. Lahat po ito ay walang katotohanan at handa po akong humarap sa kahit kanino. At ipagdadasal ko na lang po sila."

Si Biraogo ay nagsumite ng mga kaso sa Mataas na Hukuman, kabilang na ang petisyon na i-ban sa pagtakbo sa May 2013 elections ang mga miyembro ng political dynasties, at petisyon sa executive branch na ipaabot sa international court ang territorial claim ng bansa sa Sabah.

Isa rin siya sa nagsumite ng petisyon na kumukuwestiyon sa constitutionality ng Cybercrime law.

Inakusahan naman si Biraogo noong 2008 ng pagpapakalat ng draft ng isang Supreme Court ruling sa kanyang petisyon na pagkuwestiyon sa citizenship ni Negros Oriental Rep. Jocelyn Limkaichong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN