Mark Bautista shy about inviting friends to watch The Full Monty: "Kasi nga may exposure ako dito, di ba?"

Mark Bautista says about the lessons he learned from doing theater: "Well, sa mga co-actors ko, ang dami kong natutunan. Kasi sa theater, walang PA sa backstage, wala. First time kong… kasi pag concerts, may mga taga-damit ka, may taga-makeup... lahat. Ang iniisip mo na lang yung mga songs mo, kung pano mo, paano ka mag-perform. Eto talaga, after mo sa stage, paglabas mo, ikaw pa mag-iisip ng next na susuutin mo, ikaw magbibihis. Lahat gagawin mo."


Hindi masyadong visible ngayon si Mark Bautista sa Party Pilipinas dahil kasalukuyan siyang abala sa musical play na The Full Monty.

Kasabay nito ay ini-release na rin ang kanyang latest album na Sounds of Love, kung saan ni-remake niya ang mga lumang awitin tulad ng “When I Fall In Love,” “Bato Sa Buhangin,” at marami pang iba.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark noong April 25 sa Sir Boy’s Food Republique sa Panay Avenue, Quezon City.

Kuwento ni Mark tungkol sa kanyang bagong album, “I think some of the songs, ginawa ko before nung rehearsals [for The Full Monty].

"Tapos isiningit na yung ibang pahabol na songs in between rehearsals namin.

“’Yan, matagal ko na ’yan na dream na album, e. And ngayon lang napagbigyan ako ng Viva na gawin.”

Ang huling album ni Mark ang all-OPM tracks na Nagmamahal, Mark Bautista noon pang 2010.

Ano naman ang naging inspirasyon niya na gawin ang bagong album na ito na pawang remake ng classic songs?

Sagot ni Mark, “Actually, gusto ko rin i-introduce sa mga tao na yun yung mga influences ko.

“Before ako naging singer, bata pa lang ako, every Sunday, yung mama ko nagpaparinig ng ganyang music, ’yan yung pampagising niya sa amin.

“So actually, ’yan yung talagang kahit kantahin ko ’yan nang nakapikit, kaya ko.

"Ayan, sobrang nag-enjoy akong mag-record niyan, parang excited ako lagi sa studio.

“Ganun yung feeling ko na every time mag-record ako, excited ako na parang dalawang songs sa isang recording.

“Tatlong oras, ganyan, dalawang songs. Parang wala lang sa kin. Yung parang ganun.

“Siguro dahil old soul ako... hindi ko alam. Pero yun yung... eto talaga yung foundation ko as a singer.

“Siguro gusto ko lang i-establish na eto talaga yung mga gusto kong songs nung nag-uumpisa pa lang ako and mga influences ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

IN LOVE? Dahil Sounds of Love ang title ng bagong album ni Mark, ibig sabihin ba nito ay in love siya ngayon?

Wika ng singer, “Well, siguro dumaan kasi ako sa... bago lang na ganung-ganung state.

“Alam mo, ginawa ko ’tong lahat ng project na to, siguro dahil inspired din ako na gawin lahat ’to.

“May nagbigay ng insipirasyon, may nag-push sa akin na, okay, gawin ko ’to lahat nang talagang mag-focus ako dito. Siguro dahil dun.

“Kaya lahat ng ’to, sabi ko, ’A, may reason pala lahat.’”

Na-link si Mark kay Miss World 2011 First Princess Gwendoline Ruais noong nakaraang taon.

Nang tanungin si Mark kung galing ba siya sa isang breakup, tawa muna ang isinagot nito.

Sabi niya, “So maano lang…siguro magandang… magandang reason yun. I mean, magandang…

“Kaya siguro nung dumating lahat ng project sa akin ngayon, naka-focus ako dun at talagang binubuhos ko lahat, lahat ng emosyon.”

THE FULL MONTY. Hanggang sa Linggo, May 5, na lang ang The Full Monty sa RCBC Plaza sa Makati.

Si Mark ang gumaganap sa lead character na si Jerry Lukowski, isang unemployed mill worker na naging male stripper sa New York.

Sabi ni Mark, ang The Full Monty na marahil ang pinaka-daring na nagawa niya.

Mayroon kasi siyang frontal nudity dito.

Wika niya, “Most daring talaga, but hindi makikita.

“Walang makikita yung tao, unless magkamali yung lighting director namin na nangyari na, ha... nangyari na twice. Buti hindi pa sa akin.

“Kasi sa finale kailangan... tricky yun, e, na kailangan pag patay ng ilaw sabay kami gaganun [remove their robe].

“E, may nangyaring gumanun na yung iba, hindi pa na-off yung ilaw.

"Sabi ko, shucks, nakakatakot ’to!’ Buti na lang naramdaman ko.

“Kasi yung RCBC, may salamin sa harap ng stage. Shucks, hindi pa namamatay yung ilaw sa likod tsaka hindi pa maliwanag yung audience.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam ko pag namatay na yung ilaw, e, nag-blackout na or nag-ano... may tawag sila dun na ilaw, e, yung pambulag. Pag yun umilaw na, lumiliwanag yung audience.

“Pero yung time na yun, hindi, e. So yung dalawa, si Kuya Arnell [Ignacio] tsaka si Jaime Wilson, gumanun na sila, nakitaan talaga sila.

“Nung first naman namin, nagkamali naman yung lighting director namin, after ng... sakto na, e, yung pagganun namin, blackout na, e.

“Ngayon, nag-curtain call na, umilaw na siya agad, pa-exit pa lang kami. Buti na lang yung sides lang nakita sa amin.”

Kumusta naman ang experience na maging isang stage actor?

Ani Mark, “Well, second ko kasi ’yan na theater, e. My first was Noli [Me Tangere].

"Eto yung first na English na play ko and first ko rin with Atlantis.

“So parang medyo kinakabahan ako nung first kasi baka…

“Well malaki rin yung tulong sa akin ng direktor kasi tinuruan niya ako paano mag... like kung paano mag-American na humor, like kung paano i-execute yung mga lines ko.

“So tinulungan din ako. And ang sarap, actually.

"Sabi ko nga, siguro kung kaya kong gawin ’to once a year or ano, kung may magandang material, gagawin ko.

“Kasi iba yung training na ibinibigay, iba yung discipline. Sobrang, etong play na to, dinetach [detached] ko yung sarili ko sa… talagang hindi ako lumalabas ng bahay, wala na ’kong…

“Well, unless sa Twitter, kasi kailangan kong mag-update. Kasi siguro mababaliw na ako kung hindi ako…

“Pero talagang, wala, dinetach ko yung sarili ko sa mga... lahat ng puwedeng distractions sa akin.”

Ano naman ang lessons na natutunan niya sa paggawa ng The Full Monty?

Sagot ni Mark, “Well, sa mga co-actors ko, ang dami kong natutunan.

"Kasi sa theater, walang PA [personal assistant] sa backstage, wala.

“First time kong… kasi pag concerts, may mga taga-damit ka, may taga-makeup... lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang iniisip mo na lang yung mga songs mo, kung paano mo... paano ka mag-perform.

“Eto talaga, after mo sa stage, paglabas mo, ikaw pa mag-iisip ng next na susuotin mo, ikaw magbibihis. Lahat gagawin mo.

“Before nang mag-start yung show, ikaw magha-hanger ng mga damit mo.

"Kaya sinasabi ko, iba yung training ng teatro. At grabe yung respeto ko sa mga taga-teatro talaga.”

Dahil magkasama na sila ngayon sa Kapuso network ng kaibigang si Christian Bautista, na isa ring theater actor, may naibigay na ba itong tips sa kanya?

Sagot ni Mark, “Actually, napag-usapan namin tapos na yung rehearsal. Kasi hindi ko siya nakita nung ano, e, nung nagre-rehearse.

“Kasi nga, hindi ako… wala akong mga social life, lahat.

"So after naman, sabi ko naman manood na lang sila. Yun na lang.

“Gusto ko lang i-surprise sila kasi…

"Hindi nga ako masyadong nag-i-invite, lalo na sa mga friends ko, kasi nga may exposure ako dito, di ba?

“So parang nahihiya pa ako, basta bahala na lang kayo kung gusto ninyong manood, basta. Pero ayoko kayo i-invite na, ’Uy, manood naman kayo!’

“Parang ayoko rin namang ipag… ’Uy, panoorin ninyo yung katawan ko, ganyan-ganyan.’

“Pero masaya. Enjoy ako. Enjoy ako sa mga kasama ko sa project na ’to.

"At first, parang ayokong gawin kasi nga may ganun-ganun [nudity].

“Nung buo na yung show, yung response ng mga tao, wow! Sabi ko, okay, may rason pala lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN