Chiz Escudero’s SALN down by P5 million since breakup with wife

Hinimok ni Senator Chiz Escudero ang mga kapwa kandidato na maglabas ng kanilang bank secrecy waiver bilang patunay na wala silang itinatagong ill-gotten wealth.


Nabawasan ng tinatayang limang milyong piso ang yaman ni re-electionist Senator Francis “Chiz” Escudero matapos ang pormal na paghihiwalay nila ng kanyang asawang si Cristine Elizabeth Flores noong nakaraang taon.

Ito ay ayon sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN na inilabas niya kamakailan.

Kaugnay nito, muling hinamon ng senador ang kanyang mga kasamahan sa Senado at kapwa kandidato na maglabas ng bank secrecy waivers upang bigyan ang Office of the Ombudsman ng kalayaan na silipin ang mga kuwestiyonableng bank accounts sa loob at labas ng bansa.

Aniya, “Even in the absence of a law, candidates particularly those running for Senate seats have the obligation to execute bank secrecy waivers to observe the standard that was applied to former Chief Justice Renato Corona by the Senate impeachment court in issuing a guilty verdict that led to Corona’s removal.”

Ayon sa report ng The Philippine Star, ang total net worth ni Escudero ay lumalabas na P4,017,082.09.

Ito ay nahahati sa P900,000 cash, P920,000 halaga ng mga alahas at iba pang personal properties, P213,441.29 partnership, sasakyan na kinabibilangan ng 1995 Range Rover Classic na may halagang P1 million, 1969 BMW 2002 na nagkakahalaga ng P333,640.80, at isang 1996 Toyota Land Cruiser na may halagang P650,000.

Wala pang isang taon matapos ma-annul ang kasal niya kay Cristine, ang net worth ni Escudero ay bumaba mula P9,867,082.09 noong 2011.

Sa inilabas niyang SALN sa media, sinabi ni Escudero na hindi na applicable ang joint filing ng SALN dahil na rin sa annulment.

Samantala, hindi pa kasama sa net worth ni Escudero ang settlement ng estate ng kanyang ama na si dating Sorsogon Representative Salvador Escudero III, na nasa proseso pa umano.

Sa SALN ni Escudero ay nakalagay rin na nakapangalan ang real properties niya sa kanyang kambal na anak na sina Maria Cecillia at Joaquin “by virtue of a court order issued in the petition for nullity of marriage.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinabibilangan ito ng dalawang condominium units sa Quezon City na may assessed values na P570,860 at P431,960 at acquisition values na P1.63 million and P1.234 million.

Nakapangalan din sa dalawang bata ang cash na nagkakahalaga ng P520,000 bawat isa.

Inilista rin ng senador ang Escudero Marasigan law office at ang Vallente & E. H Villareal bilang counsels for business interests and financial connections.

Tatlo ring kamag-anak ni Escudero ang inilista niya na nagtatrabaho sa gobyerno" sina Antonio Escudero Jr. at Ramon Escudero (paternal uncles) ang pinsang si Krunimar Escudero.

Sa pahayag ni Escudero, sinabi niya na ang mga tumatakbo sa gobyerno ay may commitment sa mga bumoboto na magbigay ng secrecy waiver bilang patunay na tapat sila sa kanilang panunungkulan at hindi nila kinukurakot ang pondo ng bayan.

Aniya, “The challenge on transparency should not be treated as child’s play. Those who consider themselves as leaders do not need to be prodded to do something right.

“I think signing the secrecy waiver is an obligation that each of us should do in the coming days prior to the elections.”

Si Senator Antonio Trillanes IV ang unang senador na nagsumite ng kanyang SALN noong April 16.

Ang net worth ni Trillanes ay P4.432 million na kinabibilangan ng P1.9 million in cash, P425,000 halaga ng mga alahas, furniture at mga antiques, P220,000 investment (private insurance premium), isang Kia Rio car na nagkakahalaga ng P675,000 at Toyota Grandia na nagkakahalaga ng P1.89 million.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN