Sen. Antonio Trillanes on being attracted to Anne Curtis: “Kasi siya ngayon yung ano, e, yung nakaka-capture ng imagination.”

Sen. Antonio Trillanes IV reveals why he has no confidence in poll surveys.


Malaking bagay sa senatorial candidates kung saang puwesto sila nakalagay sa mga survey ng Pulse Asia and Social Weather Stations (SWS), pero para kay senatorial bet Antonio Trillanes IV, depende kung may kumpiyansa siya sa mga naturang ahensiya.

Sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong May 2 sa press conference na inihanda para sa kanya ng Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde, naging bukas siya sa pagbibigay ng opinyon tungkol dito.

Panimulang bungad ng frontrunner ng Magdalo Party list, “Noon kasi [2010], ang sabi kasi SWS a week before election, number sixteen ako. Sabi naman ng Pulse Asia, number twenty ako.

“Kung ganun sila noon at ngayon, e, palpak, di ba? Ngayon, hindi ko mabigyan ng kumpiyansa.

“Naniniwala ako sa survey kung sigurado ako na hindi nakukumpromiso, [if] it’s scientific.

“Kami, gumagawa kami ng sariling survey sa office internally. So, yung sa amin, nalalaman namin kung saang probinsiya kami mahina.

“Dahil diyan, nai-strategize namin kung ano pa ang dapat namin gawin,” paliwanag ng senador seeking for re-election.

Nabanggit namin sa kanya ang pagbaba sa ranking ni re-electionist Sen. Chiz Escudero a few weeks back dahil sa intrigang kinasangkutan niya with girlfriend Heart Evangelista.

Pero, sa huling survey ng Pulse Asia and SWS, nag-bounce back ito bilang number two sa Pulse Asia at number five naman sa SWS.

Katunayan ba ito ng sinasabi niyang walang kumpiyansa sa surveys?

Sagot ni Trillanes, “Depende kasi yun sa isyu.

“Kung ang aalis ay character issue that may affect kung ano man [ang] observance, pero generally kung hindi naman naapektuhan yung pampublikong performance, hayaan na natin, di ba?

“Yung isyu kasing yun, it’s an issue of character na palagay ko naman ay bunga lang naman ng hindi pagkakaintindihan. It’s a challenge now to Senator Escudero na mag-reach out sa parents ni Heart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lalo na kung magkatuluyan sila, e, panghabambuhay ‘yan. So, kailangan ligawan niya pati parents ni Heart.

“But then, we will let them be. Palagay ko alam naman nila kung ano ang tama o mali,” saad niya.

Ayon pa sa kanya, hindi lahat ng nasa pulitika ay mga kalaban niya. Marami din naman siyang mga kasangga, ika nga.

Ani Sen. Trillanes, “’Yang magkapatid na Cayetano [Alan at Pia], mga kaibigan natin ‘yan. Si Manny Villar, kaibigan natin ‘yan. Si Senator Bongbong Marcos, kapartido ko ‘yan. Kaibigan din natin si Senator [Panfilo] Lacson, Senator [Gringo] Honasan.

“So, ganun, marami tayong kaibigan.

“Kami naman kahit nagkakaroon kami ng diskusyon, halimbawa sa Senado, at the end of the day, magkakaibigan din naman kami.”



SHOWBIZ CRUSHES. Sa lighter side naman, ibinunyag ni Sen. Trillanes na nanonood din pala siya ng Tagalog movies. Ang pinakahuli dito ay ang Temptation Island. Tampok dito ang naggagandahang artista na sina Marian Rivera, Heart Evangelista, Lovi Poe, Solenn Heussaff at iba pa.

“Maganda si Heart,” wika niya. “Sexy din yung si Solenn. Iba rin ang dating ni Lovi.

“May kanya-kanya silang dating, e,” papuri niya.

Sabay tanong namin kung sino ang crush niya sa mga artistang babae ngayon.

Nag-isip muna siya at saka nagsabi na, “Sa current celebrities ngayon, ang medyo may appeal ay si Anne Curtis.

“Pero, kung gusto mo na medyo demure naman ang dating, e, si Angel Locsin.

“Si Heart Evangelista.”

Sa mga artistang nabanggit niya, sino sa palagay niya ang gusto niyang maka-date? Kahit friendly date lang naman.

Muli ay napag-isip siya tapos sabi niya, “Naku, sino nga ba?

“Actually, marami, e. Na-on-the-spot ako... Hahaha!

“Okey, sige, si Anne Curtis.”

Bakit nga ba si Anne? What’s in her na naka-attract sa kanya.

Aniya, “Kasi siya ngayon yung ano, e, yung nakaka-capture ng imagination.

“Iba ang dating, e. Parang fun-loving ang dating. Yun lang, I’m just curious.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


THANKING THE PRESS. Pagdating naman sa suportang ibinibigay sa kanya ng press people ay hindi niya nakalimutang magpapasalamat, lalung-lalo na kay Mother Lily Monteverde na siyang prime mover sa pagsuporta sa kanila.

Pagmamalaki niya, “Nagpapasalamat talaga ako sa press corps na laging nandiyan for us and again supporting us.

“Lala na si Mother Lily, who finds a way para makatulong sa amin.

“Noon pa man, dinala ni Mother ang buong press corps upang makausap ko sa kulungan. So, that time pa lang ay itinaya ni Mother ang kanyang tiwala at suporta sa akin.”

Dagdag pa niya, “For some reason, hindi ko alam.

“Siguro naniniwala talaga siya sa amin pero during that time kung maalala niyo, si GMA [Gloria Macapagal-Arroyo] ay very vindictive sa mga taong sumusuporta sa mga oposisyon.

“Pero, yun nga, apparently, pareho kami ni Mother na merong rebellious streak, so nagkatugma ang aming interes.

“Pero, hindi natakot si Mother sa gobyerno pati ang mga movie reporter.

“At ‘yan ang mga hindi ko makakalimutan kay Mother na kahit after the election ay pumupunta siya para makipag-socialize.

“Doon natin makikita the kind of person Mother is,” pagtatapos niyang papuri sa Regal matriarch.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN