Richard Gordon disagrees on celebrity endorsement: “Ano ang kinalaman ng pag-endorso sa kakayahan mo?”

Ani Gordon, kaibigan niya si Marian Rivera at nakasama rin niya ang ilang Hollywood actors, subalit hindi siya nagpa-endorse sa campaign season dahil kakayahan daw dapat ng kandidato ang sukatan at hindi kasikatan ng endorser.


Sa pakikipag-usap ni senatoriable Richard Gordon sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang movie press sa May 2 sa penthouse ng Imperial Palace, Tomas Morato Ave., Quezon City, ipinagdiinan niya na ang tamang kandidato sa May 13 elections ang dapat na iboto base sa kanilang kakayahan at track record.

Pahayag niya sa paghanap ng isang tamang kandidato, “Kung boboto tayo sa tingin natin ay mananalo, talo na tayo ultimately.

“Pero, kung boboto tayo sa kung sino ang magaling, hindi dun sa kung sino ang gusto natin kundi kung sino ang kailangan natin, panalo ang pinili niyo.”

Serbisyo nga raw ang dapat basehan hindi kung ano ang lumalabas sa mga survey ng Pulse Asia at Social Weather Stations.

O, ang paggamit ng mga artista bilang endorsers nila.

Ani Gordon, “Alam niyo na ang experience natin, pati tayo ay nagiging showbiz na rin.

“Showbiz ako, gusto n’yo ay Hollywood pa.

“Lumabas ako kasama ko sina Mike York, Anjanette Abayari at iba pa. Kasama ko sila sa movie na pinalabas sa Amerika, ang Goodbye, America.

“Ako, kaibigan ko si Marian [Rivera], pero hindi ko siya sinabihan na i-endorse niya ako.

“Kasi, kapag nagpa-endorse ka, ano ang kinalaman ng pag-endorso sa kakayahan mo?

“Kapag humarap ka sa tao, dapat ang ihaharap mo sa kanila ay ang kakayahan mo at hindi kung sino ang sikat.”

Sa campaign sorties niya ay karaniwan na raw na ang mismong mga tao ang sumasalubong sa kanya.

Nangingiting pahayag niya, “That’s true. Hinihintay tayo magsalita.

“Ako ang pinakahuli kaya ipinapaliwanag natin ang mga isyu at kahit saan tayo magpunta ay marami ang nagpapalitrato.

“Ewan ko kung showbiz ‘yan. Natutuwa naman ako kasi gusto ko nalalapitan ako ng mga tao.

“Ako lang ’ata ang kandidato na ibinibigay ko ang calling card ko. Dalawang telepono ang nakalagay dun.

“Ba’t di nga nila ako tawagan, e, kung mahirap kamo, pa’no sila tatawag kung walang telepono.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang mga tao sa laot, pag gabi ay nagbabato ako ng lifeline na kung sakali ay mase-save.

“Basta ako, pag may tumawag sa akin, kung kaya ko, ibibigay ko. Pag hindi ko kaya, ihahanap ko na magkakaya.

“Kung wala talaga, mag-a-apologize ako na hindi ko talaga kaya,” paliwanag niya.


ON DETRACTORS. Uso pa rin ang mga siraan sa kapwa kandidato.

Ano ang opinyon niya tungkol dito?

“Yung mga naninira,” pahayag ng re-electionist,” hindi nila alam ang pangkalahatang kabutihan.

“Yung lahat ay para masunod lamang ang layaw.

“Hindi ba yun ang Florante at Laura? Na ang dapat iniisip mo ay yung pagkalahatang kabutihan na parang kung hindi ka lalaki, o, ano, tatapakan mo ang ibang tao para lumaki ka?

“Dapat lumaki ka sa serbisyo. Huwag ka dapat umasa sa advertiser, sa endorsements.

“Gagastos ng malaki at pag nanalo na ay tatanggap ng malaking suweldo tapos di pa gumagalaw, e, lugi talaga ang mga tao.”

Dagdag pa niya, “Tingnan mo ang ginagawa nila sa pork barrel, hayan, kung makikita ko lang kung saan ginagawa.

“Yung dynasty, ginagawang isyu. Bakit? Dahil lamang sila? Hindi, e. Kayo ang bumoboto, di ba?

“Ang sinasabi ko, pag panahon ng eleksiyon, magtanong tayo.

“Paano ang gagawin natin diyan, Mr. President? O, Mr. Senator? Walang ilaw sa Mindanao.

“Yung mga ganun.”



ON MOTHER LILY. Sa pagkakataong ito ay kinumusta namin sa kanya si Mother Lily bilang isang kaibigan at tagasuporta?

Mabilis niyang pahayag,” Si Mother is one person na may work ethics.

“Kaya niyang lumikha. She’s creative.

“Alam niya ang bisa ng isang may talent, may skills, may malasakit at kaya niyang makipagsapalaran.

“Hindi siya natatakot maglustay ng salapi kasi naniniwala siya sa magaling.”

Patuloy pa niya, “Mother Lily is therefore a person with judgement.

“May wisdom. Yung ang kailangan natin sa Senado, yung may wisdom.

“Kaya nga magaling si Mother Lily, marunong siyang pumili ng artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At alam niyang mag-market.

“Ang maganda pa sa kanya, kahit bihira kaming magkasama niyan, naniniwala siya sa kakayahan ko.

“Kasi nakita niya kung paano ako nagtrabaho,” pagtatapos niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN