PNoy declines Pamela Anderson’s "dinner date" invitation

Presidential Spokesperson Edwin Laciera on Pamela Anderson’s invitation to PNoy: “Secretary Alcala will be all willing to meet with Pamela Anderson. Pamela Anderson is in LA and the President is not going to LA,”


Sa ulat ng ABS-CBN News na naisalin naman dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong May 3 ay inimbitahan ng Hollywood bombshell na si Pamela Anderson ang Philippine President na si Noynoy Aquino para sa isang dinner date sa Los Angeles, California.

Sinulatan ng Playboy Playmate si PNoy upang pag-usapan ang tungkol kay Mali, ang 39-year-old na elepante na nakalagak ngayon sa Manila Zoo at gusto ni Pamela na ipalipat sa mas maayos at maaliwalas na wildlife sanctuary.

Saad pa sa imbitasyon ni Pamela, “Should you find yourself in Los Angeles, I’d love to take you to dinner and talk more about how we can help Mali.

“Thank you for taking a strong, serious stance on her behalf by issuing a directive to consider moving her to a sanctuary. In a world full of political self-interest, your character and integrity are inspiring.”

Si Pamela ay masugid na tagasuporta ng People for the Ethical Treatment of Animals (PETA).

Ipinaglalaban ng animal right activists na mailipat si Mali sa isang mas maayos na environment na babagay sa kanyang mga pangangailangan bilang isa sa mga endangered animals ng ating bansa.

Pero, sa report ng late evening news program na Bandila kagabi, May 3, ang nasabing imbitasyon ay tinanggihan ng ating Pangulo sa pamamagitan ng kanyang Presidential Spokesperson na si Edwin Lacierda.

Ayon kay Lacierda, na-endorso na ang isyu kay Mali sa Agriculture Secretary na si Proceso Alcala.

“Secretary Alcala will be all willing to meet with Pamela Anderson. Pamela Anderson is in LA and the President is not going to LA,” sabi ni Lacierda.

Bukod sa pagharap sa iba’t ibang problema ng bansa, sa ngayon ay abala ang Pangulo sa paglilibot upang i-endorso ang mga kandidato ng Liberal Party para sa nalalapit na May 13 elections.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN