Gelli de Belen on how hubby Ariel Rivera might react if she decides to pose for FHM: “Ay, medyo conservative si Ariel, parang baka mamaya pag-uwi ko pa lang, ’Mag-empake ka na!’”

Gelli on Tropang Kulit, her new kiddie gag show for TV5: “When you pressure yourself and stress yourself with regards to competition and all that, you just lose sight of what is most important, which is to showcase these kids. I am not doing the show for them to see na, ‘look at me.’ I’m doing this for the children, I’m doing the show dahil gusto kong magtrabaho. It so happened that this is the show that I have been


Ang Nandito Ako ng TV5 ang pinakahuling TV drama series ni Gelli de Belen. Kasama sa cast ng mini-series sina David Archuleta, Jasmine Curtis-Smith at Eula Caballero, at umere ito noong February 2012.

Nami-miss daw niya ang acting.

“Siyempre! And I believe there is one coming up pero hangga’t hindi ako nagte-taping hindi ako naniniwala siyempre, di ba?” panimulang sabi ni Gelli nang makausap kamakailan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“I really do, I actually miss acting in movies. I just haven’t had the opportunity, or whatever opportunity, hindi talaga natutuloy.

“May mga offers, oo meron, meron.

“Hindi ko tinatanggihan… well, yung iba siyempre pero yung iba na gagawin ko sana hindi natutuloy.

“Baka hindi ito ang tamang panahon.

“May indie, may mainstream, tapos may isa pa ngang international na talaga namang hinayang na hinayang ako pero hindi natuloy.

“Ayoko nang magkuwento, malay mo mamaya matuloy pa,” pag-amin niya.

Isang mahusay na aktres si Gelli.

“Parang nakalimutan na nila kasi ang naaalala nila si Gagay,” sabay tawa ni Gelli na ang tintukoy ay ang launching movie niya years ago na Gagay (Prinsesa Ng Brownout).

Hinangaan siya ng husto sa mga drama movies niya in the past tulad ng The Secrets of Sarah Jane: Sana’y Mapatawad Mo noong 1994.

NO TO SEXY PICTORIALS. Kahit dalawa na ang anak niya na halos mga binata na (one is fourteen, the other is twelve), slim and sexy pa rin si Gelli.

Kaya naitanong namin sa kanya kung naalok na ba siya ng FHM, at kung papayag ba siya kung sakali na mag-pose nang sexy para sa nabanggit na men’s magazine.

“Hindi, hindi ko kaya, e.

“Hindi, hindi nila ako inaalok.

“Hindi kaya ng stretchmarks ko ‘ata,” sabay tawa ni Gelli.

“I’ll be flattered but you know what, it’s not something I can do, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre my kids. Isipin niyo na lang yung mga binata ko na fourteen tapos yung nagbibinata kong twelve.

“Imagine-in niyo na lang kung anong sasabihin sa kanila ng mga kaibigan nila pag nakita nila yung nanay nila na nasa FHM?

“Sila yung tipong hindi nila kakayanin,” saad niya.

Kahit daw ang mister niyang si Ariel Rivera ay malamang na hindi matuwa.

“Ay, e, di numero uno yung tatay nila. Medyo conservative si Ariel, parang baka mamaya pag-uwi ko pa lang, ‘Mag-empake ka na!’” at tumawa muli si Gelli.

“Ewan ko, hindi pa namin ever nadi-discuss ni Ariel though, pero I think he wouldn’t be happy with it pero I know he wouldn’t stop me.

“Alam kong hindi niya ako pipigilan pero alam kong hindi siya matutuwa,” sabi niya.

Sa movies kung medyo daring scenes…

“A, walang problema yun, walang problema yun. Pag movie or TV.

“Depende sa role, e, depende sa material,” pagklaro niya.

Bakit pag pictorial hindi puwede?

“E, kasi [sa pelikula] I’m playing a role. It is not me, I am not the one that you’re watching. I am a character, di ba?

“Sa magazine, yan si Gelli the celebrity. I don’t know ha, it’s something na hindi ko naiisip, hindi ko napaghandaan ang sagot ko tuloy,” at muli siyang tumawa.

“Hindi ko talaga naisip, e.”

KEEPING FIT. Paano niya name-maintain ang kanyang kaseksihan?

“Exercise is the key, ‘tsaka konting hinay-hinay sa pagkain.

“Parang ganun. Hindi kasi puwedeng exercise lang tapos kain, wa! Kailangan may kasamang diet.

“Pero kumakain pa rin ako kasi that is why I exercise so that I can eat. I love to eat,” masaya niyang pag-amin.

HER KIDS’ INTERESTS. Going back to her two sons, wala raw hilig ang mga ito sa pag-aartista…

“Wala silang interes, e, hindi talaga... wala, e. Hindi nila trip ito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Walang nakamana sa kanila.

“Wala, wala silang hilig, e, wala silang hilig talaga.

“Gusto nila mag-basketball, mag-baseball,” kuwento niya.

Ang panganay nila ay mahilig sa baseball at yung pangalawa ay sa basketball.

TROPANG KULIT. At sa latest na hinu-host niyang bagong kiddie gag-variety show ng TV5, ang Tropang Kulit, (na mapapanood tuwing Sabado, 7 pm simula sa May 11). very nanay si Gelli dahil thirty-five na kids ang kasama niya dito.

Ang ginawa niyang preparation para sa show…

“Basta ang ano kailangang marami lang akong baong pasensiya,” at muling tumawa si Gelli.

“’Tsaka always iniisip ko, nire-remind ko ang sarili ko, ‘O mga bata ito, oo nga katrabaho mo sila pero siyempre they don’t…’

“Iba yung point of view nila, e.

“Iba yung perspective nila especially since they’re very young, this is their first foray into performing.

“So, siyempre you have to give them that,” wika niya.

Nakasalalay sa kanya ang pagsikat ng mga batang ito.

“Huwag niyo na ngang isipin yan. Hindi ko iniiisip yan.

“Nakasalalay sa kanilang mga gagawing performances.

“I have no control over how they will perform.

“It’s them, it’s all them. The most that I can do is support them, coach them if I have to pero nasa sa kanila yun.

“Kung talagang destined sila to become stars, they will become stars,” ani Gelli.

May pressure ba sa part niya lalo pa at sikat na sikat ngayon si Ryzza Mae Dizon, kaya all eyes are on her and the show; na kailangang maka-discover din sila ng isa pang child wonder.

“Wala akong nararamdamang ganyan,” at natawa muli si Gelli.

“Wala akong nararamdang ganyan.

“E, kasi pag pi-pressure ko ang sarili ko, e, di ako lang ang, you lose sight of what’s important.

“When you pressure yourself and stress yourself with regards to competition and all that, you just lose sight of what is most important, which is to showcase these kids.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I am not doing the show for them to see na, ‘look at me.’

“I’m doing this for the children, I’m doing the show dahil gusto kong magtrabaho. It so happened that this is the show that I have been given so I will make the most out of it.”

Ang Tropang Bulilit ay binubuo ng Top 11 kids, na ang edad ay nasa pagitan ng 5 to 10, na sina Ixle Kyle Banzon, Julie Charlotte Cadeville, Peter Angelo Echaluce, Josh Clement Eugenio, Jonicka Cyleen Movido, Mariella Frances Grace Ortiz, Chloe Dominique Reyes, John Carlo Tan, at ang magkakapatid na sina Jason, Jhiani at Jhurel Zimmerman.

Completing the thirty five kids ay ang 24 “ajeje” kids na nakapasa rin sa audition.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN