Jennylyn Mercado denies live-in rumors; asserts: “Kung kanino man nanggagaling yan, e, siguraduhin na muna nila, kailangang makita nila ako sa loob ng bahay ni Luis.”

Jennylyn on the unfounded live-in rumors: “May anak ako, alam naman ng lahat yun so I don’t think ito yung tamang oras para mag-live in, alam ni Luis yun. Mayroon akong pamilya, mayroon akong anak, mag-isip naman kayo guys, gamitin ninyo ang brains ninyo ng kaunti.
Parang di nag-iisip ng kaunti ang mga taong sumusulat ng ganyan.”


Ramdam ang pagkairita at inis ni Jennylyn Mercado nang hingan ito ng reaksyon kamakailan tungkol sa lumabas na balitang nagli-live-in na raw sila ng kasintahang si Luis Manzano.

Para sa aktres ay walang lohika at basehan ang nasabing isyu dahil bilang isang ina kay Alex Jazz—anak niya sa aktor na si Patrick Garcia—mas prayoridad niya ang anak higit sa ano pa mang bagay sa ngayon.

“Kung kanino man nanggagaling yan, e, siguraduhin na muna nila, kailangang makita nila ako sa loob ng bahay ni Luis. Nakakatawa kayo, di ninyo alam ang sinasabi ninyo.

“May anak ako, alam naman ng lahat yun so I don’t think ito yung tamang oras para mag-live-in, alam ni Luis yun.

“Mayroon akong pamilya, mayroon akong anak, mag-isip naman kayo guys... gamitin ninyo ang brains ninyo ng kaunti.”

“Parang di nag-iisip ng kaunti ang mga taong sumusulat ng ganyan,” himutok ni Jennylyn.

Hiningan din ng reaksyon si Jenn sa matagal nang isyu tungkol sa balak daw na pagpapakasal nila ng boyfriend.

“Ang tagal na nun, isang taon na yan. Wala, wala talaga.

“Oo naman, si Luis naman wala talaga akong masasabi sa kanya talaga pero maliit pa ang anak ko, kailangan niya pa ang alaga ng isang ina, bata pa siya masyado para iwan ko,” paliwanag niya.

“Di naman puwede na sa ibang bahay ako nakatira. May anak ako, may pamilya ako... kailangan kong bantayan ang anak ko.”

“Tanggap niya yun at ang maganda, naiintindihan niya ang sitwasyon ko. Naapektuhan din siya sa mga ganung isyu. Alam naman niya kung ano ako bilang isang ina, e.

Diin ni Jen, “Walang nakakaalam kung paano ako bilang isang ina kundi ang anak ko at saka ang magulang ko at si Luis din.”

QUALITY TIME. Bagamat pareho silang busy sa kani-kanilang mga career, nakakahanap naman ng quality time sila Jenn at Luis para magkasama silang dalawang magkasintahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Luis, wala masyado kasi pareho kaming maraming ginagawa pero ginagawan namin ng paraan para kahit papaano makapag-dinner date man lang, makapag-lunch man lang, makanood ng sine.”

Kaarawan na ni Jenn sa darating na May 15, pero trabaho pa rin ang haharapin ng aktres sa espesyal na araw niya na ito.

“Yung mismong araw ng birthday ko 15, di ba kasi 13, 14 election?

“Sa 15 kami may taping saktong-saktong birthday ko, e, ayoko namang, ’ay, hindi puwede, birthday ko.’ Di naman puwede yung ganun.

“Trabaho yan, e. Kung ano ang trabaho, tatanggapin mo... dapat walang excuse,” giit ni Jenn.

Tumatakabo muli bilang gobernador ng Batangas si Gov. Vilma Santos at nang tanungin kung handa ba siyang ikampanya ang ina ng kasintahan, agad namang umoo si Jen sa kabila ng kanyang hectic na schedule.

“Hindi pa, hindi pa talaga, kasi sa dami ng trabaho ko ngayon, kahit anong kampanya wala akong mapuntahan. Oo naman, kung makakakuha ako ng imbitasyon at may oras, bakit hindi?” saad niya.

ROSARIO. Usap-usapan ang pagiging daring ng pelikulang The Bride and The Lover kasama sina Lovi Poe at Paulo Avelino, at sa ngayon ay kasalukuyan pa ring showing.

Sa kabila ng balita na maraming seksing eksena sa nasabing pelikula, ang pinagbidahan pa ring pelikula na Rosario ang itinuturing niyang pinaka-daring at sexy sa lahat ng pelikulang nagawa.

“Masaya kami, excited kami sa kinalabasan ng pelikula dahil matagal-tagal din naming ginawa ito, eight months, 9 months... almost a year. Di nagkakatugma ang schedules namin. Ang hirap pagsabay-sabayin.

Rosario, mas daring pa yun. Dito wala... isa lang, light lang... very subtle.

“Nung tinanggap ko yung The Bride and The Lover, binasa ko yung script na yun ang nakalagay susundin lang namin, kami naman ay mga artista lang na susunod sa kung ano ang nakalagay sa script at sasabihin ng direktor.”

Sa tanong namin kung bukas ba siya sa paggawa ng mas daring pa sa mga nagawa niya sa Rosario, para kay Jen ay depende ito sa maraming bagay na ikukunsidera niya muna bago tanggapin ang nasabing proyekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Depende sa takbo ng istorya, depende rin sa direktor,” pangwakas niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN