Gretchen Barretto still mum about ongoing feud with mom and sisters

Nananatiling tikom ang bibig ni Gretchen Barretto sa lumalalang alitan nila ng kanyang ina na si Inday Barretto at mga kapatid na sina Claudine Barretto at Gia Barretto-Reyes. Ngunit ayon sa kanya, sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan niya ngayon, "I also learned that life was not perfect and I can’t have everything."


Tumanggi pa ring magsalita ni Gretchen Barretto kaugnay ng lumalalang alitan nila ng kanyang ina na si Inday Barretto at mga kapatid na sina Claudine Barretto at Gia Barretto-Reyes.

Kanina, May 5, sa The Buzz—kung saan guest co-host muli si Gretchen—ay marami ang nag-abang kung magsasalita na sa wakas ang aktres. Ngunit nanindigan siya na huwag magsalita sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng kanilang pamilya.

Ayon sa co-host ng The Buzz at manager ni Gretchen na si Boy Abunda, irerespeto nila kung may gustong sabihin ang aktres nung mga oras na yun o kung mananatili pa rin siyang tahimik.

Bagamat nagbigay ng pahayag si Gretchen ay naging maikli lamang ang kanyang pananalita.

Sa umpisa pa lang ay basag na agad ang boses ng aktres at tumutulo na ang kanyang luha.

Saad ni Gretchen, “Hindi madali ang pinagdadaanan ko ngayon.

"Hindi madali yung pinag-uusapan ka ng buong Pilipinas.

"Hindi madaling pakinggan yung pinagdaanan ko... yung childhood ko.

"Away-pamilya ‘to, Boy, hindi dapat isapubliko.

“It took so long for me to learn so many things.”

May ilang segundo bago nasundan ni Gretchen ang kanyang pahayag.

Pagpapatuloy niya, “I learned this week that a tight embrace means the world to me.

"I learned na marami rin palang nagmamahal sa akin.

"I also learned that life was not perfect and I can’t have everything."

Ngunit giit ng aktres, “Boy, ayokong magsalita.

“Dominique, my daughter, knows my story.

"Many years from now, lilingunin niya ‘tong nangyari sa akin. Maaalala ni Dominique na ’My Mom never fought.’

"And that’s important to me, Boy. Yun ang importante.

“That’s what I want to leave behind.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN