Ryza Cenon on the possibility of falling for another girl: “Naku-curious lang ako kung ano ang feeling.”

Ryza on why she finally agreed to pose for FHM Magazine: “Kasi, alam ko naman ang reason kung bakit ako nag-pose. Kasi, gusto ko na mag-level up. Kumbaga, sabi nga, ang makikita niyo na ngayon ay Ryza version 2.0.”


Sa matagal na panahon, palaging natatanong si Ryza Cenon kung kailan daw ba ito magpu-pose bilang cover girl ng FHM Magazine.

Kasabay din nito, hindi naman ikinakaila ni Ryza na matagal na rin palang may offer sa kanya ang naturang men’s magazine na maging cover girl nga siya.

Sa mga huling pakikipag-usap namin kay Ryza nitong mga nakaraang buwan, naramdaman namin ang “apprehension” niyang mag-pose bilang cover girl.

Pero ngayong May issue ng FHM Magazine, si Ryza ang bumulaga sa lahat sa seksing cover photo nito.

Kaya ang unang hirit namin sa kanya nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan lang sa Bubble Tea Restaurant sa Tomas Morato Ave., Quezon City ay, paano siya nakumbinse?

Natatawang sagot naman ni Ryza, “Hindi, yun nga po, gusto ko yung ready ako. Yung kumbaga, emotionally, mentally, physically dapat.

“Ayoko po ng pilit na, ’sige, mag-pose ka na.’ Parang wala sa puso. Parang hindi maganda ang kakalabasan.

“So ngayon, noong kinausap po ako ni Kuya Daryl [Zamora], bale siya po ang handler ko na manager na po ngayon sa GMA Artist Center, sabi ko, ’sige po, magpu-pose ako. Pero, aalagaan niyo ’ko.’

“Tapos po, noong nakita ko ang concept, parang mas lalo akong na-excite kasi, ako yun, e. Ako yung concept na yun.”

Si Ryza na ang nagsunod ng salita na, “May time rin na binabawi ko. Parang hindi rin ako sigurado.”

Ano ang naging “deciding factor” niya at pumayag na nga siya?

“Naisip ko kasi, tumatanda na rin ako. Twenty-five na ko. So, feeling ko, baka kapag pinatagal ko pa, baka sabihin na too late na nag-pose ako. Ganoon…

“At saka, nasabi ko sa sarili ko, ready na ’ko. Yung katawan ko, bagay na siya sa magazine.

“Unlike before, nene pa talaga ang katawan ko. May mga baby fats pa ko. Ang itsura ko, batang-bata pa. But now, nagma-mature na ang buong katawan ko... late-bloomer,” pag-amin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa Facebook at Instagram ni Ryza, nakakapag-pose na siya ng ilang larawang naka-two-piece siya, kaya may ideya kami na kung sa katawan lang, siguradong papasa siya sa pagiging cover girl.

PREPARATIONS. Pero may mga paghahanda pa rin ba siyang ginawa?

“Bilang biglaan siya, ten days lang binigay sa akin... so, crash diet talaga. As in, fruits lang at saka white meat and less water. Steamed or baked lang. Tapos yun nga, less water para tuyo pagdating sa pictorial.

“Medyo mahirap,” pag-amin niya.

“Palagi akong nakikipag-away kay Kuya Daryl kasi mainit ang ulo ko. Gutom na gutom na ko. Inaaway ko sila,” natatawang kuwento pa niya.

Ang naging photographer niya ay si Doc Marlon Pecjo.

Pero bago pa raw ang pictorial, isa rin daw sa ginawa niyang paghahanda ay nag-warm-up daw siya.

“Nag-warm-up po ako before the pictorial, nag-photo shoot po ako with other photographers. Si Chynna [Ortaleza] kasi, siya yung unang nag-shoot. Then, pinakiusapan ako kung puwede raw akong i-shoot ng friend niyang photographer. Sabi ko, sige.

“Nasakto naman na hindi ko alam, the next day, shoot ng FHM, so, nag-warm-up ako. Nag-practice muna ’ko, tutal sexy rin naman ang peg nila,” kuwento niya.

PRESSURE. Inamin naman ni Ryza na nakaramdam din daw siya ng pressure nang kausapin siya mismo ni Doc Marlon.

Saan nanggaling ang pressure?

“Noong kinausap po kasi niya ’ko, sinabi rin niya na dapat galingan ko kasi, si LJ [Reyes, cover girl ng FHM February 2013 issue] daw ganito, ganyan.

“So, parang na-pressure ako kasi, parang nagkaroon ng comparison. Kaya sa sarili ko, nasabi ko, parang may competition ba?

“Pero okay lang naman, siguro, yun na rin yung paraan nila para siguro ma-challenge rin ako.

“Although, nung meeting namin, nasabi ko rin na huwag muna akong igaya kay LJ kasi, magta-tatlong cover na siya, ako, nagsisimula pa lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, hindi ko pa talaga maibibigay lahat. At saka, ano pa ang maibibigay ko kung sakaling magpu-pose pa ako sa iba, di ba? At saka, yun nga, first cover ko pa nga lang talaga ’to.”

Kung tutuusin, maganda naman ang mga feedback sa unang cover shoot niya sa FHM. Pero nang makita na niya ito, ano ang naramdaman niya?

“At first, kinabahan ako, natakot ako. Kasi, hindi ko alam kung paano tatanggapin ng mga tao ang pagpu-pose ko o kung ano ang magiging reaksiyon nila sa cover. Pero yung nakita ko lahat ng feedback nila, sobrang saya ko.

“Nakaka-flatter at saka, honored ako na tama ang naging desisyon ko na mag-pose ako sa FHM,” nakangiting sabi niya.

HAPPY WITH FEEDBACK. Kinumusta rin namin kay Ryza ang mga komento o reaksiyon na natatanggap niya.

Sabi naman niya, “Siyempre, hindi natin maiiwasan na may negative... na sasabihin Photoshopped, fake yan, ganito, ganyan. Siyempre, may ini-enhance lang, finilter lang siya. Pero yung binawasan ang ganito, nilakihan ang ganito... wala.

“Kaya proud po ako ro’n.

“Nakakatuwa nga, kasi, before akong umoo, nagsabi ako kay Kuya Daryl na, ’wait lang po, magpapaalam lang ako sa Lola ko kasi, baka mabigla.’

“E, nasa Gapan si Lola ko. So, kinausap ko. Magpu-pose raw po ako sa FHM. Tapos sabi niya, ’a, talaga? Lumabas na ba? Bibili ako.’

“Kaya ako, ’a okay, okay na ’ko... Game na! Game na ‘to! Ito na ‘to.’”

Dati, meron siyang long-time boyfriend pero naghiwalay na sila noong nakaraang taon.

Naisip namin na baka kaya ayaw ni Ryza mag-pose sa FHM noong mga panahong iyon ay dahil pinagbabawalan siya ng boyfriend niyang ito.

Itinanggi naman ito ni Ryza sa pagsasabing, “Hindi po, past is past. Kung anuman ang desisyon ko ngayon, gusto ko yun. Hindi dahil sa merong nangyari noong past kaya ako nagdesisyon ng ganito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lahat ng nangyayari sa akin, naka-plano po.”

RYZA VERSION 2.O. Diretsahan naman naming tinanong si Ryza kung may mga natatanggap din ba siyang komento o reaksiyon na “desperate measure” na niya ang pagpu-pose sa FHM para tuluyan nang sumikat.

Anong nagiging reaksiyon niya sa ganoon?

“Wala, “ nakangiti naman niyang sagot.

“Palagi ko na lang iniisip na hindi talaga mawawala sa amin, sa aming mga celebrity na meron talagang maiinis. Meron talagang haters. So, part talaga ng buhay namin yan. Hindi ko na lang siguro papansinin.

“Kasi, alam ko naman ang reason kung bakit ako nag-pose. Kasi, gusto ko na mag-level up. Kumbaga, sabi nga, ang makikita niyo na ngayon ay Ryza version 2.0,” natatawang sagot pa niya na hinango nito sa dialogue ni Sarah Geronimo sa It Takes A Man and a Woman.

Dugtong pa ni Ryza, “At saka, hindi rin naman nila ko kilala. Okay lang yun. Ganoon talaga, e. Merong mga tao talaga na magdya-judge sa ’yo. So, tanggap ko na may ganun talaga.”

Pero paraan niya nga ba ito para tuluyan ng sumikat?

“No, no, hindi talaga. Gusto ko rin ma-experience ang feeling na maging cover ng isang men’s magazine.”

Ngayong nagpapaseksi na rin siya, posibleng mag-iba na rin ang tingin sa kanya ng mga kalalakihan. Puwede na rin siyang maging “sex object” para sa kanila at pagnasahan.

Okay ba sa kanya ang ideya o scenario na ganun?

“Siguro ano, gagawin ko in a good way. Flattered ako na ganoon na ang tingin nila sa akin. Hindi na parang pa-sweet na Ryza Cenon, lady na ang tingin nila sa akin.”

INDECENT PROPOSALS. Kung may indecent proposal na dumating sa kanya, paano niya ito iha-handle?

“Parang hindi ko alam kung paano i-handle yun. Siguro, hihingi na lang ako ng advice sa manager ko,” natatawa niyang sabi.

Sa isang banda, kasama rin si Ryza sa epicserye na Indio at kakaiba rin daw ang role niya dahil na-in-love siya kay Sheena Halili na inakala niyang lalaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi nga niya, “Love interest ko si Sheena Halili. Hindi ko alam na babae siya, nagpanggap kasi siyang lalaki and kapatid ako ni Mariano na si Carlos Morales.”

CURIOUS AND WILLING. Nagulat naman kami sa naging sagot niya nang tanungin namin kung posibleng ma-in-love siya sa kapwa niya babae.

Sinagot ito ni Ryza nang, “Hindi naman, pero, gusto kong i-try.”

Gusto niyang subukan na ma-in-love sa kapwa niya babae?

“Hindi ko naman sinabing gustung-gusto, pero, parang naku-curious lang ako kung ano ang feeling.”

Hindi kaya siya pag-isipan na tomboy pala siya?

“Hindi, a!” mabilis na tanggi niya.

“Lalaki pa rin naman ang gusto ko, pero, naku-curious lang ako kung ano ang feeling. Pero siguro kasi, bilang nagkasunod-sunod din yung role ko na ganun.

“Sa Indio, nai-in-love ako sa girl tapos sinundan ng Magpakailanman na naging dyowa rin ako ng tomboy.

“So, parang naku-curious ako, ano ba talaga ang feeling? Tutal, ginagampanan ko ang role na yun, ano ba talaga ang feeling bakit napupunta sa ganoong situation na girl to girl.”

For the record, hindi pa naman siya nagkakaroon ng ganoong klase ng relasyon?

“No, no naman, never pa. Nakakatawa lang na madalas din akong nai-isyu na lesbian kaya dyinu-joke ko na lang yun.”

STILL SINGLE. Single pa rin daw siya ngayon, pero, hindi naman niya ikinakaila na nag-e-enjoy siya ngayon sa stage na nakikipag-date.

Merong nanliligaw sa kanya ngayon?

“Meron naman po, non-showbiz. Pero ayoko na munang ilabas kasi, ayaw niya,” saad niya.

Na-e-enjoy niya ang pagiging single ngayon?

“Sobra, sobra,” nakangiting sabi niya.

“Para akong nakawala sa kulungan. Yung stress na merong karelasyon sa wala, parang sobrang laki. Ngayon, sarili mo lang ang iniisip mo. Wala yung, ’kumain na ba yun? Nasaan na siya?’

“Less stress. So, ngayon, wala kang iniisip kung hindi sarili mo lang,” pagwawakas niyang pag-amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN