KC Concepcion named one of the Top 25 Sexiest International Actresses by US-based magazine

Napili si KC Concepcion bilang isa sa 25 Sexiest international actress ng isang New York-based magazine. Sabi ng TV host-actress tungkol dito, “Parang I feel so proud to be Pinay kasi, parang ako lang ang Filipina doon sa list.”


Kasama ang Pinay TV host-actress na si KC Concepcion bilang isa sa "25 Sexiest International Actresses You Haven’t Heard Of" ng U.S.-based magazine na Complex.

Nasa 23rd spot si KC at ito ang naging description sa kanya:

"KC Concepcion was born into fame: her father is 80’s heartthrob Gabby Concepcion and her mother is the “Philippine Movie Queen” Sharon Cuneta. KC is basically royalty, but she’s not riding on her mother’s coattails. She’s the UN’s National Ambassador Against Hunger, she starred in the highest grossing Philippine movie in 2008, For the First Time, she released her first album KC and she’s set to host The X Factor Philippines."

Ang nanguna sa listahan ay ang Mexican actress na si Adriana Fonseca.

Kabilang din sa listahan ang Malaysian actress na si Carmen Soo na nasa No. 5. Si Carmen ay gumawa ng ilang TV projects dito sa Pilipinas, kabilang na ang ABS-CBN primetime series na Kahit Isang Saglit (2008), kung saan nakapareha niya si Jericho Rosales.

Nasa No. 20 naman ang British actress na si Samantha Barks, na gumanap na Eponine sa 2012 movie na Les Miserables.

Ang South Korean actress na si Kim Tae-Hee ay nasa No. 24. Si Tae-Hee ay nakilala sa Koreanovela na Stairway To Heaven na ginawan pa ng Pinoy version.

KEEPING SEXY. Sa live interview ni KC sa The Buzz kahapon, May 5, ay hiniritan siya ng mga host ng programa na sina Getchen Barretto at Toni Gonzaga ng: “Iba ka na talaga!”

Natatawang sabi naman ni KC, “Hindi! Alam ninyo, wala naman akong balak maging ano…

“Na-inspire ako ni Toni... me and Toni, we’re talking privately as friends. Tapos, we were encouraging each other.

"Then, sa dami ng pinag-usapan namin, we were talking about how to keep yung maintaining yung weight, sex appeal.”

Ano ba ang ginawang pagpapaseksi ni KC?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Nag-start ako ng diet—yun ang ginawa ko na puwede kong i-control because that’s throughout the day.

“I got on South Beach, kasi yung South Beach ko, parang protein lang yun.”

Dugtong pa niya, “Meron akong Bayo Bikini billboard sa bahay ko. Sabi ko, ‘Aha!’

"Naka-gray ako doon, that was four years ago.

“Sabi ko, gusto ko siyang balikan. I remember my weight then… 113, 112 [lbs.]…”

Ano ba ang weight niya ngayon?

“Huwag na nating pag-usapan. Pero hindi pa ako 112, 113,” tugon niya.



SURPRISE. Pero ano ang reaksiyon niya na napabilang siya sa 25 Sexiest International Actresses ng Complex magazine?

Sabi ni KC, “Thank you… but I think, yung sa Complex Magazine is a real surprise because it’s a New York magazine.

“And hindi ko rin alam kung paano nila ako nakita doon.

“Parang I feel so proud to be Pinay, kasi parang ako lang ang Filipina doon sa list.

“And it was not just sexiest, parang it’s talking about I can… or parang they are recognizing lang international actresses.”

Paano kung na-discover siya internationally, iiwan ba ni KC ang career niya sa Pilipinas?

Sagot niya, “Hindi… may tatapusin pa akong teleserye at meron din akong uumpisahang hosting job dito sa ABS-CBN.”



FAMILY LIFE. Naitanong din kay KC ang wedding anniversary ng mommy niyang si Sharon Cuneta at ng stepfather niyang si Kiko Pangilinan. Nag-post kasi si KC ng pictures ng 17th anniversary ng mga ito.

Kumusta sila?

“They’ve been married... seventeen years na po silang kasal.

“I really admire them for the respect, trust, love, and understanding that they gave each other all these years.

“Siyempre, hindi naman masasabing perfect ang marriage, but like any other Filipino, alam naman nila yun na hindi talaga.

“Nandiyan yung pumapasok yung Bible studies, bonding with the kids...

“Nagkaroon ng baking sale sila Mom—nagbebenta sila ng mga cakes and cookies na niluluto nila Frankie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang little things, they try to be normal and be there for the kids.

“Soldout daw. Kinabog daw ang ticket sales ng pelikula nina John Lloyd [Cruz] at Sarah [Geronimo]!” biro pa ni KC.



LONG-RANGE PLANS. Tinanong ni Toni kung kailan nakikita ni KC na magse-settle down na siya at magpapakasal.

Dati’y pinayuhan daw ni Gretchen si KC nang magkasama sila sa isang workshop na huwag muna itong mai-in love dahil minsan lang maging bata.

Ayon naman kay KC, “Okay, ‘eto na naman, nag-uusap tayo... Toni, remember? Sabi ko sa iyo, ‘Tons, parang ikaw ang mauuna.’”

Sabi naman ni Gretchen, yun daw “ikaw” usually ang nahuhuli base sa history.

Pero si KC ba ang taong nagpaplano?

Sabi niya, “Ito na nga po ang sinasabi ko kay Tita Kris [Aquino] nang mag-co-host ako sa show niya.

“Sabi ko, ‘When I was around 18, nag-20s na ako… 23, 24… gumagawa ako ng three-years, five-years plan.

“Pero pagdating ko ng 25, 26, sabi ko, wala na akong makita for my future.

“Sabi ko, ‘Bakit wala akong makitang vision for my future?’

“Talagang nag-meditate ako, may kandila ako doon, may peppermint stick.

“Kailangan ko ng music, kailangan ko ng ambience para makita ko ang future ko… pero wala.

“Kaya sabi ko, ‘Lord, go with the flow muna tayo.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN