Cynthia Villar on making a movie out of love story with Senator Manny Villar: “Hindi kaya corny?"

Pagdating daw sa kanilang pagsasama, marami na silang pagsubok na hinarap, at karamihan ay may kinalaman sa pulitika.


Isa sa mga kandidatong sinuportahan ni Lily Monterverde sa eleksiyon na ito ay si Mrs. Cynthia Villar.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City, ang asawa ni former Senator Manny Villar kamakailan lang, together with the entertainment media.

“Sobrang honored ako na sinusuportahan ako ni Mother Lily,” ayon kay Cynthia. “Alam ko na marami kaming tinutulungan niya, so we are all deeply honored and indebted to her.

“Nakakalimutan ko na ’atang may Mother’s Day [next week, May 12] dahil sa hirap ng kampanya."

JOBS FOR PINOYS. Ang plataporma ni Cynthia ay naka-focus sa "jobs and livelihood."

Dugtong niya, "Kaya yun din ang pinagtutuunan ko ng pansin.

“I would like to create more jobs for the people and yung livelihood ko, I want to have it in every town in the Philippines.

“Kaya nga, yung sabi ni Mother Lily na she will support me all the way, alam ko na panghahawakan niya yun and we will be working hand in hand.”

Hindi rin maipagkakaila na malapit ang mga Villar sa taga-showbiz. Katunayan nito ay ang anak nilang si Camille na naging bahagi ng industriyang ito.

Pahayag ni Mrs. Villar, “Talagang malapit sa amin ang mga taga-showbiz.

“Si Mother Lily ay kaibigan namin since way back. At ang sister niya ay kabarkada din namin.

“Mas naging better pa ang relationship namin.”

Ang singit ni Sen. Manny Villar, “It’s like a family..."

Ang biro namin, paano kung gawing pelikula ng Regal Films ang love story nila, papayag ba ang mag-asawa?

Natatawang sagot ni Cynthia,” Okey lang. Pero, hindi kaya corny?

“Everything naman is okay basta si Mother.”

Singit muli ni Sen. Manny, “Hindi nga ba corny?

“Since college ay magkasama kami. Hanggang ngayon ay magkasama pa kami. Hindi kami naghihiwalay at walang planong maghiwalay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala namang exciting.

“Although, maraming pagsubok sa buhay namin bilang pulitiko, pero hindi sa aming mag-asawa.”

Kung sakali, sino naman ang gusto nilang gumanap sa papel nila na mag-asawa?

Pahayag ng dating senador, “Pagdating sa ganyan, iiwanan na lang namin ‘yan sa magagaling na advisers namin kasi wala naman kaming alam diyan.

“Sila ang magsasabi kung sino ang bagay, siyempre.”


JOHN LLOYD CRUZ AS MANNY? Sabay singit ni Mother Lily sa artistang babagay na gumanap bilang si Manny Villar, "Si John Lloyd ang bagay sa kanya.”

Samantala, naitanong kay Cynthia kung may dala-dala ba siyang lucky charm na usually ay binibitbit kapag nangangampanya?

Mabilis niyang tugon, “Lagi akong may dalang rosary.

“Sa bag ko, lagi siyang nasa loob.

“Actually, wala naman akong bad experience na naranasan during the campaign except nasisiyahan ako na as I go around the Philippines... Kasi nine years ako sa Congress, so, nami-meet ko yung mga nakasama ko sa Congress.

“Either naging governor na sila o mayor. So, nagiging reunion siya. Masaya din.

“Marami kang nami-meet na tao na interested sa hanepbuhay and you talk to them.

“And you find kung ano ang maitutulong mo sa kanila pag bumalik ako dun.

“Parang nakukuha mo yung modelo na gagawin mo when you go back afterwards.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN