Biboy Ramirez describes being Kapatid as "refreshing"

Ang Cassandra: The Warrior Angelang nagsisilbing hudyat para sa pagiging Kapatid ni Biboy Ramirez. Sabi niya, "Mas sanay ako sa culture ng ibang station. Pero dito, masaya, marami akong na-discover kung paano ba magtrabaho ang mga Kapatid.”


Nagbabalik sa limelight si Biboy Ramirez via Cassandra: Warrior Angel, ang bagong fantasy series ng TV5.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Biboy sa grand launch ng show last April 30, sa Broadway Studio ng TV5, sinabi nitong ang serye ang magiging senyales sa kanyang pagiging Kapatid.

Aniya, “Masaya, refreshing, kasi mas sanay ako sa culture ng ibang station.

“Pero dito, masaya, marami akong na-discover kung paano ba magtrabaho ang mga Kapatid.”

Dagdag niya, “Dito naman sa Cassandra, ang role ko dito ay isang police.

"Ako yung mag-iimbestiga ng mga paglipana ng mga maligno.

“Yung pagiging police... parang kasi curious na tao ako, e, [sa totoong buhay]. Tapos pag police ka, di ba, dapat medyo curious ka sa mga bagay-bagay sa paligid mo?”

Natuwa naman daw si Biboy na napasabak siya sa aktingan sa mga beteranong aktor na ngayon pa lang niya makakatrabaho.

Saad niya, “Yung mga veteran actors na kasama ko dito—sila Gabby Concepcion, Eula Valdes, William Martinez—grabe, nakakatuwa.

“First time ko pa silang makatrabaho kaya nakakatuwa na yung ganitong klaseng mga dekalibreng artista ay makatrabaho mo.

“Nakakatuwa kasi madadala ka, e, sa professionalism [nila]… so exciting.”

May pressure ba sa kanya sa mga eksena nila?

Pag-amin ni Biboy, “May pressure siyempre, dapat ipakita mo na kahit papaano gusto mong sabayan yung pagiging professional nila.

“May pressure siya na nakakatuwa kasi challenging.”

Tungkol naman sa kanyang lovelife, masaya pa rin daw si Biboy sa piling ng kanyang girlfriend na si Vanessa del Moral.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN