Sen. Antonio Trillanes on joining showbiz: “Hindi tayo marunong umarte, it’s not for us.”

Ayon kay Antonio Trillanes, "peace and order" ang pinamalaking problema ng bansa.


Tinanong namin si Senador Antonio Trillanes IV kung ano ang palagay niya sa mga surveys ngayong nalalapit na ang May 13 elections.

“Nasa top twelve pa naman sa kahit na anong survey, so we’re very, very… at least happy na andodoon pa rin ang tiwala ng ating mga kababayan,” pahayag ni Senator Trillanes sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong May 2, sa presscon niya sa Imperial Palace Suites, Tomas Morato, Quezon City, hosted by Mother Lily Monteverde.

Samantala, sinabi naman ng senatorial candidate na hindi niya mabigyan ng buong kumpiyansa ang surveys dahil noong una siyang tumakbo bilang senador, hindi tugma ang resulta ng surveys sa naging actual result ng eleksiyon.



NO PLANS TO GO SHOWBIZ. Guwapo at may dating si Senator Trillanes, noong kabataan niya ba ay hindi niya naisipang mag-artista?

“Hindi talaga, hindi tayo pang-ano, hindi tayo marunong umarte, it’s not for us, oo,” paliwanag niya.

“Pero we respect and admire yung mga magagaling na artista sa atin.”

Sa tingin niya, ano ang pinakamalaking problema ng Pilpinas ngayon?

“It’s still peace and order. Peace and order, pagkatapos niyan iyong ating kahirapan and, of course, corruption.

“Magkakaano siya minsan pero we can handle peace and order, e. You should handle peace and order first and then pag naayos mo ‘yan, uunlad ang Pilipinas.

“And pag-unlad niyan, mawawala yung problema mo sa kahirapan, and of course, hindi mo na magagawa ‘yan kung may corruption..."


AFTER ELECTIONS. Pagkatapos ng eleksiyon sa May 13, ano ang una niyang gagawin sa May 14 kapag muli siyang mahalal bilang senador?

“Of course, we’ll go around, magpapasalamat sa ating mga kababayan na nakatulong, kung sakaling palarin tayo. Oo, we have to. Some of the local destinations lang.”

Magbabakasyon at magpapahinga rin daw siya matapos ang nakakapagod at mainit (literally and figuratively) na kampanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN