Richard Gutierrez still non-committal about rumored transfer to another network

Bagamat ayaw magbigay ng pahayag si Richard Gutierrez tungkol sa napapabalitang paglipat niya ng network ngayong malapit nang matapos ang kontrata niya sa GMA-7, inamin niyang pinag-uusapan ng kanilang pamilya ang tungkol dito. Aniya, "Siyempre ako tsaka yung family ko, napag-uusapan na namin kung ano yung magiging best for me. Pero siyempre, right now, naka-concentrate ako dahil nga GMA is, you know, has been there for me. And ngayon, may soap opera akong ginagawa sa kanila so fo


Hanggang sa June 7 na lang ang primetime series ni Richard Gutierrez sa GMA-7, ang Love & Lies.

Nagsimula itong umere noong April 8 kaya lumalabas na dalawang buwan lamang ang itatakbo ng serye.

Sa June ay matatapos na rin ang kontara ni Richard sa Kapuso network.

Sa pagtatapos ng kanyang kontrata at show sa June, ibig bang sabihin nito ay matatapos na rin ang pagiging Kapuso niya? Balita kasing lilipat na ng ibang network si Richard.

Sagot niya, “A, hindi ko alam, e. Hindi ko masabi ‘yan ngayon, e.

“Tingnan na lang natin after Love & Lies kung ano’ng mangyayari.”

Wala pa bang usapan sa kung ano ang mangyayari sa pagtatapos ng kontrata niya?

“Hindi… siyempre ako tsaka yung family ko, napag-uusapan na namin kung ano yung magiging best for me.

“Pero siyempre, right now, naka-concentrate ako dahil nga GMA is, you know, has been there for me.

“And ngayon, may soap opera akong ginagawa sa kanila so focused muna ako dito sa ginagawa ko ngayon.”

Hindi na ba talaga magkakaroon ng extension ang Love & Lies?

“Hindi ko alam e, hindi yata, e.”

So, maghihintay ang lahat hanggang Hunyo kung ano ang mangyayari?

“Yeah, abangan na lang natin ang mga susunod na kabanata.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Richard sa taping ng Love & Lies kahapon, May 6, sa Antipolo City.

LEADING LADIES. Sa itinatakbo ng istorya ngayon ng Love & Lies, tila si Bela Padilla na ang lumalabas na leading lady ni Richard, at hindi na si Michelle Madrigal na gumaganap na misis niya.

Sabi ni Richard tungkol dito, “Well, Bela and Michelle.

“Marami rin kaming eksena ni Michelle. Pero si Bela, parang sa istorya, ngayon pa lang kami nagiging close sa istorya.

“Si Michelle, simula pa lang ng kuwento... may relationship na kami dati ni Michelle.”

Kasama rin sa cast ng Love & Lies si Thea Tolentino, ang female winner ng Protégé: The Battle For The Big Artista Break.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong bata pa raw si Thea ay idolo at pangarap niyang maging leading man si Richard. Na kapag napapanood daw niya noon ang Kapuso star sa Mulawin ay wini-wish niya na magkaroon din siya ng pakpak.

Ano ang reaksiyon dito ni Richard?

“Talaga? Sila, okay naman sila na kasama namin sa show,” banggit niya patungkol kay Thea at ang male Protégé winner na si Jeric Gonzales.

First time daw makaeksena ni Richard si Thea nung araw na iyon.

Ayon kay Thea, muntik na siyang mag-buckle sa mga linya niya sa eksena nila ni Richard.

Tumawa si Richard nang hingan namin ng reaksiyon.

Aniya, “She did good sa scene namin kanina.

“Mahuhusay naman sila, they’re trained sa Teen Gen and, you know, naaalala ko yung sarili ko sa kanila when I was starting.”

Ang teen-oriented show na Click ang pinagmulang show ni Richard sa GMA-7.

“Tapos sa Habang Kapiling Ka, Ikaw Lang Ang Mamahalin

“So tuwing napagkukuwentuhan sila, yung mga bagong bagets na sumali sa amin, naaalala ko rin yung sarili ko dati na nasa Click ako, parang Teen Gen, tapos support ako sa isang primetime show.

“So naalala ko yung sarili ko sa kanila and yun talaga for me yung mga best years, kasi ang dami mong natututunan sa set.

“Especially when you do a primetime soap, marami kang matututunan, so exciting years ito for them.”

Open ba siya sa posibilidad na maging leading lady si Thea in the future?

Tugon ni Richard, “Hindi ko masasabi yun.

“I think she’s young, pero tingnan natin… tingnan natin.

“Hawig siya ni Angel [Locsin], ‘no? Si Thea may anggulo na nung nagsisimula si Angel, parang naaalala ko.”



MARIAN RIVERA. Hiningan din namin ng reaksiyon si Richard tungkol sa pag-alis ni Marian Rivera sa dati nitong manager na si Popoy Caritativo upang lumipat sa Triple A Management ni Mr. Tony Tuviera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Magkikita kami ni Marian soon.

“Pero siyempre nagulat ako nung nabalitaan ko na wala na siya kay Popoy.

“Pero ayoko na ring mag-comment kung anuman ang nangyari sa kanila kasi hindi ko rin alam, e.

“Hindi ko naman alam kung ano yung nangyari sa kanila.

“Life goes on, I guess.”

May lumulutang ding isyu na baka umalis na si Marian sa GMA-7.

Sabi ni Richard tungkol dito, “Hindi ko rin alam, hindi ko alam kung ano yung mga plano nila.”

Tila iisa ang isyu sa kanilang tatlo nina Marian at Dingdong Dantes—ang napapabalitang paglipat nila ng TV network?

Tumawa muna si Richard bago sumagot.

Aniya, “Hindi ko alam. Tingnan lang natin siyempre kasi hindi rin natin masasabi ngayon.”



MY LADY BOSS. Samantala, ano na ang nangyari sa My Lady Boss movie nila ni Marian at naurong nang naurong ang showing nito?

Sabi ni Richard, “A, na-move yung ano…

“Actually sila yata dapat ang tanungin, sina Joey Abacan [GMA Films executive].

“Tapos na yung movie, mag-a-additional scenes lang, pero kasi mahaba yung buhok ko dun sa movie, e.”

Maiksi at gupit-militar kasi si Richard sa Love & Lies. Magwi-wig ba siya magsu-sumbrero?

“Hindi ko pa alam.

“Excited na nga kami ni Marian na maipalabas yung movie, e, pero we’re just waiting for the right time.”

July ang tentative showing ng My Lady Boss ng GMA Films.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN