Richard Gutierrez on status of lovelife: “Stable naman ako sa department na yun sa buhay ko.”

Nagbigay ng pahiwatig si Richard Gutierrez tungkol sa plano niya para sa kasintahang si Sarah Lahbati. Sabi niya, “Ako naman kasi, I won’t be in a relationship if I can’t see myself with that person for the rest of my life.”


Hanga kay Richard Gutierrez ang mga kasamahan niya sa GMA-7 primetime series na Love & Lies na sina Sid Lucero at Bela Padilla sa dedikasyon at disiplina sa trabaho.

Anila, hindi lang artista si Richard, nagbibigay rin daw ito ng suggestions at opinyon sa ibang aspeto ng taping tulad sa editing.

May reaksiyon si Richard sa mga papuring ito sa kanya ng mga kasamahan niya sa trabaho.

Sabi niya, “Hindi... kasi siyempre, siguro dahil nga ten years na rin akong gumagawa ng soap opera.

“Nauna pa ang Ikaw Lang ang Mamahalin kaysa sa Click, ni-launch ako sa Click pero ang una kong trabaho, Ikaw Lang Ang Mamahalin.

“Eleven years na pala, so for me, parang marami na akong experiences na masi-share, marami na akong writers, directors na nakatrabaho.

“More or less, alam ko na rin ang audience ko, ano yung gusto nila sa akin or ano yung gusto nilang kuwento.

“So, you know, may mga times na may mga inputs ako siyempre pati sa editing...

“Especially sa mga action scenes, kasi marami na akong nagawang action scenes, so…

“Marami kasing mga baguhan na editor, marami na baguhan na writer, so siyempre, kami mag-a-adjust din kami on the set...

“Ina-adjust namin ng konti para mas lalong sumakto sa characters namin.

“Yung ganoon lang, yung tamang polishing lang pagdating sa set.”



SACRIFICE. Mahaba na ang karanasan ni Richard sa industriya kaya masasabing mahal na mahal niya ang trabaho niya.

“Yes! Passionate naman talaga ako sa work ko, e,” sabi niya.

“Kasi, you know, ang dami ko nang sinacrifice [sacrificed] for this, for my job, yung ilang taon kong pinagtrabahuhan siyempre.”

May plano raw siyang mag-aral ng kursong film directing.

“Iniisip ko nga, iniisip kong mag-aral pero let’s see, let’s see.

“Maraming mga options na puwede kong gawin.”



TRAINING. Tuloy rin ang kanyang Navy training, na naging bahagi ng preparasyon niya para sa papel niya sa Love & Lies.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Richard, “Tuluy-tuloy yung training ko ngayon sa tactical gun training, tsaka martial arts.

“Tapos, yun nga, hinihintay ko lang magkaroon ako ng mga libreng araw para makabalik ako sa Navy... iniimbita rin nila akong mag-training doon.

“So iyon, hinihintay ko lang yung mga libreng araw ko, tapos babalik ako sa Navy.”

Pero nasa kalagitnaan na ng pag-eere ng Love & Lies, bakit kailangan pa niyang mag-training pa?

“E, mukhang masaya, e!” tawa ni Richard.

“Tsaka inimbitahan nila ako, e, and it’s gonna be an honor for me to train with them.

“Tsaka hilig ko rin naman talaga yung ganoon—parang weekend getaway na ano lang yun, na may training.”

Nagpahinga muna si Richard bago siya sumalang uli sa taping ng Love & Lies.

Sumama rin siya sa kampanya ng mommy niyang si Annabelle Rama na tumatakbong congresswoman sa North Distrct ng Cebu.

“Oo. And galing ako sa dalawang movies, yung Seduction tsaka My Lady Boss tsaka Extra Challenge, so nagpahinga muna ako.”

SARAH IN SWITZERLAND. Nagbakasyon si Richard ng sampung araw sa Switzerland kung saan naroroon ang girlfriend niyang si Sarah Lahbati.

“Oo, bago magsimula yung Love & Lies,” pakumpirma niya.

Pagkatapos ng taping ng Love & Lies, babalik ba siya ulit sa Switzerland?

“Tingnan natin!” at natawa si Richard.

Stable pa rin ba ang kanyang lovelife?

“Okay naman, okay naman... steady. Okay lang, masaya naman.”

Kahit long-distance?

“Busy din naman ako dito."

Kumusta na si Sarah?

“Okay naman. She’s good!”

Nami-miss na raw ni Sarah ang showbiz, ayon na rin sa tweets ng StarStruck alumna.

“Oo,” sabi ni Richard.

Masaya ba sila ni Sarah?

“Stable naman ako sa department na yun sa buhay ko," tugon niya.

Twenty-nine years old si Richard ngayon, wala ba siyang ideal age para mag-asawa?

“Wala akong mga ganoon, e.”

Si Sarah na ba ang babaeng papakasalan niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako naman kasi, I won’t be in a relationship if I can’t see myself with that person for the rest of my life.

“Parang ganoon yun, e. Di ba?

“Why would you waste time in a relationship, di ba?”

Sa pagbabalik ni Sarah sa Pilipinas, inamin ni Richard na napag-uusapan nila ito.

Sabi niya, “Gusto ko na siyang bumalik dito.

“Gusto ko na nga siyang bumalik e, pero timing lang, yung the right time lang.”

May balitang siya ang makikipag-usap sa GMA-7 para sa pagbabalik ni Sarah sa pag-aartista sa Kapuso network.

Matatandaang hindi naging maganda ang pag-alis ni Sarah sa Kapuso network dahil inakusahan ng young actress ang kanyang home network, na nauwi naman sa pagsasampa ng kaso.

Sabi ni Richard, “Ngayon nga, wala talaga akong time, e... wala talaga akong time right now.”

Tawa lang ang naging reaksyon ni Richard nang biruin na siya nga mismo ay wala pa ring kasiguruhan kung magpapatuloy bilang Kapuso o lilipat na sa ibang istasyon.

May offer ba ang ibang istasyon sa kanya?

“Hindi ko pa alam, e, hindi ko pa alam,” sabi niya.

Wala pa raw sinasabi sa kanya ang mommy niyang si Annabelle Rama, na siya ring manager niya.

“Wala pang nababanggit sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN