Kris Aquino on running in 2016: "Sa laki ng buwis na ibinabayad ko, may karapatan ako."

Hindi natitinag si Kris Aquino sa mga pakiusap ng ilang sektor na huwag na niyang ituloy ang kanyang balak na tumakbo sa 2016 elections. Sabi niya, “Ang tagal-tagal pa [ng 2016], three years, di nga tayo sure kung buhay pa tayo in three years so huwag muna sila mag-judge.”


Sumabak muli sa kampanya si Kris Aquino kahapon, May 8.

Nagtungo siya sa Iloilo upang ikampanya ang pinsan na si Bam Aquino. Nakasama din nina Kris at Bam ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes.

Ayon sa ulat ng Aksyon, ang primetime newscast ng TV5, pinagkaguluhan ang grupo nina Kris, Bam, at Dingdong nang dumalaw sila sa Iloilo City Hall.

Kasunod nito ang pagkampanya nina Kris at Dingdong kay Bam sa mga barangay captains ng naturang lugar.

VOTE BUYING. Sa isang press conference doon ay sinagot ni Kris ang isyung "vote buying."

Naging isyu kasi ang pagbibigay ni Kris ng isang libong piso sa isang rent-a-car driver na nasakyan niya sa Cebu nang malaman niyang iboboto nito ang mga iniendorso niyang sina Chiz Escudero, Grace Poe, at Bam Aquino. Hindi na kinuha ni Kris ang sukli sa isang libong piso na iniabot niya bilang bayad sa kanyang pagsakay.

Sabi ni Kris tungkol sa isyu, “Yung mga taong naninira na ’yan, wala nang magawa sa buhay nila. They were so inggit kasi hindi ko sila kinakampanya, sorry.”

Ipinagtanggol naman ni Bam ang pinsan sa pagsasabing generous lang daw si Kris at mahilig mag-tip at bakit daw ginawan pa ito ng malisya.

Samantala, naglabas ng resolusyon ang Commission on Elections (Comelec) noong May 7 na magkakaroon ng "money ban."

Sa "money ban" ay hindi maaaring mag-withdraw ng higit sa P100,000 mula sa mga bangko at iba pang financial institutions mula May 8 hanggang matapos ang eleksiyon. Ipinagbabawal din ng Comelec ang “possession, transportation and/or carrying” ng higit sa P500,000 na cash.

Ito ay para raw masawata ang "vote buying" ngayong eleksiyon.



Komento ni Kris dito, “Buti na lang nagpa-withdraw ako or else kawawa yung mga tauhan ko. Pero ang hirap niyan, ha, sana nagbigay sila ng warning ahead of time. Yun lang.”

KRIS IN 2016. Nagbigay rin ulit ng pahayag si Kris tungkol sa plano nitong pagtakbo sa 2016.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Unlike PNoy [President Noynoy Aquino, her brother] who went straight to Congress, I really like to try to follow my dad’s [the late Benigno "Ninoy" Aquino] footsteps, and be a mayor.

"Naghahanap pa ako ng city, inulit ko na ’yan, and sinabi ko na I can’t run in Makati where I’m a voter kasi hindi ko sila [the Binays] kayang talunin.”

Wala naman daw pakialam si Kris kahit na pinakiusapan siya ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) at iba pang grupo na huwag nang tumakbo.

Matatandaang nagbigay ng statement ang isang may katungkulan ng CBCP na sana raw ay huwag nang tumakbo si Kris para mapanitili nito ang integridad ng kanilang pamilya.

Ayon kay executive secretary Fr. Melvin Castro ng CBCP-Episcopal Commission on Family and Life, “Without prejudging her intentions and capability, however, I do believe simple delicadeza dictates that the family carrying the surname that was catapulted into power by a political revolution should set an example of not perpetuating themselves in power.”

Dagdag pa nito, “The Aquinos should be the first ones not to create a political dynasty.”

Natatawang sabi naman ni Kris, “Okey. Deadmabels [deadma]!

"Sa laki ng buwis na ibinabayad ko, may karapatan ako.”

May mga nag-alok na raw kay Kris na sa Tarlac City tumakbo, pero pinag-iisipan pa raw niya ito.

MAYORAL TRAINING IN DAVAO AND ILOILO. Samantala, sa ulat naman ng abs-cbnnews.com kahapon, sinabi ni Kris na huwag muna daw siyang husgahan.

Dagdag pa niyang tugon sa mga mga nakiusap sa kanyang huwag tumakbo, “Ang tagal-tagal pa [ng 2016], three years, di nga tayo sure kung buhay pa tayo in three years so huwag muna sila mag-judge.”

Sa ngayon daw, pinaplano na ni Kris ang paghingi ng tulong mula sa local officials na posibleng mag-train sa kanya tungkol sa government service.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad pa niya, “After making ikot, I’ve seen bonggang cities. In particular, tumatak sa akin ang Davao City and Iloilo City. Naramdaman ko that I would like OJT, on-the-job training with those mayors.

"Vinolunteer ko sarili ko talaga kay [Davao City Vice] Mayor [Rodrigo] Duterte at kay [Iloilo City] Mayor Jed [Mabilog] ng Iloilo.

"Sinabi ko, ’Kung puwede, mag-two weeks, two weeks sa inyo para naman makita ko talaga kung kaya ko.’

"So I will try that kasi parang kailangan kong makita kung kaya ko and [see if] I have what it takes to become a public servant.”

SIX WEEKS WITH JOSH AND BIMBY. Pagkatapos ng eleksyon, magbabakasyon muna raw si Kris kasama ang mga anak na sina Josh at Bimby. Isasabay na rin daw niya ang pagpapagamot sa panganay.

“I’m taking a break... kapag nagbabakasyon si Bimby kasi, ang bakasyon niya starts June until August.

"I’m taking Josh for some treatment at mayroon kaming test na gagawin in July at nag-promise ako sa anak ko ng six weeks na diretso na kami lang, just three of us traveling around... priority is the check-up of Josh."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN