Bam Aquino says being related to PNoy has its advantages and disadvantages

Bam Aquino on being a cousin to PNoy: “Advantage siya because he’s quite popular, he’s doing a good job. Siyempre, naa-appreciate rin ng tao. Malaking bagay yun, hindi lang para sa akin, kung hindi para sa aming lahat. Disadvantage siya dahil yung kaaway ng Presidente, kaaway ko na rin."


Maraming senatorial candidates ang sinusuportahan at binibigyan ng Regal matriarch na si Lily Monteverde ng press conference para makaharap at makausap ng entertainment press.

Isa na rito si Bam Aquino na tumatakbong senador for the first time.

Tulad ng ibang senador na binigyan ng pa-press conference ni Mother Lily, lubos din ang naging pasasalamat ni Bam sa film producer.

Saad ni Bam, “Thank you so much for this endorsement. It means so much to me. It means so much to us.

“Alam ninyo po, si Mother Lily is a treasure ng ating bayan. Not just a leader of our own industry but a treasure in our country.

"Kaya Mother Lily, thank you so much for this endorsement, it means so much.

“At kayo po, bilang isang ehemplo sa aming kabataan, isang leader hindi lamang ng ating industriya kung hindi isang mabuting tao na lumalaban for decades already, you continue to be an inspiration para po sa amin na gustong lumaban.

“Thank you so much from the bottom of my heart.”



INSPIRED SPIRIT. Dahil sa araw-araw na pangangampanya ng mga kandidato sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas, at laging nasa ilalim ng sikat ng araw, natural lamang na pagod sila.

Pero may nakapansin na si Bam daw, kahit ilang araw na lamang ang eleksiyon, maganda pa rin daw ang aura nito at hindi naman umitim.

Sabi dito ng senatorial candidate, “Sa totoo lang po, tanned na po ako ng lagay na ito at, sa totoo lang po, it’s really a lot of time management.

“And if I’m not mistaken, si Risa [Hontiveros] po at ako, kami na po sigurong dalawa ang masisipag talaga na mag-ikot.

“Palagi po kaming magkasama sa iba’t ibang lugar.

"I think, kailangan lang talaga na yung spirit mo, talagang nai-inspire ka palagi.

"At kung inspirado kang mangampanya, inspirado ka sa mga kababayan natin, hindi ka ho talaga magkakasakit, hindi ka magkakasakit at tuluy-tuloy talaga ang kasiyahan at energy, mula sa puso.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pangangampanya nila sa iba’t ibang panig ng Pilipinas, marami raw silang naobserbahan at natutunan.

Ayon kay Bam, “Alam ninyo po, before running for the election, ang trabaho ko ho talaga, sa mahihirap na komunidad kasama ang mga micro-finance organizations and NGOs.

"Going into it, alam ko naman talaga na maraming isyu sa Pilipinas; maraming pangangailangan pagdating sa livelihood, trabaho, negosyo... marami na ho ‘yan, given na po ‘yan.

“Again, going back to what I said earlier, nakaka-inspire ang mga Filipino.

"Every place you go, may makikilala ka. Either a local government leader na todo, tumutulong sa kanyang constituency. Isang NGO leader na lahat ginagawa para sa taong-bayan or organization na tumutulong para sa kanyang communities.

"On the other side, yes, maraming problema, pero maraming Filipino na hindi lang naghihintay ng solusyon kung hindi sila mismo, gumagawa ng solusyon.

“So, hindi ho totoo na ang mga Filipino, naghihintay lang ng gagawin ng iba para sa kanila.

"Sa totoo lang, napakaraming Filipino na handang magbigay ng kanyang sarili, talento, at tuluy-tuloy ang pagpupursige para sa bayan.

"Naisip ko nga po kung tayong lahat lang ay magtutulungan, lahat ng mabubuting Filipino, nagsasama-sama lang po, what greatness can it bring to our country—of course, with the leadership of PNoy [President Noynoy Aquino].

“Para ho sa akin, that just keeps me going.

"Kumbaga nga po, 78 days from the campaign, sabi nila, fresh na fresh pa rin ako.

"Four or five provinces po ang napupuntahan namin every day but at the end of the day, when you remember all of the great people na nakilala mo, lahat ng mga organization na tumutulong, parang fresh na fresh ka talaga dahil paggising mo ng umaga, ready ka na naman ma-meet ang mga mabubuting tao sa bayan.”



EXTENDED HONEYMOON. Palagi ring kasama ni Bam sa mga kampanya ang misis niyang si Fatima “Timi” Gomez-Aquino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado ang dalawa na parang extension ng honeymoon nila ang ginagawang kampanya dahil pitong buwan pa lang silang kasal.

Sabi ni Bam, “Itong 90 days po, honeymoon po namin ito.

"Sabi nga nila, wala pa kaming honeymoon.

"Pero itong 90 days, honeymoon period namin, also known as campaign 2013 all over the country.

“Pero actually, magkaiba po ang lakad namin ni Timi.

"She was in Quezon today with the President. I was having a meeting today in Metro Manila at magti-text na lang po kami, ’See you in Dumaguete’ or ’See you in GenSan.’

"Kapag nag-intersect na po ang schedule namin... it’s a special night na nandito kami pareho sa Metro Manila.”

Nasa honeymoon stage pa rin ba sila?

“At sana, hindi na matapos ang honeymoon stage namin,” nakangiti niyang sabi.

Naitanong naman kay Bam kung hindi ba nito pinangarap na maging artista. May napansin kasi na makinis naman daw.

Natatawang biro naman ni Bam sa mga kasamahan niya: “Guys, ilagay sa resume, makinis.”

Pero ayon kay Bam, “Actually, to be very frank, nag-host po tayo.

"We hosted few TV shows but, as you know, iba po ang host sa pagiging artista.

"And I think, yung talento po natin at kagustuhan po natin was really in hosting.

“I spent a few years handling YSpeak, Breakfast, and then later on nagkaroon po tayo ng transition sa mga entrepreneur shows, like Go Negosyo of GMA TV.

"I think that would always be part of my life.

“If I win and there’s an opportunity to host a TV show and talk to people directly, ako po, gugustuhin ko yun.

"Pero yung umarte at mag-artista, hindi po talaga. Hindi ko ho kaya.

"Hindi ko siya pinangarap kahit konti po.”



COUSIN KRIS. Si Bam ay pinsang-buo ni Pangulong Noynoy Aquino at ng TV host-actress na si Kris Aquino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong si Bam kung naaapektuhan din ba siya sa mga isyu kay Kris.

Tugon niya, “Siyempre, siyempre po.

"Sometimes, unfair talaga ang ibang batikos sa kanya. Being the Queen of All Media, siyempre she’s a target for many people.

"Siyempre, masakit yun. Pinsan mo yun at kapag binabatikos, masakit, di ba?

“But I understand, she just wants to have time with her family and, I think, we should respect that at ibigay na natin sa kanya ang konting oras na hinihingi niya for her family.”


ADVANTAGES AND DISADVANTAGES. Advantage o disadvantage ba sa pagtakbo ni Bam na pinsan niya si PNoy?

“Both,” sagot niya.

“Advantage siya because he’s quite popular, he’s doing a good job. Siyempre, naa-appreciate rin ng tao.

"Malaking bagay yun, hindi lang para sa akin, kung hindi para sa aming lahat.

"Disadvantage siya dahil yung kaaway ng Presidente, kaaway ko na rin.

“At lahat ng mga taong galit sa kanya, galit na rin sa akin.

“There are times nga, even sa media, they write siguro unflattering things at sasabihin ko, ’Hindi ko naman kilala ang taong ito, bakit siya galit sa akin?’

“Yun pala, galit siya kay PNoy, so it goes with the territory, tanggap ko na yun.

“But to be frank and to be honest, with his performance, it’s definitely a big advantage—especially for all of us sa Team PNoy slate.”


ON HIS MOTHER AND GRANDMOTHERS. Sa Linggo, May 12, isang araw bago ang eleksyon ay Mother’s Day na.

Paano masasabi ni Bam na dakila ang isang Filipino mother at sino ang mga nanay na hinahangaan niya bukod sa kanyang ina?

Sagot niya, “Alam ninyo po, ang trabaho po natin sa mga micro-finance at mahihirap na komunidad, that mostly with nanay.

"Ito ang nakita kong communality sa kanila, pagdating po talaga sa mga nanay, lahat ibinibigay sa pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I see this with my own eyes. It’s my experience na kung may tulong na ibinibigay sa isang kababaihan, more often than not, yung tulong na ‘yan, diretso ‘yan sa kanyang mga anak at sa kanyang asawa.

“And any type that you give to the woman, malaking percent ‘yan napupunta sa mga anak.

"Sa palagay ko, hindi lang naman sa mga Filipino mothers but all mothers in the world, yung kagustuhan nilang makatulong sa pamilya, nandiyan po talaga and that’s something that makes them so great and commendable.

“Pagdating po sa akin, I have to admit, I am very close to my mom.

"Every day, kasama ng mga kuya ko, nandiyan din siya, nangangampanya. Lahat ng palengke sa NCR… nasa Bulacan sila ngayon and sometimes, kapag nagpapakilala siya, ’Ako po ang nanay ni Bam.’

“Tapos sasabihin niya, ’Ako po ang nanay ni Bam.’

"Sasabihin ng mga taga-palengke, ‘Naku po, Ma’am, bakit ka po nangangampanya, mainit dito?’

"Pero every day, she does that. Yun talaga ang pagmamahal niya.

"Malaking bagay ho talaga ang suporta ng mommy ko, cousins ko, marami sila diyan, mga kamag-anak ko.

"Laking suporta ho talaga ng mothers.”

Dugtong din niya, “But when it comes to other mothers, there are two that comes to my mind—yung lola ko, si Lola Aurora at si Lola Vicky.

“Si Lola Aurora po, ang nanay ng nanay ko, she was a teacher.

"Ang mother side ko po kasi, taga-Davao po kami at yung lola ko, siya po ang nagturo sa akin na magtalumpati when I was young.

"Kaya po kapag sinasabi nila na, ’Bam, sanay na sanay kang magsalita,’ that’s because of my Lola Vicky.

"When I was young, Filipino teacher siya, siya po ang nagturo na diretso tayong managalog.

“And of course, Lola Aurora, the lola of PNoy, mother of Tito Ninoy, siya po ay napakatapang na babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siya po ang nagsabi nang mabaril si Tito Ninoy na huwag ayusin ang mukha niya at sabi niya, ‘Let the world see what they did to my son.’

“And of course, during that funeral, noong makita ng mga tao ang bullet wound sa mukha ni Tito Ninoy, lumabas po ang tapang at galit ng napakaraming Filipino.

"She was a very strong woman and noong panahon po noong ’80s, noong nagpoprotesta pa tayo at kakamatay lang ni Tito Ninoy, kadalasan, kaming dalawa ang magkasama.

“Lola at apo at nag-iikot po kami sa maraming lugar.

"That was very special moment of my life and those two mothers po and, of course, my mom na napakalaking bagay sa buhay ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN