Final SWS survey reveals 9 senatoriables from Team PNoy and 3 from UNA among Top 12

Clockwise: (From left) Grace Poe jumps to 5th place from 10-11th place; Richard Gordon in 17th; Bam Aquino falls to 9th from 6th place; Koko Pimentel ties with Cynthia Villar in 4th-5th place; Jun Magsaysay in 14th-15th place; and Bro. Eddie Villanueva is in 20th place.


Siyam na kandidato mula sa administration party, ang Team PNoy, at tatlo mula sa United Nationalist Coalition (UNA) ang pasok sa Magic 12 ng Senate race this year.

Ito ay ayon sa final pre-election suvey ng Social Weather Stations (SWS) at BusinesWorld na isinagawa nila noong May 1 to 2, 2013 sa 2,400 registered voters sa buong bansa.

Nananatiling matatag sa una at ikalawang puwesto sina Loren Legarda (Team PNoy) at Alan Peter Cayetano (Team PNoy), ayon sa pagkakasunod.

Nakakuha ng 57 percent of voting preferences si Legarda, samantang si Cayetano naman ay 50 percent.

Nag-tie sa third to fourth place sina Nancy Binay (UNA) at Chiz Escudero (Team PNoy) with 48 percent voting preferences. Umakyat ng isang baitang si Escudero na nasa fifth spot noong nakaraang SWS survey.

Nasa ikalimang puwesto naman si Grace Poe (Team PNoy) with 45 percent of the voting preferences. Noong nakaraang SWS survey ay nasa 10th-11thplace si Grace.

Nasa 6th-7th place naman sina Cynthia Villar (Team PNoy) at Aquilino “Koko” Pimentel III (Team PNoy), na parehong may 44 percent voting preferences.

Bumaba ng tinatayang dalawang baitang si Villar na noong nakaraang survey ay nasa third to fourth place at ka-tie si Binay.

Bumaba rin ng tatlong baitang ang first-time senatorial candidate na si Bam Aquino (Team PNoy) na mula sixthplace noong nakaraang survey ay nasa ninth place ngayon, at may 41 percent voting preferences.

Sina Sonny Angara (Team PNoy) at Antonio Trillanes IV (UNA) naman ay nasa 10th-11thplace with 38 percent voting preferences.

Nasa 12thplace naman si Gringo Honasan (Team PNoy) with 37percent voting preferences.

Si Jack Enrile (UNA) ay nasa 13thplace with 35 percent, na sinusundan nina Ramon Magsaysay Jr. (Team PNoy) at Migz Zubiri (UNA) sa 14th-15thplace with 33 percent.

Nasa 16thplace si Risa Hontiveros (Team PNoy) with 29 percent, Richard Gordon (UNA) sa 17thplace with 27 percent, at Jamby Madrigral (Team PNoy) sa 18thplace with 25 percent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Narito ang ranking ng iba pang mga kandidato:

19 - Edward Hagedorn

20 - Bro. Eddie Villanueva - 20

21 - Ernesto Maceda

22 - Mitos Magsaysay

23- Tingting Cojuangco

24 - Teddy Casiño

25 - Ramon Montaño

26-28 - John Carlos delos Reyes

26-28 - Samson Alcantara

26-28 - Rizalito David

29-32 - Ricardo Penson

29-32 - Baldomero Falcone

29-32 - Marwil Llasos

29-32 - Greco Belgica

33 - Christian Señeres


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN