Eula Caballero brushes off favoritism issue among Kapatid stars: “Well, I guess, pana-panahon lang.”

Hindi malayong sumabak sa sexy pictorial balang araw si Eula Caballero. Sabi niya, “Siguro, pag ready na ako physically. Ayoko namang i-humiliate ang sarili ko at ipakita ang wala namang dapat ipakita.”


Sa pag-ere ng action-fantaserye ng TV5 na Cassandra: Warrior Angel, lalong nasalang sa mga isyu ang bida nitong si Eula Caballero.

Naiintriga siya ngayon na paborito raw ng TV5 dahil hindi siya nawawalan ng malalaking projects na kinaiinggitan naman daw ng mga kapwa niya prinsesa sa network.

Pero sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Eula, sinabi niyang hindi niya alam kung bakit siya nabibigyan ng sunud-sunod na projects.

Saad niya, “Honestly, hindi ko po alam.

"And I think, whatever support I got from them [TV5], nakukuha rin yun ng iba.

“A lot of people have been asking me… there’s this issue of being the favorite… well, I guess, pana-panahon lang.

“Because I also waited for this and it did not come naman right after Star Factor. I waited for two or three years.

"And I think naman, during that long wait, meron ding time na napunta rin sa iba itong spotlight na ito.

“And whoever is in this spotlight just has to save for the moment and work harder so that ma-maintain yun.

“And I think that’s what we all did, and what I did—I worked hard for it.

“And now, TV5 is giving me for this opportunity of a lifetime, I’ll work even harder.”



COINCIDENCE. Pati raw si Alex Gonzaga ay nabawasan ng mga projects dahil ang iba sa mga ito ay napupunta kay Eula. Parang nag-focus daw ang network kay Eula kaysa kay Alex na mas naunang naging contract star ng istasyon.

Ito raw ang dahilan kaya bumalik sa ABS-CBN si Alex.

Matamang nag-isip muna si Eula at saka nagsalita.

Aniya, “I really have no idea of this issue. Pero siguro, ang masasabi ko, it’s the decision of the network.

“They have considered also a certain... stuff or mga bagay-bagay sa akin and with Ate Alex also.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don’t know, baka nagkataon lang siguro na this time was given to me…

“She had her spotlight before and maybe lay low muna or maybe she asked for a vacation, we couldn’t tell what really happened.

“Pero I guess there was no issue of choosing me over her.”

Hindi kaya na-insecure sa kanya si Alex?

“I don’t know, she has so much… ang daming meron siya na wala ako. And dami na rin niyang na-enjoy.

“Knowing her, she’s a very generous person and she’s happy with someone na talagang nagiging masaya sa mga nakakamit niya.

“And even during the time na nagkatrabaho kami sa Enchanted Garden, tinutulungan niya kaming lahat.

“Nagbigay pa siya ng regalo noong Christmas… she’s generous.

"I couldn’t say na she’s the type of person na mai-insecure over someone’s success.”



NOT GUILTY. Maging si Danita Paner na isa ring prinsesa ng TV5 ay bihira nang nakakagawa ng projects sa network.

Nakakaramdam ba si Eula ng guilt sa mga ganitong ipinupukol na isyu sa kanya?

Sagot niya, “Not guilty, because I did not do anything personal that would affect their career or the flow of their career.

“Siguro po, it’s a personal choice of whoever is up there, kung sino talaga ang nasusunod sa management.

“And I’m sad that I don’t get to see them anymore sa mga events ng TV[5].

“So, Ate Alex and Ate Dan are very good friends of mine.

“I think, whatever is with the network and them, I don’t think it involves me.

“Siguro nagkataon din lang na may ibinigay sa akin at nagkataon lang na nangyari yung nangyayari ngayon.”



HOMEGROWN. Hindi ba siya nawalan ng project sa TV5?

“Opo, that’s really true," pag-amin ni Eula.

"I’m very thankful to TV5’s generosity and I was there the whole time and my career is moving somewhere.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, I think I was very well taken care of.”

May kinalaman ba ang pagiging homegrown talent ni Eula kung bakit siya inaalagaan nang husto ng network?

“Siguro that’s one, I would say na siguro nga po.

“Pero wala naman po silang sinabi sa akin na, ‘Eula, since you’re our homegrown… one of our first homegrown talents, ibibigay namin sa iyo.’

“Si Sir Perci [Intalan, entertainment head ng TV5] really told me na, ‘Kasi, mabait naman ‘yan si Eula… laging sumusunod. Basta ikaw, lagi ka lang mabait, ha?’

"Pabiro, pero alam mong dapat ko ngang tandaan yun.

“I always listen naman sa kanila and I consider their advices and whatever they say about the issues I’m into.

“Ganoon po, sumusunod lang po ako sa kung ano yung makakabuti sa amin.”



FRUSTRATED. Bukod kina Alex at Danita, isa pang iniintriga dahil kay Eula ay si Ritz Azul, isa sa runners-up ng Star Factor.

Ayon sa ulat, napu-frustrate daw si Ritz sa kanyang career kaya ibinaling nito ang sarili sa pagkain na ang naging ending ay tumaba ito.

Sabi-sabing kinainggitan nito si Eula dahil sunud-sunod ang buildup ng network dito kumpara kay Ritz.

Natawa si Eula nang mabanggit uli ang pangalan niya sa issue kay Ritz.

“Ako na naman?!” gulat niyang sabi.

“Let’s not talk anymore about having no projects.

“Siguro lang… for example lang, let’s say lahat kami may projects, of course, you would ask yourself na, ‘Ang laki ng proyekto niya, wish I could have that.’

“Lahat kami, nakakaramdam ng ganyan pag may isa talagang nabibigyan ng magagandang projects.

“Honestly, naramdaman ko ‘yan noong sina Ritz, sila Ate Arci [Muñoz], si Ate Dan [Danita].

“Ang ganda ng project ni Ate Dan sa Isang Dakot Na Luha.

“Kasi, I wanted to do something like that na drama, tapos kasama pa niya, sobrang magagaling na mga artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And then, si Ritz also, meron siyang Nagbabagang Bulaklak na parang, ‘Wow, naunahan na ako ni Ritz! Sana ako rin.’

“Of course, they would also do things like that na you would wish to be in the same spotlight kung saan nandoon yung mga kasama mo.

“Pero siguro, kahit magpalit-palit man ng spotlight, umiikot lang yun, mabibigyan ka rin ng spotlight.”



SEXY PICTORIAL. Tungkol naman sa pagpapa-sexy, partikular na ang pagpu-pose sa FHM gaya ng ginawa ni Ritz, hindi pa masabi ni Eula kung kailan siya papayag.

“Siguro, pag ready na ako physically.

"Ayoko namang i-humiliate ang sarili ko at ipakita ang wala namang dapat ipakita.

"Siguro when I’m physically ready for it and kapag ready na rin talaga ako.”



LEADING MEN. Isa-isa namang inilarawan ni Eula ang kanyang leading men sa Cassandra na sina Victor Silayan, Albie Casiño, at JC de Vera.

Sabi niya, “Si Victor is very easy to work with… he’s one of my best friends sa mga lalaki sa TV5.

“We go out a lot and kilala namin ang isa’t isa, kung hanggang saan lang yung pagiging kumportable ng isa’t isa.

“So, we know very well kung hanggang saan lang yung puwede naming ibigay sa eksena considering the other person.

“And with Albie naman, we are getting to know each other even more, pero it’s easy for us, kasi he gives something din.

“Siyempre, at first understandable naman na he’s shy kasi nga bagong salta siya sa network.

“And I appreciate that now after naming mag-Cebu, na medyo nagkakakilanlan kami doon.

“So, medyo mas comfortable siyang kasama and easy to mingle with—we’re taking it slowly.

“And with JC naman, matagal na kaming nagkakasama and we’re very comfortable na rin sa isa’t isa.

“Si JC kasi, he’s very intelligent, very smart—he knows what to do sa isang scene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At pag kaeksena ko siya, alam ko kung saan papunta yung eksena and nowhere to go but up, because he knows how.”



ON ALBIE CASIÑO. Sa pagkakaalam namin, nagkaroon ng problema si Eula kay Albie sa workshop nila bago magsimula ang taping ng Cassandra.

Inirereklamo niya ang dating Kapamilya actor dahil hindi ito nagbibigay ng motivation sa kanilang eksena.

Sabi ni Eula, “Well, sa workshop… at first, may hesitations pa siya.

“Of course, we all know na pag sa workshop, merong hinihingi yung workshop master…

“Especially this reluctancy exercise at sasabihin mo yung mga… let’s say ang utos sa iyo, ‘Pick a partner.’

“Sasabihin ng workshop master, ‘O, kayo, Eula and Albie.’

“So, ako, bilang kakakilala lang niya sa akin, kahit siguro sinong tao, hindi porke nasa workshop ka, ibibigay mo na lahat ng sikreto mo. Of course, you wouldn’t do that.

"So, I understand, and as I’ve said, I appreciate na talagang in-overcome niya yung hiya niya.

“Kasi, inamin naman niya sa workshop na he’s a very shy guy.

“At sa umpisa, kapag napapahalo siya sa isang environment na hindi niya nakasayanan, nahihiya siya talaga.

“And I appreciate na ngayon ay siya mismo ang nagbibigay ng effort to go out of the box… go out of his comfort zone para mas makilala lahat ng nasa Kapatid network.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN