Kris Aquino wishes her endorsed senatorial candidates to make it to Top 12

Kris Aquino is not sure how her endorsement of some senatorial candidates will affect the voters’ decisions come May 13. However, she says, “At the end of the day, pine-pray ko lang talaga na lahat ng ikinampanya ko ay pumasok sa Magic 12 or else masisira ang aking napakagandang track record.”


Gaya ng ginawa niya para sa kapatid na si Presidente Benigno “PNoy” Aquino III, sunud-sunod din ang naging pangangampanya ni Kris Aquino para sa kanyang pinsan at senatorial candidate na si Bam Aquino at iba pang kandidato ng Liberal Party.

Kahapon ng umaga, May 8, ay nagtungo si Kris sa Naga, kasama ang isa pang kilalang Liberal Party endorser na si Dingdong Dantes.

Kinagabihan naman ay nagtungo ang TV host sa Lipa, Batangas para sa “Rock the Vote” event.

Bukod kay Kris ay dinaluhan din ito ng ilang mga kilalang music artists tulad nina Jim Paredes, Christian Bautista, Noel Cabangon, Cookie Chua, at Ebe Dancel.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media, sinabi ni Kris na “very meaningful” ang uri ng programa tulad ng “Rock the Vote.

“Kasi, ito ‘yong ginawa ko in the last stretch of the campaign with Senator Kiko [Pangilinan] for PNoy.

“Noong time na ‘yon, it was effective.

“I’m so touched for Bam na all these artists volunteered for him kasi ‘yon ang may meaning, e.

“Kusang binigay talaga ng mga sikat na singers, who could command hundreds of thousands for a concert.

“But they did it because naniniwala sila kay Bam, kaya thank you.”

Bukod sa Naga at Batangas, nagtungo rin si Kris sa Davao City, Iloilo City, Cebu City, at Ormoc City.

MAGIC 12. Bagamat kilalang celebrity si Kris, inamin niyang hindi pa rin siya nakakasiguro sa magiging epekto ng kanyang pag-e-endorso sa mga napiling kandidato pagdating ng halalan sa May 13.

Para sa kanya, “You know, essentially from what I’ve learned talaga, it boils down to organizations and barangay captains, the crowds are there.

“Bam kept thanking me kanina kasi parang sumabog daw talaga ang mga tao.

“Pero sabi ko, ‘Bam, at the end of the day talaga, grassroots support ‘yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“An artista can only do so much. Nandiyan sa organization at sa pakikisama mo sa lahat ng mga barangay captains.”

Gayunman, umaasa pa rin si Kris na pumasok sa Top 12 ang mga senatorial candidate na kanyang iniendorso—kabilang na rito sina Grace Poe at ang re-electionist na Senator Francis “Chiz” Escudero.

Aniya, “At the end of the day, pine-pray ko lang talaga na lahat ng ikinampanya ko ay pumasok sa Magic 12, or else masisira ang aking napakagandang track record.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN