Bam Aquino “quite happy” with final result of pre-election surveys

Bam Aquino does not let any negative emotion affect his senatorial campaign. Instead, he keeps his focus on their mission and campaign strategy before the election. H says, “Talagang ginagawa namin ang lahat para mangampanya very strong up to the last day.”

Bam was pictured here with his wife Mary Fatima “Timi” Gomez-Aquino during the Batangas leg of "Rock the Vote" last Wednesday, May 8.


Iniiwasan ni Bam Aquino ang maging kampante kahit na pasok na ang pangalan niya sa Top 10 senatorial candidates sa final result ng ilang reputable pre-election surveys.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media kay Bam sa Batangas leg ng “Rock the Vote” kagabi, May 8, sinabi niya na, “We’re quite happy with [the final result].”

Base sa final pre-election surveys ng Social Weather Stations at Businessworld, nasa ika-siyam ang pinsan ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino.

(CLICK HERE to read related article.)

“Coming from 24, just being in the Top 10 is already a big accomplishment,” sabi ni Bam.

“So, tuwang-tuwa kami sa mga numerong ito. We’re quite happy na umabot tayo sa Top 10. Sa final survey nasa Top 10 tayo.

“’Yong unang survey niyan nasa number 24 tayo.

“So, I think it’s a definite accomplishment kapag umabot ka from 24 to 10.”

Kahit mataas ang ranking niya sa pre-election survey, ayaw namang pakasiguro ni Bam.

Aniya, “Pero siyempre, kahit lumabas na ’yan, tuluy-tuloy pa rin.

“As you can see, tuluy-tuloy pa rin po ang pangangampanya natin, tuluy-tuloy pa rin ang pag-iikot, and hindi kami titigil sa pagpupursige hanggang sa final day of campaign.”

Dahil ilang araw na lang ay eleksyon na, tinanong rin ng media si Bam kung nakararamdam siya ng kaba.

Ang sagot niya, “Sa totoo lang today, I’m a little tired kasi napakaraming lugar ang pinuntahan namin.

“At saka high energy all the way kasi kasama namin si Ate Kris at si Dingdong [Dantes] rin kahapon ng umaga.”

Sina Kris at Dingdong ay magkasamang nangampanya para kay Bam at iba pang kandidato ng Liberal Party sa Naga City noong Miyerkules, May 8.

Sabi ni Bam, ayaw na muna niyang magpaapekto sa anumang negatibong emosyon.

“Sa totoo lang, right now we’re just really focused on the next few days of campaign.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi kami nagpapa-affect sa ganyang klaseng emosyon.

“We have a mission, a strategy... talagang ginagawa namin ang lahat para mangampanya very strong up to the last day.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN