PEPtalk. Aljur Abrenica says relationship with Kylie Padilla is "going strong" even if conflict in religion is "malaking factor"

Kapuso hunk Aljur Abrenica visits the PEP studio for the Bodies Special episode of PEPtalk. When asked about the secret of his tandem with Kris Bernal, he said, “Siguro, yung hard work, yung hard work namin. Tapos pag nagsasama kami sa screen, yung sincerity namin sa isa’t isa, yung wala kaming itinatagong sikreto, bukas kami.”


Patapos na ang tag-init, ngunit may pahabol pa ang PEPtalk at ito ang Bodies Special episode!

Sa unang bahagi ay nakapanayam nina Rommel Llanes, associate editor ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), at Abby Mendoza, staff writer, ang Kapuso hunk na si Aljur Abrenica.

Nakadagdag nga ba sa init ng panahon ang episode na ito? Narito ang unang bahagi ng kanilang kuwentuhan:

Rommel: Welcome Pepsters sa PEPtalk Bodies Special. At para sa PEPtalk special episode na ‘to, kakaibang guest ang nandito ngayon dahil mainit ang panahon, mainit din ang ating guest… Mr. Aljur Abrenica.


Aljur: "Ayan, binabati ko lahat ng nanonood ngayon sa PEPtalk at mainit nga ngayon dito."

Abby: Damang-dama mo…

Aljur: "Oo nga, nararamdaman ko na, e."

Rommel: Aljur, kasi ang nasabi sa amin, may latest project ka raw ngayon. It’s another AlKris (Aljur-Kris) project. Pangsampu na. Tell us about it.

Aljur: "Itong project po na ‘to is tentative pa lang. Ito nga yung binabanggit po sa amin ni Kris (Bernal) na... sa ating lahat na Prinsesa ng Masa.

“Opo, totoo po yun, bale pangsampung proyekto na po namin ito ni Kris kung sakaling matuloy. Ang sabi po nila sa amin is September po kami magsisimula.”

Ibinahagi rin ni Aljur kung ano nga ba ang meron sa loveteam nila ni Kris at patok na patok ito sa mga manonood.

Rommel: Pero, pangsampung proyekto niyo na ‘to na magkasama tapos solid pa din yung fan base niyo. Ano ba sikreto ng AlKris tandem?

Aljur: "Oo nga, e. Alam mo, madalas kong natatanong sa akin ’yan, e.

"Siguro yung… sa lahat ng pinagdaanan namin ni Kris, siguro yung sikreto na nakikita ko… kasi hindi ako aware, e. Ngayon pa lang, ngayon pa lang. Nung mga nagdaan, hindi ako aware.

“Siguro, yung hard work, yung hard work namin.

"Tapos pag nagsasama kami sa screen, yung sincerity namin sa isa’t isa, yung wala kaming itinatagong sikreto, bukas kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos pag may project, talagang pinagtutuunan namin ng pansin, hard work.

"Siguro pag nagsasama kami sa screen, saka nakikita yung chemistry. Pag pinagsama-sama yun.

"Lalim, ’no?"

Abby: Parang ngayon, mas vocal kayo ngayon sa real life relationships ninyo. Ikaw, with Kylie Padilla, tapos siya (Kris) ngayon, with Carl Guevarra. Hindi ba ito parang maaring makaapekto sa tenth project niyo together?

Rommel: Parang subok na talaga, e.

Aljur: "Hindi naman siguro dahil even before pa naman, e, naging open naman kami before pa sa mga past relationships namin.

“At I think siguro, yung mga tao sa atin, yung mga tagapanood natin, matatalino ’yang mga ’yan, e.

"Ewan ko, ha... Wala akong courage, pero sa palagay ko is understanding naman sila.

“And what’s important naman is yung project na pagtatrabahuhan na what we could offer para mas mapaganda yung... maaliw namin yung mga fans.”

Napag-usapan din ang kanyang relationship with Kylie Padilla at sa ama nitong si Robin Padilla.

Rommel: Nabanggit na yung… si Kylie, nabanggit na yung lovelife mo. E, siyempre, di ba, magkaiba kayo ng religion? Hindi ba nagiging factor yun, nagkakaroon minsan ng pagtatalo sa inyong dalawa pagdating dun?

Aljur: "Ayun. Ipinagpapasalamat ko kasi kahit… totoo yun, totoo. Malaking factor talaga yung religion. Pero ipinagpapasalamat ko, e, maayos po yung relasyon namin at going strong naman."

Abby: Aljur, kunwari dumating sa punto ng relationship ninyo na mag-level up kayo, if you decide to settle down, do you think parang isa sa inyo parang mag-iisip na mag-convert or darating ba sa punto na ganun?

Aljur: "Sa totoo lang, hindi ko alam kasi kung paano yung patakaran niyan, e.

“Ang alam ko lang… hindi ko kasi alam kung puwedeng mag-convert yung babae. Talagang ito na yung pinag-usapan…”

Abby: Go lang.

Aljur: "Ang alam ko lang kasi, yung lalaki lang, yung Kristiyano lang yung puwedeng mag-convert—lalung-lalo na kung babae yung Muslim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So... and yung pagse-settle down naman, sasagutin ko ’yan.

"Siyempre, open naman kami ni Kylie, pinag-uusapan namin yung mga ganyang bagay.”

Rommel: Yun, oh!

Aljur: "Hindi pa. Malayo pa."

Rommel: Pero napag-uusapan?

Aljur: "Napag-uusapan, siyempre dahil nga Muslim nga sila.

“Pero malayo pa dahil si Kylie din ang nagsasabi at nakikita ko sa kanya, ang dami niya pang pangarap, e. Alam ninyo yun, ang dami niya pang gustong maabot.

“Alam naman po natin pag nag-settle down, isa yun sa magiging hadlang.

“Bilang boyfriend ni Kylie, gusto ko matupad lahat ng pangarap niya bago kami dumating sa… kung dumating man kami sa stage na yun.”

Abangan ang Part 2 ng panayam ng PEPtalk kay Aljur kung saan tinalakay ang pakikitungo ni Robin sa kanya at sa estado niya ngayon bilang isa sa top leading men ng Kapuso network...


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN