Richard Gordon on Red Cross volunteers Anne Curtis, Angel Locsin, and Marian Rivera: “Mababait sila, hindi maarte, hindi malalaki ang ulo.”

“Hindi ako natatalo pag tumakbo ako. Ang panalo ba ay yung napanalunan mo? Ang panalo mo yung after six years may report card ka na maganda. Iyon ang panalo!” saad ni Chairman Richard Gordon tungkol sa kanyang kandidatura bilang senador.


Isa sa mga itinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay senatorial candidate Richard “Dick” Gordon ay kung paano niya hahatiin ang oras niya kapag muli siyang nahalal sa May 13 elections.

Siya rin kasi ang kasalukuyang chairman at CEO ng Philippine Red Cross. Nasa ikalawa na niyang termino.

Paano niya kakayanin ang pagiging senador, kung sakali, at ang katungkulan niya sa Red Cross?

Sagot ni Chairman Gordon, “Nagawa ko na ‘yan, e! 2004, e, senador na ako, nagawa ko na ‘yan.

“In fact, lumakas lalo ang Red Cross nung senador na [ako].

“At ngayon, ang Red Cross, may bagong building; ang Red Cross marami nang tents…

“Meron kaming mga water system na puwedeng ilagay pag may disaster, para may malinis na tubig agad.

“Na- modernized ko na yung Red Cross.

“At hindi problema ‘yan, volunteer ako dun, wala akong suweldo, e.”

Kuwento pa ni Chairman Gordon, “Nung araw, naging talent ako ng Procter & Gamble, binayaran ako ng eleven million... yung Safeguard. Ako ang dating ano [endorser] ng Safeguard, e.

“O pagkatapos niyan, ibinigay sa akin yung pera [tseke], ‘Palitan ninyo yung pangalan ko, ilagay ninyo Philippine Red Cross.’”

Buong talent fee daw niya sa naturang product endorsement ay ipinagkaloob niya sa Red Cross.

“Buong amount, buong amount. That was mga 2008-2009.

“Wala, wala kong kinuha kahit singko, wala akong nakukuha sa Red Cross.

“Yumayaman ang Red Cross dahil sa akin, hindi ako yumayaman sa Red Cross.

“Binayaran ako ng lupa, ibinigay ko sa Red Cross, sa Palawan.

“Iyon ay gagawin naming mga training centers—sa Palawan yun.”

CELEBRITY VOLUNTEERS. Hindi siya kumuha ng artistang endorser ngayong eleksyon. Kung may magbo-volunteer raw ay sige, pero hindi siya magbabayad.

Isa sa mga artistang naging volunteer ng Red Cross ay si Marian Rivera.

Kuwento ni Gordon, “Nagugulat si Marian pag andun ako, ibang tao ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mahigpit ako sa relief [goods], ayoko ng bigay nang bigay, ng basta bigay lang.

“Dahil hindi ito charity, ito ay alleviating human suffering. Kaya dapat dahan-dahan ang bigay mo.

“Tapos isinakay ko siya doon sa amphibian, tuwang-tuwa naman siya, lumalakad yung amphibian sa baha.

“Tapos bandang huli, uuwi na siya, binuhat pa namin para makasakay siya sa kotse, binuhat siya nung isang volunteer ko, ayaw pabuhat sa akin dahil delikado siya!” natatawang biro pa niya..

Volunteer din sa Red Cross si Angel Locsin.

“A, kami ni Angel, nag-relief din kami. Si Angel, mabait, gustung-gusto ko ‘yang batang ‘yan.

“Ganun din naman si Marian, pati si Anne Curtis.”

Mga sikat ang mga aktres na volunteers sa Red Cross.

Sabi ni Gordon dito, “E, siyempre Red Cross ‘yan, international ‘yan, e.

“That’s the oldest humanitarian organization in the world—one hundred fifty years old.

“Nag-relief din kami ni Anne.

“Mababait sila, hindi maarte, hindi malalaki ang ulo,” pagtukoy niya kina Marian, Angel at Anne.

“Nag-iingat din ako na baka sabihin ginagamit ko pa sila, ayoko ng ganun.

“Kung magbo-volunteer ka, you give and not count the cost, di ba?”

BIOPIC. Kung gagawing pelikula ang buhay niya, isa man kina Marian, Angel, at Anne ang maging leading lady ay ikatutuwa raw ni Chairman Gordon.

Sino naman ang gaganap bilang siya? Si Dingdong Dantes ba, kung si Marian ang leading lady?

“Ako e hindi ko pa nakikita si Dingdong, pero para, for functionality, dahil magkasama sila, okay na siguro ‘yan, puwede na ‘yan!” tawa niya.

“Pero ako, sa tingin ko, hindi naman kailangang kamukha, e—kailangan magaling umarte.

“Siguro si Christopher de Leon din, later on or si… it’s the acting, it’s not the kamukha.

“Iyon ang mali ng isang sine. Pinipilit maging kamukha pero ang ipinapalabas mo, ang dini-depict mo ay yung values, yung character ng tao.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

AFTER THE ELECTION. Pagkatapos ng eleksyon, ano ang una niyang gagawin sa May 14?

“Magpapahinga ako, dadalhin ko ang pamilya ko, magpi-fishing kami sa Subic, sa Subic lang.

“Magpapasalamat siyempre muna ako sa mga tumulong sa akin and then…

“But you know, I’m just relaxed, at win or lose, okay na sa akin ‘yan.”

Kung hindi man palarin, para sa kanya ay hindi iyon pagkatalo.

“Hindi ako natatalo pag tumakbo ako. Ang panalo ba ay yung napanalunan mo?

“Ang panalo mo yung after six years may report card ka na maganda. Iyon ang panalo!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN