Sid Lucero on getting back on track with his career: “I found myself in a place where I do not want to do anything to compromise the tranquility of my life.”

Punung-puno ng papuri at paghanga si Sid Lucero kay Richard Gutierrez. Lahad niya: “He really has a mind for this industry... for his job. Not just an actor but I think also as a producer and director. I think he can do more than just acting for TV and movies.”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sid Lucero sa taping ng Love & Lies ng GMA-7 sa Antipolo City.

Inisa-isa ni Sid sa amin ang mga kahanga-hangang katangian sa trabaho ng kasamahan niyang Richard Gutierrez sa Love & Lies.

Umpisa ni Sid, “Actually, hindi naman ako na-surprise na ganoon siyang mag-trabaho.

“Actually, medyo na-surprise ako na he’s actually that approachable and that friendly and that well-versed with the industry.

“He really has a mind for this industry... for his job.

“Not just an actor but I think also as a producer and director,” pagpuri ni Sid sa bida ng Love & Lies na si Richard Gutierrez.

“I think he can do more than just acting for TV and movies.

“Feeling ko, at least pag nag-uusap kami nina Paolo [Contis], kasi kaming tatlo ang laging magkakasama, ‘Ang galing, ha?’

“He’s not just knowledgeable, he is impressive especially when they’re talking about the script.

“And we’re talking about how to revise it to make it better, most of the brighter ideas come from him and Direk Mark [Reyes].

“So even pati nga ako, nahuhuli ko ang sarili ko na parang, ‘Ano ba, ito ba gagawin ko, ito na kaya gawin natin?’

“So, I actually seek advice from him most of the time.

“It’s one of the most teamwork-type kind of job atmospheres that I’ve ever had.

“As in it really feels everybody has a hand in these things.”

SEPARATION BLUES. Kamakailan ay nabanggit din ni Sid na gusto niyang makatrabaho muli si Richard.

“Of course I’ve always wanted to work with everybody I’ve worked with.

“Kasi, every time nagkakaroon tayo ng show, para tayong pamilya, e.

“I remember yung pinakauna kong show... noong natapos, iyak talaga ako noon, e.

“And then now, I’ve developed this thing na every time matatapos ang show...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang gusto mong magde-detach ka na, kasi it’s depressing, e—nagkakaroon ng separation anxiety.

“You’ll really miss working with each other, plus siyempre, pag nalaman mo na you’re gonna be working with someone na nakatrabaho mo na before, excited ka, kasi medyo kilala mo na, di ba?

“Kilala ka na, so hindi na takot mag-adlib or anything, alam mo sasaluhin ka.”

MORE SERIOUS. Isa ang Love & Lies sa pinaka-na-enjoy ni Sid na show sa buong career niya.

Samantala, papayag daw si Sid na maging support uli sa next project niya.

“I don’t care. According to Peque Gallaga, there are no small roles, only small actors,” wika niya.

Ngayon ay desidido na si Sid na mag-full blast sa kanyang career.

There was a time na napabalitang laging late sa trabaho si Sid, na umabot pa sa isyung hindi na siya interesadong mag-artista... na madalas raw ay tila depressed o malungkot siya.

Sa ngayon ba ay wala na siyang kalungkutang nadarama?

“Wala, wala—as in... ano ba, happy as it is,” sabay tawa ni Sid.

On the go na siya ulit sa propesyon niya…

“Hopefully, sana, sana. I mean to answer your question about me being happier than I used to be...

“If that’s what it seems to you, I really am.

“Nagkaroon ako ng break, which was, I guess for the best.

“At least, pagkatapos ng break the news of my daughter coming and then work all of a sudden...

“So, like I said before, this is really a wakeup call for me and it’s time to get serious,” pag-amin niya.

BACK TO WORK. Nagdadalang-tao ngayon ang girlfriend ni Sid na si Bea Lao.

Alam naman raw ni Sid na hindi ikinatuwa ng GMA-7 ang pinagdaaan niyang “katamaran.”

“I’m sure some people got disappointed, I don’t know who got disappointed...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But hindi matatanggal sa isip ko yun, na maraming na-disappoint siyempre, of course.”

Is he making up for lost time?

“I wouldn’t call it making up... I’m just doing my job the way I should have been doing it before.”

Gusto ba ni Sid na magbida sa isang soap?

“No, no. For me, a role is the same kahit extra ka or cameo or main character, it’s all the same.

“I don’t dream of being a lead, ’no,” diin niya.

CONSULTATIONS. Maayos din daw ang working relationship nila ng manager niyang si Ricky Gallardo.

Katunayan, hinihingi na nito ang opinyon ni Sid tungkol sa mga offers.

“Of course. Pero since after ten years, hindi na siya nagtatanong, kilala na niya ako.

Alam na raw nito kung ano ang gusto at ayaw ni Sid.

“Pero kung if ever, may ginagawa ako na hindi ko na nagugustuhan, of course I report it to him and then he tells me his side of the story and we meet halfway.

“Or kung may point nga naman talaga ako he does something about it naman.

“So nothing’s changed except that he’s not anymore disapponted in me—mas happy na siya,” at humalakhak si Sid.

Paano niya inayos yun?

“Actually, I have to say I didn’t have to do anything—the world did it for me—the universe kinda just did it for me.

“I found myself in a place where I do not want to do anything to compromise the tranquility of my life,” pagtatapos niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN