Regine Velasquez: "Uso pa ba ang loyalty?"

Marami ang naintriga sa tweets ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez tungkol sa "loyalty." Ngunit kinontra ng singer-actress ang ilang followers niya na nagsabing iiwan na niyang ang GMA-7. Sabi ni Regine, "...please do not put words into my mouth."


Sunud-sunod ang tweets ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa kanyang official twitter account (@reginevalcasid) kagabi, May 10.

Mapapansin kasi na nagkaroon ng biglaang shift ang kanyang tweets mula sa pagiging sweet mommy kay Baby Nate hanggang sa nagtanong na ito tungkol sa loyalty.

“Can’t sleep...... Bothered😣” una munang sabi ni Regine.

Sinundan niya ito ng: “Loyalty hmmmm??”



Isa namang follower ng singer-actress, si Russart Carandang (@IamSanrkyArt), ang nag-reply na kanya namang ni-retweet: “idol hindi na mahalaga ang loyalty pag hindi na maganda ang ibinibigay sayo.”

Pagkatapos nito ay naging sunud-sunod na ang tweets ni Regine:

“Uso pa ba ang loyalty? Pano kung hindi naman loyal sayo at isang impleyado lang ang turing sayo?”

“Well i have to say that im still a loyal person.........”

“Loyal to my God,loyal to my loving husband&boo loyal to my family and friends.”

“Siguro mali ang tanong ko, sa industriyang ito uso pa ba ang loyalty? Well maybe i should not feel so bad.....”

Dalawa naman sa kanyang mga followers ang nag-comment na kanyang sinagot.

Una na rito si Coi Yap (@coi_yap): “it’s ok to check out how green the grass is on the other side of d fence, just don’t burn bridges. You might need to use it.”

Mula naman kay Chino Cudal (‎‏@chinocudal7873h): “so its confirmed that @reginevalcasid will leave GMA???”

Pero tugon ni Regine sa dalawa niyang followers: “NO its NOT 😡.

Sunod pang tweets ni Regine:

“after all trabaho lang walang pesonalan. Kaya lang??? Hay matutulog na lang ako bukas na😄GoodNate😘”

“Thank you for your kind words guys. But if you do not mind, please do not put words into my mouth. I am bothered but not about me...........”

“Im worried about my friends.”

“Thanks again GoodNate.”

Inaakala ng marami na ang tweets na ito ng Asia’s Songbird ay may kinalaman sa nababalitang paglipat ng mister niyang si Ogie Alcasid sa TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa August kasi ay matatapos na ang kontrata ng singer-comedian sa GMA-7, kung saan nakakontrata rin si Regine.

Ngayong taon na rin nakatakdang matapos ang kontrata ni Regine sa GMA-7.

Pansamantala muna siyang nagpaalam sa Sunday musical-variety show na Party Pilipinas dahil kailangan niyang ipahinga ang kanyang boses, habang nawala naman na sa ere ang showbiz talk show niyang H.O.T. TV.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN