Ian de Leon on mom Nora Aunor’s love life: “Basta kung saan siya masaya.”

Ian de Leon on sister Mariel: “Proud ako sa kanya. I mean kasi siyempre prestigious event yung Binibini so bago ka makarating dun ang daming pagdadaanan and nagampanan niya lahat yun, nag-enjoy naman siya dun, e.”


Ang project ni Ian de Leon ngayon ay ang Love & Lies na kasalukuyang napapanood sa GMA-7.

Bukod sa pag-aartista, naging abala rin si Ian sa pagtulong sa kampanya ng ama niyang si Christopher de Leon na tumatakbong congressman sa Batangas.

Sa tanong kung binayaran ba siya ng talent fee ng daddy niya, ang tumatawang sagot ni Ian ay…

“Uy! Confidential na yan, yes or no ang sagot!” bulalas niya.

Bagamat matagal siyang nabakante sa pagkakaroon ng mga TV shows, naging abala si Ian sa kanyang negosyo.

“May business po, yung Inquirer Catalyst Media, ano kami ng IGC, Inquirer Group of Companies

“Yung mga TV sa bus, nag-i-install kami dun tapos open kami ng mga spots for advertising placements,” kuwento ni Ian.

Lahat ng mga bus?

“Hindi naman. Ang partners na namin are Victory Liner, RRCG, soon-to-be St. Rose, at saka JAM Liner.”

Namatay na si Ian sa istorya ng Love & Lies pero nagte-taping pa rin siya.

“Kasi may mga flashback scenes kami.”

Ang manager ni Ian ay si Ms. Malou Choa-Fagar. Napag-alaman naming wala pala siyang kontrata sa GMA-7, at per show ang madalas nilang usapan.

ATE GUY. Kinumusta naman kay Ian ang mommy niya, ang Superstar na si Miss Nora Aunor.

“Hindi pa kami nagkikita lately, alam ko, nandito siya.

“Lately, hindi gaano kadalas [kami magkita] kasi it’s either she’s busy. Pag may shooting siyam like for example yung huli... Nueva Vizcaya.

“Tapos, pag wala naman siyang ginagawa dito kailangan niyang bumalik sa States kasi yung sa greencard nga niya kailangan siyang magpakita at matatakan... para walang sabihin yung immigration, di ba?

Sa katatapos lang na Binibining Pilipinas 2013, isa sa mga kandidata nguni’t hindi pinalad ay ang kapatid ni Ian sa ama na si Mariel de Leon.

At kahit natalo si Mariel…

“Proud ako sa kanya. I mean kasi siyempre prestigious event yung Binibini so bago ka makarating dun ang daming pagdadaanan and nagampanan niya lahat yun, nag- enjoy naman siya dun, e,” pagpuri niya sa kapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May pagkakataon kayang mag-artista rin si Mariel?

“Hopefully, kasi may calibre naman siya para maging artista, di ba?”

Ang isa pa niyang kapatid sa ama na si Gabriel de Leon ay artista na ng Teen Gen sa GMA rin.

WEDDING PLANS. Si Ian ay wala pang asawa at anak.

“Hindi naman ako nagmamadali,” paliwanag niya.

“Mag-aasawa pa lang. Plano ko this year. O puwede ring next year, baka mas maganda next year.”

Sa tanong naman kung anong klaseng kasal ang gusto niya...

“Maganda yung church wedding na grande kasi once in a lifetime.”

Beach wedding ang mommy at daddy niya pero nauwi sa hiwalayan…

“A, ayoko ng beach wedding,” sabay-tawa ni Ian.

“Gusto ko church wedding talaga... maganda church.”

At gusto niya na parehong dadalo sa kasal niya ang mommy at daddy niya.

“A, siyempre!”

Six years na ang relasyon nina Ian at girlfriend niyang si Jennifer Orcine.

POLITICS? Sa tanong naman kung may plano si Ian na sundan ang mga yapak ng ama niya sa pulitika…

“Well, hindi ko masasabi.

“Dati hindi ko naman iniisip na posible na desisyunan ko para pasukin yun ngayon, pero parang feeling ko hindi nalalayo na baka i-consider ko.

“Pero focus muna ako sa business ko, doon muna ako naka-connect.”

Tutal naman raw ay may ilang taon pa siya para mag-isip para sa susunod na eleksyon.

“I don’t know, siguro kung ano ang ibibigay na blessing ni Papa Jesus, di ba?”

Dahil Love & Lies ang show na kinabibilangan ni Ian, tinanong namin siya, sa relasyon nila ni Jennifer na puno ng love, may pagkakataon ba na nahahaluan rin ito ng lies?

“Walang lies kasi paanong magiging successful ang isang relationship kung puro pagsisinungaling lang?

“E, di naglalaro lang kayo pag puro kasinungalingan, hindi naman kami tatagal ng ganung katagal kung puro laru-laro lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas maganda yung tapat kayo sa isa’t isa.

“Pinapangalagaan namin yung pagtitiwala, respeto at loyalty at siyempre mas mainam kung may peace of mind kayo sa isa’t isa... nagkakaintindihan kayo, open kayo.

“Hindi lang kayo magkasintahan, matalik rin kayong magkaibigan.”

Ang mommy ba ni Ian, naiintindihan niya sa lahat ng oras?

“Oo naman, lagi naman, ang tagal na thirty plus years na,” sabay-tawa ni Ian.

Accepted na ba niya si John Rendez para sa mommy niya?

“Well, ano,” at natawa si Ian.

“Basta kung saan masaya ang mommy ko.”

Wala raw siyang dine-demand sa mommy niya.

“Basta nakikita ko siyang okay siya, masaya siya and healthy siya, di ba?”

May balitang may sakit ang Superstar.

“Okay naman siya para sa akin, okay naman siya,” pagtatapos niyang pahayag tungkol sa Superstar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN