Janna Dominguez on marriage plans with Mickey Ablan: “Hindi mo kailangan ng papel para patibay na mahal ninyo ang isa’t isa, di ba?”

Janna on Iwa Moto and her "explosive revelations": “Matagal na rin namang tumahimik, e. Kumbaga kung masaya na rin siya, wala na... okay na, tapos na. ’Tsaka ano, e... okay na naman siya... settled na siya, so wala ng reason para gumulo pa ulit, di ba?”


Pinag-isa na lang ng magkarelasyong Janna Dominguez at Mickey Ablan ang binyag at unang kaarawan ng kanilang anak na si Baby Kylie noong April 26.

Pagkatapos ba ng okasyong ito ay isusunod na nila ang kanilang pag-iisang dibdib?

Pero hindi ba kasal si Mickey kay Iwa Moto?

“Sana... malapit na, may mga inaayos. Basta malapit na, malapit na,” ang natatawang sinabi ni Mickey sa interview sa kanya ng StarTalk TX kanina, May 11.

“Dapat ayusin, priority ko talaga ’yon, na maayos ASAP ’yon para parehas na kaming clear sa lahat ng bagay.”

Pero ayon naman kay Janna sa tanong pa rin kung nalalapit na ang kasal nila ni Mickey kapag naayos na ang mga bagay-bagay sa pagitan nina Mickey at Iwa…

“Seremonya lang naman yun, e. Sa papel lang naman yun, e.

“Pero ang importante yung kayo, hindi mo kailangan ng papel para patibay na mahal ninyo ang isa’t isa, di ba?” paglinaw niya.

NOT INVITED. Hindi na rin daw inimbita nina Janna at Mickey si Iwa sa binyag ng kanilang anak.

Pero nagkausap na ba si Mickey at Iwa mula noong inamin ni Iwa na buntis siya by another man?

“Hindi, hindi,” mabilis na sagot ni Mickey.

“At least happy na rin siya. Nagulat ako sobra, pero andun na yun, e.”

Ayon naman kay Janna...

“Matagal na rin namang tumahimik, e. Kumbaga kung masaya na rin siya, wala na... okay na, tapos na.

“’Tsaka ano, e... okay na naman siya... settled na siya, so wala nang reason para gumulo pa ulit, di ba?

“Wala naman akong ginagawa, wala naman akong ginawa,” at tumawa si Janna. “Maayos, maayos lahat.”

Ibig bang sabihin ay okay lang kay Janna na makipag-ayos kay Iwa?

“Ano, hindi kasi, binyag muna bago yan,” at muling tumawa si Janna.

“Madali nang pag-usapan yan pag andiyan.”

READY FOR MORE REVELATIONS? Pero handa ba sila kung sakaling may mga rebelasyon na namang isisiwalat si Iwa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi nga ba at sa kanya nanggaling noon na muntik na rin silang magkaanak ni Mickey?

“Ano na lang, no comment na lang ako dun,” bawi ni Mickey.

“Dati pa naman niyang sinasabi yun, pero wala na naman na.

“Pero kumbaga ginawa niya, expected na, hindi na kami nagulat, na parang, ‘O, bakit may mga lumalabas na ganyan?’

“Alam mo sa sarili mo kung ano ang tama at mali, hindi yung porke sinabi mo sa TV, ’yon na yun.

“Minsan sa Itaas na lang, ang Diyos na lang ang nakakaalam kung tama o mali ang sinasabi ng tao... ’yon.

“Hindi na para tayo magsalita, or i-correct yung mga sinabi ng tao.

WISH FOR IWA. Gayunpaman, Janna and Mickey only wished Iwa the best of luck.

“Ayun, sana tuluy-tuloy yung pagiging happy niya, maayos din,” ang sinabi pa ni Mickey.

Ang pahayag naman ni Janna…

“Mararamdaman din niya yung nararamdamn ko ngayon—yung stressed pag buntis ka. Mas maganda sa bata ’yon, na healthy environment, yung tahimik na pamumuhay, na masaya lahat,” pangwakas niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN