Sam Pinto moves up to number two in FHM Sexiest Woman unofficial tally

Sam on her current number two ranking in the unofficial tally for FHM’s Sexiest Woman of the World: “I can’t believe it! It’s really exciting talaga and I’m so thankful sa mga supporters ko na tinulungan nila ako. Parang two more weeks na lang ’ata ang botohan. From number 4 to number 2, grabe.”


Walang pagsidlan ang galak ni Sam Pinto na marami pa rin ang sumusuporta sa kanya para maging FHM Sexiest Woman of the World 2013.

Sa dalawang partial unofficial results sa voting na lumabas, masasabing mabilis ang pag-angat ni Sam.

NUMBER TWO IN PARTIAL RESULTS. Mula kasi sa pagiging pang-apat niya sa listahan noong unang partial result (April), nag-number two na ito sa latest result ng botohan as of May 3, 2013. Nangunguna pa rin si Marian Rivera at pumangatlo na si Angel Locsin.

Ang sampung pasok sa top ten out of the 100 Sexiest Women ng FHM as of May 2013 ay sina (in order, from 1 to 10) Marian Rivera, Sam Pinto, Angel Locsin, Solenn Heusaff, Jennylyn Mercado, Anne Curtis, Cristine Reyes, Heart Evangelista, Ellen Adarna, at Empress Schuck.

Halos hati ang listahang ito sa Kapuso at Kapamilya stars, lima ang mula sa GMA, apat ang mula naman sa ABS-CBN at isa dito ay freelancer.

Kagabi, May 10, sa miting de avance ng United Nationalist Alliance (UNA) sa Plaza Morga, Moriones, Tondo, isa sa mga guest celebrities na namantaan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ay si Sam at dito namin siya eksklusibong nakapanayam.

Dumalo raw siya sa naturang political sortie dahil sa pagsuporta sa senatoriable na si JV Ejercito.

ECSTATIC. Masayang kuwento ni Sam sa magandang balita tungkol sa kanyang ranking, “Oo nga e, nagulat nga ako e. I can’t believe it!

“It’s really exciting talaga and I’m so thankful sa mga supporters ko na tinulungan nila ako. Parang two more weeks na lang ’ata ang botohan.”

“From number 4 to number 2, grabe.”

So, nararamdaman na ba niyang baka sa huli ay siya muli ang tatanghaling pinaka-seksing babae sa Pilipinas ngayong 2013?

Kung sakaling magwagi nga siya muli, ito na ang magiging pangatlong pagkakataong maging Sexiest Woman of the World ang Kapuso actress.

Nakangiting tugon nito, “Siyempre positive pa rin ako, thankful for the fans, it’s really up to them so, we’ll see it, kinakabahan ako grabe!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Thank you Lord.”

FANS CLUB. Paano kaya niya naipabot sa kanyang mga taga-hanga ang mensahe niya ng paghingi ng suporta sa mga ito?

Lahad niya, “Kasi meron akong fans club. Sila talaga ang nag-aayos ng lahat, ako lang ang nagsasabi sa kanila na ganito, tapos sila na gumagawa ng lahat.”

Sa huli, positibo pa rin siya na kahit anuman ang mangyari between now at sa pagtatapos ng botohan ay andiyan pa rin ang kanyang mga tagahanga.

Saad niya, “Sa lahat po ng mga bumoboto sa akin, maraming maraming salamat po, you don’t really know how grateful I am for the support, thank you for making me number two... whatever happens, thank you so much.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN