Did Charice elope with X Factor finalist Alyssa Quijano?

Kasunod ng paglabas ng mga larawan ni Charice na nagpapakita ng kanyang bagong haircut ay ang pag-ugong ng balita na nakipagtanan daw ito kay Alyssa Quijano, finalist ng X Factor, kung saan naging hurado ang international singer.


Kasunod ng pagkalat ng ilang batch ng photos ni Charice na nagpakita ng kanyang new look ay ang balita tungkol sa tila masalimuot na lovelife ng singer.

Sa exclusive report ng Ang Latest: Updated, inalam kung totoo nga bang nakipagtanan si Charice sa babaeng miyembro ng girl group na A.K.A. JAM, produkto ng X-Factor Philippines, kung saan naging hurado si Charice.

Noong May 11, sa segment ng show na “Charice: The Untold Shocker,” dalawang tao na malapit sa dating Glee star ang humarap sa camera.

WHO IS ALYSSA QUIJANO? Sa ngayon, sinasabing si Alyssa Kate Quijano diumano ang karelasyon ni Charice.

Si Alyssa rin daw ang "Ayie" na parating nababanggit sa mga tweets noon ni Charice.

Ayon sa source na nagpakilalang Mike, bago kumalat ang balita, narinig daw niya ang plano ni Charice na bumili ng bahay.

Ang kuwento ni Mike sa talk show ng TV5, “Yung huling-huling nakarating sa akin, nagbiro daw at planong bumili ng bahay at kotse, kailan lang siguro... wala pang one week.

“Ang nag-confirm sa akin yung taga-mismong opisina na nakita niya si Charice dun. Nagulat nga ako, e, kaya ’tinawag ko kay Raquel.”

Si "Raquel" ay ang ina ni Charice na si Raquel Pempengco.

Pagkatapos, noong May 8, 2013, nakatanggap daw ng text ang kanyang cell phone mula sa sender na umano’y magulang ni Alyssa Kate.

Salaysay ni Mike, “May natanggap nga akong tawag o text na nagpakilalang Liza, mommy daw siya ni Alyssa, at ang sabi, pupunta nga raw siya sa akin at magpapasama.

“Kukunin niya raw anak niya at may kasama raw siyang NBI galing sa main...

“Sabi ko, ’Hindi ako makakasama diyan kasi yung pupuntahan natin e relatives ko ’yan, hindi iba sa akin yun. Ayokong madamay sa gulo at ayoko mapagbintangan na…

“’Ituturo ko na lang sa inyo kung nasaan yung bahay.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong araw din na yun, "mga 11:30 p.m." ay nagbigay daw ng update si "Liza," at ang sabi— dugtong ni Mike— "Kuya, nakuha ko na anak ko, salamat sa Diyos."

Hindi na raw natanong ni Mike kung ano ang nangyari kay Charice.

LOLA: "HALOS MADUROG ANG PUSO KO." Sa ikalawang bahagi ng two-part report ng Ang Latest: Updated, nagkuwento ang maternal grandmother ni Charice na si Tess Relucio tungkol sa nangyaring kumprontasyon sa pagitan ng singer at ng ina nitong si Raquel.

Panimula ni Lola Tess, “Halos madurog ang puso ko..." dahil sa mga narinig na kuwento mula kay Raquel.

Nagkasagutan at nagkasakitan daw ang mag-ina noong pilit na pinapauwi ni Raquel si Charice.

Dagdag ni Lola Tess, “Sana ang sakit na nararamdaman ng mommy mo e maramdaman mo rin, anak [Charice].

“Sabi pa ng iba, ‘Blood is thicker than water.’ Sa nakikita ko yata, e, mas matimbang ang tubig sa ’yo kaysa sa dugo.”

MOMMY RAQUEL: "DI KO PO MASASABING TANAN YUN." Kahapon, May 14, nagbigay ng pahayag si Raquel sa pamamagitan ng isang text message na ipinadala kay Marie Lozano ng ABS-CBN News.

Inamin nitong nakatanggap siya ng tawag mula sa "mommy nung girl... asking for help."

Pero wala nang iba pang detalye tungkol sa insidenteng ikinuwento ni Lola Tess.

Ayon kay Raquel, "nakatakas" daw si Alyssa "kahapon [May 13] ng madaling-araw" at may nakakita sa "dalawang babae in a grey car."

At para kay Raquel, hindi raw pagtatanan ang nangyari.

Aniya, "Kung ako po ang tatanungin, di ko po masasabing tanan yun ’coz we’re not sure if it’s really Charice who got her [Alyssa].

"Hangga’t hindi po mismo natin naririnig kay Charice ang totoong pagkatao niya, para sa akin, di po dapat mag-judge dahil sa physical appearance lang."

Bilang ina ni Charice, nasasaktan daw si Raquel sa mga negatibong feedback na naririnig tungkol sa mga recent photos ng anak na kumakalat ngayon sa Internet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CHARICE’S "PAGKATAO." Paano kung aminin ni Charice na siya ay tomboy?

Ang pahayag ni Lola Tess sa Ang Latest: Updated, “Kung sakaling sinasabi mo na makarating sa kaalaman ko na ikaw ay lalaki na, sa ayaw mo at sa gusto anak, tanggapin mo, may monthly period ka.

“Sa ngayon mabibigla kami, lahat ng pamilya mo, anak, mabibigla lalo na ang mommy mo.

“Siyempre siya ang nagpalaki sa ’yo at nagsilang sa ’yo e alam niya kung ikaw ay babae o hindi.

"E, antayin mong matanggap ka ng mommy mo sa ganyang sitwasyon.

“Sa akin anak, bilang ina ng tahanan, sa pamilya natin e nilalawakan ko ang unawa ko sa inyong lahat.”

At anuman ang mangyari, hindi raw iiwan si Charice ng kanyang pamilya.

Ang mensahe sa kanya ni Lola Tess: “Sabi ko sa ’yo huwag mong dudumihan ang iyong katawan, lahat ng mga pinaalala sa ’yo ng Nanay, nalimutan mo.

“Basta lagi mong tatandaan kahit na nagkamali ka, nandito kaming uunawa na pamilya mo."

Samantala, irerespeto naman daw ni Raquel ang anumang sasabihin ni Charice.

Sa pahayag nito sa ABS-CBN News noong May 10, aniya:

"Ang sinasabi ng puso ko at isip ko bilang ina ay hayaan ko siyang ilantad kung ano ang tunay na katauhan niya. Kung ano ang gusto niya, dahil doon siya magiging maligaya.

“Nirerespeto ko kung ano ang gusto niyang sabihin sa publiko, dahil doon siya magiging masaya at malaya na hindi niya nahanap sa aming pamilya."

Kinontak na ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Charice sa pamamagitan ng email ng kanyang manager na si Courtney Blooding at Twitter account ni Charice, subalit wala pa silang sagot.

Bukas ang website na ito sa magiging pahayag ni Charice, Alyssa, at lahat ng taong sangkot sa isyu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN