Senator Bong Revilla accuses PNP Cavite of harassment


Pumalag sa diumano’y harassment ng Philippine National Police (PNP) Cavite si Senator Bong Revilla Jr. matapos nilang marinig na bibigyan daw sila ng search warrant dahil sa paglabag diumano nila sa gun ban.

Ayon sa ulat ng abs-cbnnews.com ngayong araw, May 13, hindi lumabas ng kanilang mansiyon sina Bong. Ang ginawa nila ng kanilang pamilya ay humingi ng tulong sa National Bureau of Investigation (NBI) para sa kanilang seguridad.

Lahad ni Bong, "Well, sa patuloy na pangha-harass na inabot namin...

"Hindi lang isang buwan ito, matagal na, that’s why sumulat na tayo sa Chief PNP, sa NBI director... lahat tinakbuhan na namin.

"Sa dami ng nangyari dito sa lalawigan ng Cavite, ilan na sa tao namin ang namatay sa Bacoor mismo.

“Kahapon [May 12], ang kapatid ko mismo, gustong arestuhin. Ang kapatid ko ay lumpo, barangay captain siya.

"Papatawag lang siya ng meeting sa kanyang konseho, gusto siyang ikulong.

"Tapos ngayon naman, ako ang gustong i-search warrant dahil noong tinawagan namin ang NBI para tingnan ang nangyayari sa paligid ko, yun pa ang inaresto nila."

Sino ang pinaghihinalaan nilang may pakana ng pangha-harass sa kanila?

Tugon ng actor-politician, "Maliwanag pa sa sikat ng araw. At alam na ng Caviteño kung sino ’yan.

"Unang una, halalan na ngayon, bakit naman itinaon pa nila sa araw na ito para di namin makita.

"Rampant ngayon ang vote-buying sa karamihan ng presinto."

Sabi pa ni Bong, isa raw sa mga chief of police sa Cavite ay miyembro ng dating Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF), na pinamunuan ni Senator Panfilo "Ping" Lacson.

Ang anak ni Bong na si Jolo ay tumatakbong vice governor ng Cavite laban sa anak ni Ping na si Ronald Jay Lacson.

Ayon kay Bong, handa ang kanilang pamilya na harapin ang panggggipit na ito sa kanila.

“Handa na kaming mamatay kung talagang gusto nila kaming katayin at hindi kami natatakot sa bala na ’yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi nga ng mga anak ko, ’Sobra na ang pang-aapi sa atin.’

"Sabi ko sa kanila ay may Diyos tayo at hindi tayo pababayaan."

PNP VS. NBI. Ayon naman sa pulisya, pumunta sila sa bahay nina Bong dahil daw sa tawag na nanghingi ng seguridad.

Nang lumapit daw sila sa bahay ng mga Revilla ay may 200 katao—kabilang na ang ilang miyembro ng NBI—ang humarap sa kanila.

Nung akto raw nilang arestuhin ang mga ito, karamihan sa mga ito ay pumasok sa loob ng mansiyon ng pamilya Revilla.

Paliwanag naman ni Bong, pumasok ang mga tauhan ng NBI sa kanilang bahay para umiwas sa anumang gulo.

Aniya, "Totoong may pumasok na NBI agent dito pero wala na sila dito sa bahay ko. Kaya sila pumasok ay aarestuhin sila ng pulis.

"Sila yung nakipagdiyalogo sa nanakot na Region 4 police dito, dito sa likod ng bahay namin ang nangyari ay nabaligtad pa.

"So yung mga baril na sini-search warrant nila ngayon ay baril ’yon ng mga NBI agent na lehitimo naman dahil sumulat kami sa Cavite NBI, dahil sinabi namin yung harassment na nangyayari sa amin, wala na kaming matakbuhan.

"Ang PNP Region 4, hindi kami matugunan kapag tumawag kami, ang probinsiya ay hindi din.

"Everytime na hina-harass ang tao namin, wala, bulag sila at bingi; ang city of Bacoor PNP, ganoon din."

May anim daw na naarestong miyembro ng NBI at nasa kustodiya pa ito ng pulisya sa ngayon, pero hindi daw sila nagpapatawag na "arestado."

Sinabi rin ni Bong na ang lahat ng mga opisyal ng pulisya na malapit sa kanilang pamilya ay hindi na raw naka-assign sa Cavite.

"Lahat ng mga identified na malapit sa amin na pulis ay ipinatapon nila lahat ’yan.

"Basta lumapit lang sa amin ng konti ang pulis, tapon na ’yan.

"Lahat ng mga malapit sa amin, kaibigan na pulis ay pinapatalsik...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nandiyan ang record, we can check the record kung nasaan sila ngayon at malalaman natin ang full status nito kaya ito ay ipapa-full blown investigation ko sa Senado."

Dagdag ni Bong, "May magtatapon ng spike sa bahay mo ang naka-escort ay PNP.

"Yung threat na natatanggap ng pamilya ko, yung mga bumubuntot sa kanila, ilan na yung napatay na leaders namin. Madami kung iisa-isahin natin.

"Sana dinggin kami ng Pangulo at Comelec na tingnan ang nangyari sa amin."

Matapos ang iringan, nakipag-closed door meeting si Bong kay Philippine National Police - Criminal Investigation and Detection Group Cavite Chief Reynaldo Magdaluyo at kay Cavite Provincial Director Senior Superintendent Alexander Rafael.

Ayon pa sa pulisya, hihilingin nila kay Bong na pumirma ng waiver para sila ay makapasok sa mansion kahit walang search warrant.

Dagdag pa ng opisyal ng pulisya, maaaring i-suprevise ng senador ang kanilang pagsaliksik sa mansion ng mga diumano’y nakatagong baril sa loob nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN