Comelec expects to announce the 12 new senators Wednesday night

Sa Mayo 15, ganap na ika-7:00 ng gabi ay inaasahang maihahayag na ng Comission on Elections (Comelec) ang 12 senador na nanalo sa botohang naganap noong Mayo 13.


Inaasahang maipoproklama na ng Commission on Elections (Comelec) ang 12 na bagong senador ng bansa bukas ng gabi, May 15.

Ito ang sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr. ngayong Martes, Mayo 14, isang araw matapos ng eleksiyon.

“By tomorrow 7 p.m., exactly 48 hours after the voting period ends, we expect to proclaim the senators. All (the 12 winning) senators. That is what we expect,” ani Brillantes sa mga reporters sa isang press briefing.

“That is what we are projecting, we want to proclaim 12 senators tomorrow night,” dagdag pa niya, sa ulat ng ng GMA News Online.

Sa partial and unofficial tally of votes ngayong araw, sa ganap na ika-2:06 ng hapon, patuloy na nangunguna si Grace Poe na may14,599,918 boto, at sinusundan ni Loren Legarda na nakatanggap ng 13,358,952 boto.

Ito ay batay sa resulta mula sa 68.46% nationwide election returns.

Pumapangatlo naman si Alan Peter Cayetano na may 12,635,249 boto at nasa pang-apat na puwesto si Chiz Escudero na may 12,627,165 boto.

Panglima naman ni Nancy Binay na may 11,912,784 boto, at sa ika-anim na puwesto ay si Sonny Angara na may 11,481,196 boto.

Narito ang listahan ng mga senador na nakapasok din sa Top 20 ranking:

7. AQUINO, Benigno Bam – 11,066,368

8. PIMENTEL, Koko- 10,585,197

9. TRILLANES, Antonio IV- 10,168,622

10. Villar, Cynthia – 9,909,221

11. EJERCITO ESTRADA, JV – 9,832, 816

12. HONASAN, Gringo- 9,489,535

13. GORDON, Dick – 9,063,045

14. ZUBIRI, Migz- 8,483,922

15. ENRILE, Juan Ponce Jr. – 8,204,933

16. MAGSAYSAY Ramon Jr.- 8,182,765

17. HONTIVEROS, Risa – 7,946,356

18. HAGEDORN, Ed, 6,124,601

19. VILLANUEVA, Bro. Eddie – 4,998,979

20. MADRIGAL, Jamby 4,838,310


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN