Thea Tolentino explains why nothing has developed yet between her and Jeric Gonzales

Giit ni Thea Tolentino hindi niya pinagseselosan si Zandra Summer kung magustuhan man ito ng ka-loveteam niyang si Jeric Gonzales. Aniya, “E, siya yung nagustuhan, e. Kung siya po ang like niya, bakit po ako magseselos? Siya naman ang may gusto noon.”


Iginiit ni Thea Tolentino na hindi siya nagseselos kay Zandra Summer, na napapabalitang malapit sa ka-loveteam niyang si Jeric Gonzales.

Ang tatlo ay pare-parehong produkto ng Protégé: The Battle For The Big Artista Break.

Ayon pa kay Thea, hindi naman nanliligaw sa kanya si Jeric, at sa pagkakaalam niya ay hindi rin nanliligaw ang binata kay Zandra.

Dagdag niya, “Wala naman po siyang ikinukuwento, hindi po namin napagkukuwentuhan.”

Kung sakali bang manligaw si Jeric kay Zandra, hindi ba siya masasaktan?

“Hindi naman po. E, siya yung nagustuhan, e!” sabay-tawa ni Thea.

“Kung siya po ang like niya, bakit po ako magseselos? Siya naman ang may gusto noon.”

Hindi ba niya type si Jeric?

“Hindi naman po sa hindi type. Noong sa Protégé, isa po si Jeric sa mga noong nakita ko, gumanoon yung mata ko... kuminang!” tumatawang sabi ni Thea habang inilalaki ang kanyang mga mata.

Dalawa ang shows nina Thea at Jeric—Love & Lies at Teen Gen—bakit hindi sila ma-develop lalo pa’t lagi silang magkasama?

“Ewan ko... Kasi, pinagsabihan din kami ni Nanay Gina [Alajar, Protégé mentor].

“Kasi, naging isyu din ‘yan, e, na, ‘Huwag muna ‘yang love-love na ‘yan...’ Ganoon.”



SUMMER BREAK. Kinumusta naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Thea ang naging summer vacation niya.

Kuwento niya, “Nag-spend lang ng time with family, kasi ilang weeks na din akong hindi nakakauwi sa Calamba.

“Sa Quezon City po ako umuuwi, kasi gawa ng work.

“Gusto ko pong mag-out-of-town pero gusto kong umiwas sa beach, ang init!

“Hindi po kasi ako beach person, gusto ko yung beach pag gabi.

“Gusto ko po yung nagro-road trip, mga ganoon.”



EXPECTATIONS. Ano ang mga pagbabago sa buhay niya matapos manalo sa Protégé at ngayong artista na siya?

Gaano siya ka-fulfilled sa mga proyektong ibinibigay sa kanya ng GMA-7?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa ngayon, okay naman,” sagot niya.

“Kasi sa mga projects na ibinibigay nila, ang dami ko talagang natututunan kaya masasabi ko na iba talaga yung Thea dati.

“Mahiyain pa din ako, medyo talagang kinakaya ko talaga mag-adjust.”

Nasa-satisfy ba niya ang expectations sa kanya ni Direk Mark Reyes sa Love & Lies bilang artista?

“Kulang pa po yung ipinapakita ko,” pag-amin ni Thea.

“Inaaral ko pa talaga kung paano o ano ba dapat yung galaw ko, kasi sa nakikita ko sa TV, hindi pa lahat-lahat.

“Kaya nag-o-observe ako ng mga actions ng mga boyish kumilos.

“Sa nakikita ko kasi, girlie na girlie pa rin ang kilos ko!”

Bilang si Thea ay boyish ang character niya sa Love & Lies.

Ano naman ang hindi na niya masyadong nagagawa ngayong artista na siya na dati’y nagagawa niya nang madalas.

“Yung lumabas at pumunta sa mall na kahit sino ang kasama.

“Actually, nagagawa ko pa rin naman yun, pero parang yung freedom na gusto ko na si ganito ang kasama ko pag pupunta...

"Kaso, hindi puwede kasi public, tapos mahirap din... Iyon.”



INTIMIDATED. Maganda si Thea pero surprisingly ay wala raw siyang suitors ngayon.

“Wala po talaga,” giit niya.

“Sa non-showbiz [admirers] napapansin ko paglabas ko ng Protégé, parang iniisip ng tao, ano...

“Yung hindi na daw sila makalapit sa akin... ganoon-ganoon.

“Nainis ako... Last time noong may pasok pa kami, nagtampo ako doon sa iba kong classmates.

“Parang naiba yung trato—nakakairita!” ang naiinis ngunit natatawang kuwento ni Thea.

Baka nahihiya sa kanya o nai-intimidate sa kanya ang mga ito dahil artista na siya? Ganoon pa rin ba sila sa kanya sa ngayon?

“Yung iba,” sabi niya.

Hindi ba siya ang nag-reach out sa kanila?

“Sinabi ko naman na, ‘Uy, nagtatampo ako... ganoon-ganoon. Sinabi nila, akala daw nila, wala ako sa Calamba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos, last time kasi nagkayayaan sila sa SM, hindi nila ako isinama.

“Before ako pumasok sa school, pumunta sila sa SM.

“Tapos, hindi man lang nila ako tinext. Tapos, nauna ako doon sa school...

“Sobrang tagal nila, tapos wala akong makausap... nagtampo ako.”

Ano ang reaksiyon ng kanyang mga kaibigan nang kinausap niya ang mga ito?

“Wala... Parang iyon, soring-sorry sila.”

Nahihiya siguro ang mga ito na yayain siya dahil artista na nga siya?

“Hindi, hindi... hindi daw nila alam na andoon ako sa Calamba.

“Nagtampo ako na hindi man lang nagtanong kahit papaano.”

Okay na raw sila ngayon ng mga classmates niya.

LOVE & LIES. Sa Love & Lies, excited naman si Thea na magkasama sila sa serye ng male lead nitong si Richard Gutierrez.

Sina Michelle Madrigal at Bela Padilla ang leading ladies dito ni Richard.

Pangarap din ni Thea talaga na balang-araw ay maging leading lady siya ni Richard.

“Noong bata ako, noong nanonood ako ng Mulawin, gusto ko may pakpak din ako!” sabay tawa ni Thea.

Ang Mulawin ay ang fantaserye na pinagbidahan rin ni Richard noon sa GMA-7.

Kuwento pa ni Thea, kinabahan siya ng kunan ang unang eksena na magkasama sila ni Richard sa Love & Lies.

“First time namin, noong patapos na yung eksena noong nag-dialogue kami... yung huli kong sasabihin, parang kumabog yung dibdib ko!

“Tapos, kinabahan ako, muntik na akong mag-buckle, pero buti hindi.”

Gusto niya bang maging leading lady ni Richard?

“Sana…” sambit niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN