Alfredo Lim finally concedes to Manila mayor-elect Joseph Estrada: “All the best!”

Ani Alfredo Lim, kinikilala niya at nirerespeto ang pagkaproklama kina Erap bilang bagong alkalde at Isko Moreno bilang vice mayor ng Maynila.


Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account na “mayorlim88” ay kinilala na ni outgoing Manila Mayor Alfredo Lim ang bagong halal na alkalde ng siyudad na si former President Joseph Ejercito Estrada.

“O, yesterday afternoon the COMELEC proclaimed the election of President Erap Estrada and Vice Mayor Isko Domagoso,” ayon sa post ni Lim, patukoy sa proklamasyon nina Erap at Isko Domagoso, na mas kilala bilang ang dating aktor na si Isko Moreno.

Pagpapatuloy pa ng pahayag ni Lim sa kanyang post, “We respect and acknowledge the said proclamation and wish them all the best!”

Para sa huling bahagi ng mensahe, pinasalamatan ni Lim ang kanyang mga kamag-anak, kaibigan, at mga tagasuporta.

“We would like to thank our relatives, friends and the Manileños for their support, trust and confidence in us.

“Thank you and God Bless us all!”

Bago sumapit ang May 13 elections, naging mainit ang banggaan nina Erap at Lim na umabot pa sa batuhan ng mga personal na alegasyon.

Dating matalik na magkasangga ang dalawa, kung saan nagsilbi pang Interior Secretary si Lim sa maiksing panunungkulan ni Erap bilang ika-13 Pangulo ng Pilipinas mula 1998-2001.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN