Aga Muhlach cries foul over alleged discrepancies in congressional race in CamSur

“If talo ako sa laban na ito, I’ll be the first to admit and accept it. But if there’s cheating, ‘di ko talaga puwedeng palagpasin,” says Aga Muhlach, who is determined to find out if there is invalidation of votes which were cast in his favor.


Mainit pa rin ang laban sa pagitan nina Aga Muhlach at Wimpy Fuentabella para sa congressional race sa ika-apat na distrito ng Camarines Sur.

Ayon sa ulat ng Balitanghali ng GMA News TV kanina, May 15, lumalamang na si Fuentabella laban kay Aga.

Si Fuentebella ay may 58,084 na boto kumpara sa 57,009 votes ni Aga.

Ang mga numerong ito ay base sa huling bilang ng board of canvassers.

Nang ilabas ang ulat na ito, tinatayang apat na munisipyo pa ang hindi nabibilang—na may humigit-kumulang na 69,631 na boto.

Malaki ang itinaas ng mga botong nakuha ni Fuentabella kung pagbabasehan ang partial at unofficial tally ng GMA News na may sakop na 67.73% ng election returns sa Camarines Sur.

Sa datos na ito, lamang si Aga na may 51,731 boto, laban kay Fuentabella na may 48,804 na boto.



DISCREPANCIES. Samantala, sa ulat naman ng News5, umalma si Aga sa diumano’y pagkakaiba ng mga numerong nakakarating sa kanilang kampo.

Sabi ni Aga, “Nalaman namin, we are getting all the ERs [election returns], we have 10,000 invalid votes, which is too much.”

Napag-alaman din umano ng grupo nila na may 800 boto na napunta sa kanyang kalaban na si Fuentabella.

Sa ngayon, sinisiyasat na ng grupo ni Aga ang mga nasabing report.

Ayon sa aktor, “If talo ako sa laban na ito, I’ll be the first to admit and accept it. But if there’s cheating, ‘di ko talaga puwedeng palagpasin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN