Shalani Soledad accepts defeat in congressional race in Valenzuela City


Hindi pinalad si Shalani Soledad-Romulo sa congressional bid nito sa second district ng Valenzuela City, pero umani ng papuri ang pasasalamat niya sa lahat ng kanyang mga supporter.

Nagpakita ng humility si Shalani sa tungkol sa pagkatalo niya sa congressional race sa pamamagitan ng kanyang post sa Instagram:

"A congressional district representative for the 2nd District of Valenzuela was proclaimed yesterday and it wasn’t me.

"I accept this reality. To the countless men and women who stood by me and fought the fight for change and transparency, my heartfelt thank you! I appreciate all your help.

"Grateful too, for having the opportunity to have served our city as a city councilor for 9-years. To all my fellow Valenzuelanos, it has been my pride and honor being your konsehala. Muli, ako po ang inyong lingkod, Shalani Soledad-Romulo, nagpapasalamat sa inyong lahat."

Hindi man nanalo si Shalani, panalo pa rin siya dahil muling nahalal na house representative ng lone district ng Pasig City ang kanyang asawa na si Congressman Roman Romulo.

OTHER CELEBRITIES. Ang iba pang celebrities na natalo sa kanilang congressional bid ay sina Christopher de Leon sa second district ng Batangas at Annabelle Rama sa first district ng Cebu.

Nabigo rin ang singer na si Imelda Papin na mahahal na house representative ng lone district ng San Jose Del Monte City dahil si incumbent Congressman Arthur Robes ang ibinoto ng mga residente ng nasabing lugar.

Hindi matutupad ang pangarap ni Onemig Bondoc na maging house representative ng 2nd District ng Bataan dahil nangunguna sa bilangan si incumbent Bataan Governor Tet Garcia.

Nanalo rin ang asawa ni Dawn Zulueta na si Anton Lagdameo sa re-election bid nito sa Davao del Norte.

Meanwhile, trailing pa rin si Joey Marquez sa kanyang kalaban na si Gus Tambunting. Ang dalawa ang mahigpit na magkalaban sa second district ng Parañaque City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mahigpit naman ang labanan nina Aga Muhlach at Wimpy Fuentebella sa fourth district ng Camarines Sur.

Samantala, ang mga naiproklama nang celebrities sa Kongreso ay ang aktor na si Alfred Vargas sa fifth district ng Quezon City, si Lucy Torres-Gomez sa fourth district ng Leyte, at si Manny Pacquiao sa lone district ng Sarangani.

Re-elected naman si Congressman Dan Fernandez sa first district ng Laguna, at nanguguna sa congressional race sa third district ng Laguna ang former ABS-CBN reporter na si Sol Aragones.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN