Bela Padilla not surprised by No. 1 ranking of Marian Rivera in FHM poll

Hindi lang daw sa trabaho hanga si Bela Padilla sa leading man niya ngayon na si Richard Gutierrez kung hindi pati sa hitsura nito. Sabi ni Bela, “Parang masyadong guwapo si Richard, baka ma-insecure ako sa kanya... nakatingin lang ako sa kanya maghapon, di ba? Mas maganda pa yung mukha niya sa akin pag nagbabae siya.”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bela Padilla sa set ng Love & Lies ng GMA-7.

Tanong agad namin kung ano ang masasabi niya na number one ngayon si Marian Rivera sa ongoing poll ng FHM Sexiest Woman for 2013.

Tulad ni Marian, naging cover girl din si Bela ng FHM, at dati ay nagkaroon ng isyu sa pagitan nilang dalawa.

Sagot ng Kapuso talent, “That’s nice! I think the people naman know who is sexy and who they want to vote for so..."

Hindi ba siya nagulat na nag-number one si Marian?

“No. Di ba, she already won before? So it’s not surprising.”



TURNOVER. May usap-usapan na aalis daw si Marian sa GMA-7 at ginu-groom naman daw ngayon si Bela bilang kapalit nito. Ano ang reaksiyon ni Bela sa balitang ito?

“A, talaga?” nagtatakang sabi niya.

“No comment po ako, wala pa akong alam sa mga ganyan.”

May nagbiro kay Bela na baka sa kanya ang "huling halakhak"?

Sagot naman niya, “Naku, wala naman din po akong unang halakhak, kaya wala din akong huling halakhak.

"Hindi po ako mahilig humalakhak.”

Hindi pa raw sila nagkikita muli ni Marian mula nang matapos ang pinasamahan nilang soap na Endless Love.

“Three years na since Endless Love,” sabi ni Bela.

LOVE & LIES. Nagpakuwento naman kami kay Bela tungkol sa ginagawa niyang primetime series ngayon—ang Love & Lies.

Saad niya, “May twist na hindi puwedeng i-reveal, e... na kahit ako, ‘Whoa!’

“Nagulat ako at yung taong ito, bigla akong hahampasin ng dos por dos... may mga ganoong eksena.

“Talagang may mga dos por dos, parang bumalik lang ako sa Magdalena, ganoon na ganoon ang eksena ko.

“Itatali niya ako... ako yung hahampasin kaya nagulat ako.

“Maganda yung role ko at saka exciting—parang every day, nae-excite akong pumunta sa taping.”



AMAZED. Kiumusta naman namin ang working relationship nila ng kanyang leading man na si Richard Gutierrez?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Bela, “Masaya. Sobra niyang kulit!

"Di ba, sa TV, parang ang serious niya and quiet? Like, tall and macho.

"Pero sa set, ang kulit-kulit niya, parang seryoso na bigla ka niyang patatawanin.

“Very kuwela at madali siyang kaeksena... yung parang kung ano yung sinabi sa kanya ng direktor [Mark Reyes], iyon naman yung gagawin niya.

“Hindi siya yung ine-expect ko before, na baka marami siyang requests or baka sasabihin niya, ‘Hindi, ganito ang gusto kong gawin.’

“Hindi naman siya ganoon—kung ano yung sinabi, sinusunod naman niya.

“Pag lang merong mali... pag may, kunyari, inconsistency lang, sasabihin niya, ‘Parang hindi ganito yung sasabihin ng character ko.’

“Kasi soldier siya sa story. So aware din siya sa mga ganoon, parang nakaka-amaze.

“Tsaka, grabe, tinitingnan niya lahat pag playback.

“Sasabihin niya, ‘Okay, kung puwede sabihin sa editing, putulin dito,’ ganyan-ganyan.

“Parang masyado siyang tutok sa mga eksena, nagugulat ako!”

Kung wala siyang karelasyon at wala rin si Richard, may chance ba na magkagustuhan sila?

“Ay, yung GF [girlfriend] niya, friend ko, e!” at tumawa si Bela.

Dagdag niya, “Parang masyadong guwapo si Richard, baka ma-insecure ako sa kanya!

"Nakatingin lang ako sa kanya maghapon, di ba? Mas maganda pa yung mukha niya sa akin pag nagbabae siya!

“Parang hindi ko carry, masakit sa ulo yun pag masyadong guwapo.”



CAREER PATH. Ano naman ang masasabi niya sa phenomenal success ng pinsan niyang si Daniel Padilla?

“Galing!" bulalas ni Bela.

"But it’s not like he’s not working hard for it, so whatever he’s getting now, I think he deserves it.

“At saka hindi naman siya parang this year bigla na lang sumikat, medyo matagal-tagal na rin siyang naghihintay...

“So it’s nice... pana-panahon lang talaga.

“I think we’re all having a lot of fun right now, you know.

“Me, Daniel and Kylie [Padilla], parang nahanap naming lahat yung character namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala sa aming nagbabanggaan na nagkaparehas lahat. Kami, iba-iba kami ng personality.”

Marami pa ba siyang gustong ma-achieve?

“Oo, malayo pa ako sa peak ko, feeling ko.

“Parang gusto kong prepared na prepared ako pag na-reach ko yung peak ko.

“Feeling ko, malayo pa. Gusto ko yung parang yung mga shows na ginagawa ko, parang kay Judy Ann [Santos]. Yung mga ganoon.

"Idol ko si Miss Judy Ann—yung ganoon yung career path.”

UNDER VIVA. Nalaman namin mula kay Bela na hindi na pala si Claire dela Fuente ang mismong namamahala ng career niya.

“Ngayon po, hindi siya ganoon katutok, medyo ni-release niya kami sa Viva kasi may mga business din siyang inaasikaso.

“Viva Artist Agency po ako... kahit naman before pa, nakaano kami sa Viva.”

Para kay Bela, tama ang desisyon niyang lumipat mula ABS-CBN papuntang GMA-7.

Saad niya, “Yeah, I learned a lot here and all my breaks came from GMA.

“Parang I was able to find out, you know, what I can do and what I can’t do—and I’m happy that there’s more that I can do.

“Parang I found out na my range is quite expendable, parang I can push my limits pala.”



BUSINESSMAN BOYFRIEND. Naging intresado naman ang PEP sa current lovelife ni Bela.

“Okay naman... I’m happy, I’m very happy right now,” sabi niya tungkol dito.

Ang businessman na si Neil Arce ang karelasyon ni Bela ngayon.

“Dumadalaw siya dito sa taping—may calltime na nga yun, e!” sabay-tawa ni Bela.

“Alam na niya ang calltime niya, e.

“Kasi, ako nagda-drive sa sarili ko. I don’t have a driver right now dito sa show na ito.

“So minsan, pag sobrang puyat na ako, dadalhin niya yung car niya tsaka yung driver niya.

“Tapos, siya ang magda-drive sa akin, ihahatid niya ako sa bahay ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, at least, bawas-stress sa akin kasi mahirap mag-drive pauwi...

“From, like minsan, ang location namin JE Camp sa Tanay, ang layu-layo. Nakakatakot, ako ang nag-drive papunta doon.”

Dinadalhan ba siya ni Neil ng ice cream na negosyo ng pamilya nito?

“Hindi, e, diet ako!” at tumawa si Bela.

“Ayokong magpadala ng ice cream, pero may pina-try siya sa akin na bago, parang calamansi sherbet... iyon.

“I like that, masarap kasi wala siyang cream, hindi siya ganoon kabawal sa diet.”



BIRTHDAY GIFTS. Nagdiwang ng kanyang 23rd birthday si Bela noong May 3, pero wala siyang party.

“Wala, nasa taping ako.”

Ano ang regalo sa kanya ni Neil?

“Iniregalo niya sa akin... ang tawag sa kanya Popcorn Media Player...

“Lahat ng movies naka-save inside, media player po siya na Popcorn ang tawag.

“Nilagyan niya ng ninety-two na movies, yung lahat ng favorite ko, pinili niya.

“Kasi alam niyang mahilig akong manood ng movie.

“Kasi niregaluhan niya ako dati ng mga bags, hindi ko ginagamit; shades, hindi ko ginagamit.

“So, sabi niya, napansin niyang pag yung isinusuot, ayoko; tapos mas natuwa ako dito sa iniregalo niya.

“Tapos niregaluhan niya ako dati ng Polaroid camera.

“Iyon siguro yung pinaka nagustuhan kong gift so mas natutuwa ako sa gadgets kesa sa mga bags.”

Wala pa ba sa plano nila ang magpakasal?

“Hindi, grabe naman! Agad-agad ba?

“Hindi naman. Ang bata ko pa... ang dami ko pang gustong gawin...

“Ang dami ko pang role na gustong gawin, ang dami ko pang gustong ma-achieve.

“Nag-e-enjoy ako sa action. Sana yung next shows na gagawin ko after this will be action again.

“Tsaka, alam mo yung dream ko pa na magkaroon ng maraming billboards sa EDSA... mga ganyan.

“So, too early, parang I still feel young.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN