Eugene Domingo does not want to dwell on acting awards: “Kapag sinabi kong magaling na magaling na ako, puwede na akong mamatay. O, ayoko pa, hindi pa ako magaling.”

Ayaw ni Eugene Domingo na umikot ang kanyang acting career sa mga award na natatanggap niya. Aniya, “I don’t dwell on those awards that are given to me. Kasi bawat proyekto, bawat material, hindi madali, so pinag-aaralan. At saka hindi natatapos… I’m a student, I will never be a master, I’m always a student, I always want to learn.”


Masaya si Eugene Domingo nang malaman niyang isa siya sa mga dahilan kung bakit nag-audition ang Hollywood-based Japanese actor na si Yuki Matsuzaki para sa 2013 Cinemalaya entry na Instant Mommy.

Nabanggit kasi ni Yuki, sa hiwalay na panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), na nagustuhan talaga niya ang performance ni Eugene sa 2011 Cinemalaya entry na Ang Babae sa Septic Tank.

“Unang-una, tuwang-tuwa ako kasi I’m very sure hindi naman pirated ang kanyang pinanood, ‘no?” biro muna ni Uge (palayaw ni Eugene) nang makapanayam siya ng PEP kagabi, Mayo 16, sa set ng Instant Mommy sa Sampaloc, Manila.

“Tsaka kumakanta siya, kinakanta niya ‘yong musical part ng Septic Tank, nakaka-flatter ‘yon!

“Kasi si Yuki, kilalang artista na siya sa Hollywood, marami na siyang ginawang pelikula.

"He already acted with Johnny Depp and Clint Eastwood—and they have very good words for him.”

Ilan sa mga nilabasang Hollywood films ni Yuki ay ang mga sumusunod: The Last Samurai (2003), Letters From Iwo Jima (2006), The Pink Panther 2 (2009), at Pirates of the Caribbean: On Stranger Tides (2011).

CHARACTER ACTOR. Nakikita raw ni Eugene na mabilis na naka-adjust si Yuki sa team ng Instant Mommy, kahit ito pa lang ang unang shooting day nila.

Dagdag pa ng aktres, “very natural ang rapport” nila ni Yuki nang sumabak sila sa unang eksena.

Pero isa pang nagustuhan ng aktres sa kanyang foreigner leading man ay nauunawaan nito ang kagustuhan niyang maging isang “character actress.”

Aniya, “I feel that as an actor, nagbabagu-bago siya ng hitsura, he’s a character actor, and gusto ko rin maging character actress, so doon kami nagtugma.

“I think naiintindihan niya ‘yong trip ko bilang artista.

“Siguro may ibig sabihin naman ito. Hindi naman sa dinami-rami ng nagpasa ng interes sa invitation namin, kung sinong puwedeng gumanap sa [pelikula], siya ang napili.

“I think may significance ‘yan kung bakit kami nagkasama sa isang project.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STILL LEARNING. Samantala, hindi naman maikakaila na isa si Eugene sa pinakamahusay na aktres ngayon sa Pilipinas. Ang katibayan nito ay ang napakarami niyang acting awards.

Noong 2007 ay nanalo siyang Best Supporting Actress sa 33rd Metro Manila Film Festival para sa pelikulang Bahay Kubo; noong 2010 naman ay itinanghal siyang Movie Actress of the Year sa 26th PMPC Star Awards for Movies.

Noon namang 2011 at 2012 ay sunud-sunod na Best Actress awards ang nakamit niya para sa indie film na Ang Babae Sa Septic Tank.

Kabi-kabila man ang natamong tagumpay ni Eugene, ayaw niyang sa mga award na ito umikot ang kanyang acting acreer.

Aniya, “Yung sinasabing magaling, magaling, hindi ako do’n, e.

“I don’t dwell on those awards that are given to me.

“Kasi bawat proyekto, bawat material, hindi madali, so pinag-aaralan.

"At saka hindi natatapos…

“I’m a student, I will never be a master, I’m always a student, I always want to learn.

“At kapag sinabi kong magaling na magaling na ako, puwede na akong mamatay.

"O, ayoko pa, hindi pa ako magaling.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN