Jennylyn Mercado loses three shows; poses for FHM for the third time

Iwas na si Jennylyn Mercado na pag-usapan ang tungkol sa ex-boyfriend niyang si Patrick Garcia. Sabi ng Kapuso actress, “Wala nga, di ba? Basta, okay na yun. Huwag na lang nating pag-usapan. Family matters, ayoko na lang pag-usapan pag ganoon.”


Sa taping ng epicserye ng GMA-7 na Indio kahapon, May 15, nagdiwang ng kanyang ika-25 kaarawan si Jennylyn Mercado.

Sinorpresa siya ng kanyang co-stars at staff ng Indio kaya nagkaroon ng salu-salo sa mismong taping nila sa Bulacan.

Ano ang birthday wish niya?

“Good health at saka magtuluy-tuloy ang trabaho,” asam ni Jennylyn.

Sa lovelife?

“Wala na munang wish doon. Okay naman, e. Hayaan ninyo muna.

"Sa ngayon, sure pa naman.”

Ang tinutukoy ni Jennylyn ay ang relasyon nila ng kanyang boyfriend na si Luis Manzano.

Ayaw ba niya ng wedding ring?

Natawa ang aktres at sinabing, “Wala pa.”

Paano kung yayain siya ni Luis, nakahanda ba siya?

“Hindi ko pa alam. Wala pa kaming mga ganoon. Hindi pa namin napag-uusapan.”

Hindi pa rin ba nagpo-propose si Luis sa kanya?

“Hindi pa nga,” ang tila may pagkainip na biro ni Jennylyn.

Pero bawi niya, “E, kasi, palagi ninyo naman akong tinatanong… wala talaga.”



NEW SHOWS. Kung kailan naman birthday ni Jennylyn, tila sabay-sabay na nawawala ang mga programa niya sa GMA-7.

Nawala na ang H.O.T. TV at sa darating na Linggo, May 19, na ang huling episode ng Party Pilipinas; habang ang Indio ay malapit na ring magwakas.

Sabi ni Jennylyn tungkol dito, “E, siyempre, malungkot. Pero, ganoon talaga. Ang show naman talaga, natatapos.

“Pero positive ako na may kapalit. Tuwing may mawawala, palaging may kapalit.

"So, positive, positive pa rin.”

Pero mayroon naman na siyang sisimulang reality show sa GMA-7, ang Anak Ko ‘Yan!.

Kuwento ni Jennylyn, “It’s every morning, reality show siya.

"Between seven to seventeen years old, ito yung pinapa-audition namin.

“Yung sa soap naman po, hindi pa po sigurado, pero hindi ko pa po puwedeng sabihin.”

Hindi pa sigurado ni Jennylyn kung ano ang magiging timeslot ng bago niyang reality show, pero posible raw na mag-overlap ito sa show ni Luis sa ABS-CBN, ang Minute To Win.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung sakali, wala naman daw problema sa kanila ang ganitong bagay.

Sabi ni Jennylyn, “Okay lang naman at saka hindi rin naman ako sigurado kung katapat, basta ang alam ko, umaga.

“Pero, hindi ko alam kung saan doon.”



INDIO ENDING. Hindi naman maiwasan ni Jennylyn na malungkot na magtatapos na ang Indio, at hindi na sila magkikita-kita tuwing taping.

Saad niya, “Nakakalungkot kasi ang tagal naming magkakasama.

"Parang simula noong September... October pa yata nagte-taping na kami.

“Halos ilang buwan na rin yun kaya talagang nakakalungkot din.

“Minsan, nagpo-four times a week kami, so nakakalungkot talaga.”

Ano ba ang mangyayari sa karakter niya bilang si Esperanza?

“Well, ang tanong, magkikita pa nga ba kami ni Indio [Bong Revilla]? Kung kami pa rin ba ang magkakatuluyan.

“Kasi, di ba, ang dami nang spell na nangyari kay Indio? Marami nang mga sumpa sa kanya.

“So, yun ang tanong kung kami pa rin ba.

"Magkakasama pa rin ba kami at mabubuo pa rin ba ang pamilya namin?”



STEPSISTER. May kapatid na ang anak ni Jennylyn na si Alex Jazz sa ama nitong si Patrick Garcia. Nagsilang na kasi ng baby girl ang girlfriend ngayon ng aktor.

Pero halatang ayaw nang pag-usapan ni Jennylyn si Patrick nang tanungin namin kung nakita na ng anak ang kapatid niya.

“Wala nga, di ba? Basta, okay na yun. Huwag na lang nating pag-usapan.

“Family matters, ayoko na lang pag-usapan pag ganoon,” iwas niya.

Pero kumusta na sila ni Patrick?

“Okay lang… basta okay lang, ayoko ng pag-usapan.”

Apat na taon ang anak ni Jennylyn na si Alex Jazz at nagsasalita na rin daw ito.

Nagsa-summer class din ito ngayon bilang preparasyon sa pagpasok sa nursery.

Kumusta naman si Alex Jazz?

“Busy sa school, e. Ang summer sa umaga, tapos may tutor sa hapon—preparation talaga.

“Para hindi siya mabigla… masanay siya sa maraming tao, masanay siya sa maraming bata.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



FHM PICTORIAL. Si Jennylyn ang June 2013 cover girl ng FHM Magazine.

Pangatlong pagpu-pose na niya ito sa FHM, pero hindi pa rin daw talaga niya kaya ang sobrang daring o yung may maipapakita na siya.

Ang konsepto raw ng FHM pictorial niya ngayon ay inspired by Brigitte Bardot.

Kuwento niya, “Hindi naman ako masyadong ano… alam ninyo naman ang mga FHM ko, hindi talaga…

“Dati kasi, mas balot. Hindi ako naglalabas ng tiyan.

"Pero ngayon, nag-two-piece naman ako pero hanggang doon-doon lang.

“Hindi ko kaya at saka ang anak ko, magagalit!”

Biro naman namin sa kanya, ang anak nga kaya niya ang magagalit o si Luis?

“Ang anak ko,” nakangiting sabi niya.

Si Luis, hindi ba nagbabawal sa pagpapa-sexy niya?

“Hindi, never, never. Noong nalaman niya ito, sabi niya, ‘Go, habang kaya pa.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN