Rhian Ramos is confident that she will never see Mo Twister again: "If justice prevails, hindi siya makakabalik dito."

Mukhang sigurado si Rhian Ramos na hindi na silang muling magkikita ng dating kasintahan na si Rhian Ramos. Sabi niya, “Hindi, hindi siya makakabalik dito! Kasi, I’m confident in the law and I’m confident in justice. If justice prevails, hindi siya makakabalik dito.”


Apat na buwan nang umeere ang GMA-7 epicserye na Indio.

Sa loob ng panahong ito ay ilang karakter na ang lumabas sa serye ngunit hindi nagtatagal dahil kailangan na silang “patayin” sa istorya.

Pero si Rhian Ramos, na gumaganap bilang ang diwatang si Magayon, ay “visible” mula umpisa hanggang sa nalalapit nitong pagtatapos sa Hunyo.

Sabi naman ng Kapuso actress tungkol dito, “Happy, kaso lang baka ako ang masenti sa pagtatapos ng show.

“Sinimulan namin ng staff na mag-isa lang kasi ako noong araw na yun.

“Ayun, happy… pero feeling ko, kailangan siyang mawala sa sistema ko pagkatapos.

“Usually kasi, ang soap, thirteen weeks, so medyo mas matagal kami ng one season.

“So, parang mas maraming time na ma-attach ako dito sa mga tao.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rhian sa taping ng Indio noong Miyerkules, May 15, sa Marilao, Bulacan.

Sa ibang cast members ng Indio, kanino siya naging close?

“Yung mga diwata, kasi magkakasama kami sa tent—sina Ehra [Madrigal], Ellen [Adarna],” banggit ni Rhian.



OPENER. Ang Indio ang unang proyekto ni Rhian pagkatapos ng malaking kontrobersiya na kinasangkutan niya at ng dating boyfriend niyang si Mo Twister.

Ano sa palagay niya ang mga naibigay sa kanya ng Indio?

“Well, nakatulong siya sa akin dahil nabigyan niya ako ng confidence in more than one way.

“Kasi, first show ko ito after a long time.

“Admittedly, pagpasok ko sa show na ito, hindi na ako sanay umarte ulit.

“Gising ako palagi kapag taping—parang first show nga!” natawang sabi ni Rhian.

Dagdag niya, “First show ko rin kasi na medyo ganoon ang costume, parang maraming kita na parts.

“So, siguro, kung hindi ko nakuha o hindi ko nagawa ang Indio na ganoon ang costume ko, baka hindi ko magagawa yung role.

“Nakatulong yung costume, kasi hindi ako sanay na ganoon ang costume ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Rhian ang nagbukas ng Indio dahil sa karakter niya nagsimula ang istorya. Hindi kaya siya rin ang magtatapos ng kuwento nito?

Aniya, “Hindi ko pa nababasa ang ending. Wala pa kaming script noon.

“As much as possible, di ba, they wanna keep it secret?

"Kahit yung mga artista, hindi namin alam ang ending ng show.

“Pero hopefully, at saka sana ma-feel ko talaga ang story ko na parang ako ang nagkuwento.”



NEXT PROJECT. Sa nalalapit na pagtatapos ng Indio, hindi pa alam ni Rhian kung ano ang susunod niyang show sa Kapuso network.

Sabi niya, “Right now, lahat ng girls, pinapapunta kami sa screen test at sila ang magde-decide kung sino ang bagay sa show na yun.”

Magtatapos na rin sa Linggo, May 19, ang isa pang show ni Rhian sa GMA-7—ang musical-variety show na Party Pilipinas.

Ano ang reaksiyon niya rito?

“Last Sunday ko lang nalaman na mawawala ang Party P. So, this Sunday, last na rin namin.

“So, hindi ko alam kung ano ang mangyayari… hindi ko nga alam ang concept ng next.”

Paano kung hindi siya makasama sa ipapalit na musical-variety show ng Kapuso network?

“Then, I’ll finally have my Sundays back,” nakangiting sagot niya.

“So, okay lang naman. Kasi, sa family ko, Sunday talaga is supposed to be a family day.

“Ayun nga, since palaging may work, parang nakakasama ko lang ang family ko kapag dinners on Sunday… Yun lang.”



PASSING ON. Noon ay madalas na nasasangkot sa kontrobersiya si Rhian, pero ngayon ay tila tahimik ang kanyang buhay.

Biro namin, hindi ba niya nami-miss ang kontrobersiya?

“Of course not… ano ba?” natatawang sagot niya.

Dagdag ni Rhian, “Alam ninyo, sobrang na-appreciate ko na na-pass ko na yung baton sa ibang artista.

"Puwedeng give chance to others?”

Kanino niya naipasa yung baton?

“Wala, marami… marami sila. Marami namang pinag-uusapan ngayon, hindi lang isa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas okay siyang tahimik lang?

“Yeah, nakakatuwa. Gusto ko ngang masanay na ganito.”

Hindi pa rin siya sanay na tahimik lang?

“Feeling ko kasi, anything can happen. Lalabas ka lang, parang friends mo, date na.

“Feeling ko, controversy, it’s possible that it’s just around the corner.

"Natutuwa ako na parang ngayon, wala naman.

“Hindi ako interesting!” tawa pa niya.

Pero sa artista raw, hindi naman maganda na hindi napag-uusapan?

“Kapag may show, parang okay lang naman!” natatawa niyang sagot.

Pakiramdam ba niya ay mas sikat siya noong puno siya ng kontrobersiya at nabawasan na ang kasikatan niya ngayon dahil hindi na siya masyadong napag-uusapan?

Tugon niya, “Hindi, kasi parang ano lang ‘yan, magandang pag-usapan kapag puro negative angle.

“I mean, lahat naman ng tao nakaka-relate doon kapag medyo may negative angle, nagugulat ka—iba ang pakiramdam.”



FORGIVE AND FORGET. May nagtanong naman kay Rhian kung nakapagtawad na raw ba siya.

Sagot ni Rhian, “Not sure.

“Kasi I haven’t forgotten, so I’m not sure.

"Dapat naman forgive and forget, pero mahirap kalimutan yun.”

Hindi man nagbanggit ng pangalan alam naman ng lahat na ang tinutukoy sa tanong ay ang ex-boyfriend niyang si Mo Twister.

Paano kung nagkita sila, handa ba siyang harapin ito?

“Ay, hindi siguro mangyayari yun. Hindi, hindi talaga!” diin ni Rhian.

Hindi ba posibleng mangyari iyon?

“Hindi… lahat ng bagay posible, okay. Anything in life, possible—except that.

"Basta hindi yun mangyayari!” diin niya.

Paano kung bumalik sa Pilipinas ang dati niyang nobyo?

“Hindi, hindi siya makakabalik dito!” natatawang sabi ni Rhian.

“Kasi, I’m confident in the law and I’m confident in justice.

"If justice prevails, hindi siya makakabalik dito.”

Sinabi ni Rhian na ang anumang isyu o intriga, puwedeng mangyari anumang oras. Mas maingat na ba siya ngayon sa mga kilos, sinasabi o ginagawa niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi rin.

“I just learned to be myself, especially now that I have absolutely nothing to be ashamed of.

"Wala… parang I’ve just been myself.

“If you check my Instagram, if you check my Twitter, you know what I’m doing all the time—I update.

“If ever naman na something is misconstrued, then answerable siya… may record ako.”



AT PEACE. Mahigit isang taon na ang relasyon ni Rhian at ng boyfriend niya ngayong si KC Montero. Kumusta na sila?

Tugon ng aktres, “Wala, it’s been very peaceful.

"Wala rin down… it’s been very peaceful and relax and happy and light.

"Absolutely no-stress relationship.”

Hindi naman dumarating sa punto na tila boring na ang relasyon nila?

“No, no,” sabi ni Rhian.

May mga petty fights din ba sila?

“Siguro, sa over a year namin together, nakadalawang petty fights na kami.

"So, hindi pa kami nagbi-big fights.”

Sa palagay ba ni Rhian ay si KC na ang makakatuluyan niya?

“You know, before, the way I used to think of relationship, parang when I’m with someone, parang it’s an audition to be my husband.

“So, parang palagi kong iniisip yung future at medyo hindi siya nakatulong sa life ko.

“Kasi, parang masyado akong into it.

“Parang masyado akong doon naka-focus. Parang masyado siyang priority.

“So ngayon, hindi ko na iniisip yung ganoon. I don’t think about marriage.

"Feeling ko, matagal pa yun.”



ON MATURITY. Sa palagay ba niya ay nag-mature na siya talaga?

“I hope so," sambit ni Rhian.

"Siguro, it’s not for me to say. Pero it feels like it, at least.

“Actually, my mom told me that I’ve grown so much in the past years.

“If it’s from my mom—she knows me better than anyone else—I believe that… it’s a good thing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“That’s good, that’s good talaga for me.”

Kumusta na siya ngayon bilang girlfriend?

“Feeling ko, sobrang okay ako ngayon… feeling, e!” natatawang sabi ni Rhian.

Dagdag niya, “We see each other all the time.

"Hindi ko naman masasabing wala akong time kahit medyo busy ngayon.

“So yun, we’re always in contact kahit na hindi pa kami nag-aaway…

"Siguro naman, okay naman akong girlfriend.”

May conscious effort ba siya na iwasan ang hindi tamang mga nagawa niya noon sa relasyon?

Sagot ni Rhian, “Well, siguro, ang pinaka-concious effort ko is to balance yung mga priorities ko.

“Kung may mali akong ginawa before, lahat kasi inilagay ko sa relationship.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN